All Chapters of CEO's DARKEST SECRET Series: Chapter 61 - Chapter 70
107 Chapters
Chapter 14 (Dwight)
KINABAHAN si Syrellie sa nababanaag sa mga mata ni Dwight. Waring nakita na niya ang ganoong klase ng titig sa mga mata ng binata noong stag party nito kung saan nabuhay rin niya ang pagkalalaki nito.He didn't utter any word. He was just staring at her with full of passion and lusts.Hindi niya tuloy alam kung ano'ng susunod na gagawin. Gusto niyang kumaripas nang takbo, at iwan ito, but she froze while glaring directly at his eyes, too.Hindi rin niya maintindihan ang huli nitong sinabi sa kaniya kanina. Dwight told her two reasons why he hated her, pero hindi malinaw ang pangalawa. Naguguluhan siya.Nagagalit ba ito sa kaniya dahil binubuhay niya ang makamundo nitong pagnanasa? Ano naman ang ikakagalit nito, gayong halos lahat naman ng lalaki ay ganoon? Makakita lang ng sexy at magandang babae ay waring naghuhurumintado na ang nasa pagitan ng mga hita ng mga ito.Naalarma siya nang makitang kumilos ang binata. Akmang lalapit ito sa kan
Read more
Chapter 15 (Dwight)
DWIGHT'S FLASHBACK..."I SWEAR, I'll hunt you day and night if Maitha would cancel our wedding! I'm gonna make your life a living hell!" Puno ng gigil na hinimas ni Dwight ang pisngi ng babaeng kaharap. "I won't forget this fucking face of yours, pervert slut!" Walang lingon-likod niya itong iniwan. Pabalibag niyang isinara ang pinto.Derederetso siya sa parking lot pagkalabas na pagkalabas sa bukana ng kinaroroonang hotel. Agad siyang nagmaneho nang makapasok sa kotse.He was already tipsy. Marami-rami rin siyang nainom na alak kanina, kaya marahil pinatulan niya ang babaeng bayaran na iyon dahil na rin sa espirito ng alak.He heard his cellphone ringing. Agad niya iyong sinagot nang makitang si Maitha ang tumatawag. Ni-loudspeaker na lang niya iyon."Where are you? Bakit ang tagal mo? Are you coming to my condo to explain everything, Dwight?" Hindi pa nga siya nakakapagsalita ay ang sunod-sunod na nitong tanong ang bumungad sa kaniya."Yeah, I'm coming. I'm on my way, hon," masuyo ni
Read more
Chapter 16 (Dwight)
"THANK you for your help, Syrell," ani Dwayne sa kaniya pagkatapos nilang maubos ang pagkain na in-order sa isang high-end restaurant na pinagdalhan nito sa kaniya.She sipped from the glass of wine. Hindi niya alam ang itutugon dito. Iyon kasi ang unang namutawi sa mga labi ng lalaki pagkatapos nilang kumain. Alam niya kung ano ang ipinagpapasalamat nito."S-Sir, honestly, masyado akong naguguluhan sa mga pangyayari. Palala nang palala ang sitwasyon, 'tapos ngayon pa lang tayo nakapag-usap.""I know, Syrell, and I'm sorry kung hindi agad kita kinausap tungkol dito. I admit, it's my fault.""Sir, paano na 'to? Marami nang nakakaalam sa hotel." Hindi niya na lang sinabing maraming nakaalam dahil na rin sa ginawa nito. Panay kasi ang padala nito ng bulaklak sa kaniya."Would you accept my offer, Syrell? I mean, the offer is still there. 'Di pa rin nagbabago. Five million plus five percent of my profit from dad's company once I get my shares
Read more
Chapter 17 (Dwight)
"WHAT a wonderful couple you two make. Congratulations!" Tumingin si Sofia sa kaniya, saka makahulugan nitong binalingan si Dwight na biglang nag-iba ang timplada ng mukha.Tumiim ang bagang ng binata, pero dagli ring nawala. Seryoso ang mukhang bumaling ito kay Dwayne. "Mauunahan niyo pa yata kami ni Maitha."Bahagyang napakunot-noo si Syrellie. Maitha? Parang pamilyar. Tila narinig na niya ang pangalang iyon. Saglit siyang nag-isip. Mayamaya pa'y naalala na niya. Si Maitha ang babaeng nakatakda nitong pakasalan dati. Hanggang ngayon pala ay may relasyon ang dalawa? Sobra nga yata ang pagmamahalan ng mga ito. Dahil kung hindi, tiyak niyang hiwalay na ang mga ito ngayon.Pero kaano-ano nito si Sofia? Bakit ito ang kasama ng binata sa engagement party nila ni Dwayne? Nasaan si Maitha? Ah, ewan. Bakit ba niya pag-aaksayahang isipin iyon? Narito siya para sa engagement party nila ni Dwayne, at hindi para pagkaabalahan ang ibang bagay."You two are in
Read more
Chapter 18 (Dwight)
NAGPAALAM si Syrellie kay Dwayne na pupunta lang ng restroom. She wanted to pee. Marami-rami kasi siyang nainom na cocktail drinks, pero hindi naman siya lasing. La Dolce Vita Spritz lang kasi ang ininom niya, mild lang kung tutuusin.She headed towards the restroom, she then peed. Lumabas siya pagkatapos, at akmang babalik na sa VIP lounge ng hotel nang magbago ang isip niya.She wanted to unwind. Gusto niyang mapag-isa, at makapagmuni-muni. Masyado nang marami ang iniisip niya nitong mga nakaraang buwan. Samot-saring alalahanin ang bumabagabag sa kaniya. Magpahanggang ngayon kasi ay tila mabigat pa rin sa loob niya ang nakatakdang pagpapakasal kay Dwayne. Hindi naman sa ayaw niya rito, pero kasi ay hindi niya ito mahal. Hindi naman niya puwedeng bawiin ang ipinangako niya rito. Baka sabihin pa nitong wala siyang isang salita. At isa pa, matutulungan niya hindi lamang si Dwayne na makuha ang mana nito, kundi pati na rin si Lance na makapag-aral sa gusto nitong kur
