"Perla....... Sweetheart, ano ba ? Huminto ka nga. Perla isa! Bibilang ako ng tatlo. Huminto ka, sabi, ano ba? Isa... Dalawa... Dalawat kalahati... Dalawat ika..."Naputol na ang pagbibilang ng binata dahil tumigil na sa paglalakad ang babae, saka biglang humarap sa kanya.Napasinghap si Zai nang liparin ng hangin ang mahaba at unat na unat na buhok ni Perla.Pagkatapos ay tumitig sa kanya ang mga mata nitong parang laging iiyak. Napakalamlam at palaging nangungusap ang mga mata nito. Muli na namang naramdaman niya ang kakaibang tibok ng kanyang puso."Kinulam ba siya o ginayuma nito?""Ano ho ba iyon, Senyorito Darwin ?"Sigaw ni Perla."Zai.. sweetheart Zai.. call me Zai," diin ni Darwin Zai."Zai, ho ba tulad ng mga tawag sa inyo ng mga girlfriend ninyo?"Singhal ni Perla. Hindi niya maintindihan ang ugali ng amo. Kulot na ang utak, tukmol pa. Mabuti na lang, guwapo, kaya nadadaan sa mukha ang katukmulan."Hep… hep… teka lang, linawin ko ha.Mga fling ko, Perla… magkaiba ang fling sa
Read more