"Okay sige..sige na nga.Libre mo ko pamasahe ha," sabi ni Beth.Nag-retouch muna si Perla sinikap na kapalan ang foundation, at sinipat ang sarili.Palapit na sila sa table ng tatlo nang mapansin niyang nakakunot ang noo ni Darwin habang may kausap sa telepono."Oh my God, lalong gumwapo ang love of my life at ang mga hita at braso nagka-muscles na din. Ano kaya ang pagkakaiba ng yakap nito noon sa ngayon?" Pilyang naisip ni Perla."Hi, boys, sorry, wala pang available na Charlie's Angel sa ngayon, so okay lang ba kung kami na muna ang makakasama niyo? Okay lang ba?" Bungad ni Beth na bihasa na sa trabaho."Oo naman, miss pretty. Halika kayo, umupo kayo," alok agad ni Ramon, na pinaupo agad si Beth sa tabi niya."Oh..Miss pretty, akala ko ba hindi ka nagte-table""Gipit ka na ba? Ahahaha," sabi ni Brandon. Nakaramdam ng insulto si Perla at napasulyap sa lalaking abala pa rin sa telepono."Ahh, eh naku, pogi, hindi talaga nagpapa-table si Ms. Pumpkin. Pinakiusapan lang ng may-ari kase wa
Baca selengkapnya