Read more
Chapter 19 (Dwight)
"TITO Dwight, thank you for this. I so love it," Euna said while holding the story book he gave her."You're welcome, Euna." Nginitian ni Dwight ang bata, saka ginulo ang buhok nito.Kasalukuyan siyang nasa mansyon ng mga Santiago. Binisita niya ang mga ito. Magmula kasi nang kupkupin niya at dinala sa Spain si Sofia noong nagka-amnesia ito at buntis pa man din ay hindi na ito naging iba sa kaniya. Itinuring na niya itong parang tunay na kapatid. Minsan ay tinutukso sila ng mga kaibigan niya, pero wala lang iyon sa kanila. Pinagseselosan nga rin ito ni Maitha, pero palagi naman niyang sinasabing wala silang relasyon ni Sofia, at pagtinging-kaibigan lang ang turing niya rito.Naaalala pa niya kung paano napunta sa puder niya si Sofia. Kababakasyon lang niya noon galing Spain. Noong gumaling kasi siya at nakalakad muli ay saglit siyang nagpunta ng Spain para asikasuhin ang naiwan niyang negosyo roon. Bigla namang nagkasakit ang kanilang ama ni Dwayne, kaya n
Read more
Chapter 20 (Dwight)
NANLALAKI ang mga matang napatitig si Syrellie kay Dwayne. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Nakasulat na nga sa kontratang pinirmahan nila na bawal ang sex, pero may gana pa itong bulatlatin iyon hindi pa man nasisimulan ang matrimonya ng kanilang kasal. Ano kayang nakain nito? Mukhang hindi naman ito nagbibiro kung pagbabasehan ang ekspresyon ng mukha nito. Seryoso kasi itong nakatitig sa kaniya.She was about to open her mouth to contradict what he said nang magsimula nang magsalita ang officiant na magkakasal sa kanila. Seryoso silang napabaling sa harapan.The ceremony started. May mga sinasabi at itinatanong ang officiant na tinutugon naman nilang dalawa ni Dwayne.Namalayan na lamang niyang magkaharap na sila ng binata, at isinusuot sa isa't isa ang kani-kaniyang wedding ring. Kasabay rin niyon ay ang pagsasabi ng wedding vow nila.Naunang nagsalita si Dwayne. He stared at her, kaya naman napatitig siya sa mga mata nito."With
Read more
Chapter 21 (Dwight)
KINABUKASAN ay maagang nagising si Syrellie. Nakasanayan na kasi niya iyon simula pagkabata dahil na rin sa klase ng pamumuhay mayroon sila noon. Bawal silang tanghaliin ng gising sapagkat kailangan pa nilang kumayod.Iinat-inat siyang bumangon. Napansin niyang wala sa tabi niya si Dwayne. She roamed her eyes around. Wala rin ito sa couch ng kwarto.She heaved a sigh of relief, saka napangiti. Mabuti naman at hindi ito tumabi sa kaniyang matulog. At least, tumupad pa rin ito sa usapan na bawal ang intimate moments kapag sila lang dalawa.Bumaba siya ng kama. She wore her comfy slippers, she then peered at the wall clock. Pasado alas-kuwatro pa lang. Mamaya na lang siya maliligo. Magluluto muna siya. Hindi naman siguro masamang pakialaman niya ang kusina ni Dwayne. Tutal asawa naman na niya ito, kaya't nararapat lang na pagsilbihan niya ito kahit pa sabihing hindi naman totoo ang pagsasama nila.Itinali muna niya ang buhok, saka derederetso siyang
Read more
Chapter 22 (Dwight)
HINDI mapakali si Syrellie habang paroo't parito sa silid na kinaroroonan. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang huling sinabi ni Dwayne bago nila tapusin ang video call sa Tiyang Letty niya.Hindi niya alam kung seryoso ito o parte lang ng pagpapanggap nila, pero talaga namang kinakabahan siya. Mukha kasing seryoso ito nang sabihin iyon sa tiyahin niya.Pagkatapos nilang ibaba ang tawag ay sakto namang tumunog uli ang cellphone ng asawa, kaya naman nagpaalam itong sasagutin muna ang tawag. Siya nama'y dali-daling nagpunta sa silid. Kanina pa siya roon, at hindi lumalabas. Sa madaling salita, pinagtataguan niya ito."Ay, kabayo!" Napapitlag siya nang makarinig ng tatlong magkakasunod na katok sa may pintuan. Dali-dali siyang sumampa sa kama. Humiga siya, at nagtalukbong ng kumot. Bahala na, magtutulog-tulugan siya, makaiwas lang kay Dwayne."Ellie, babe. Open the door."Shit! Ayon na nga. Open the door na kamo. Pero teka lang. Babe? Kailan
Read more
Chapter 23 (Dwight)
HINDI pa rin maproseso ni Syrellie ang narinig na sinabi ni Dwayne kanina."I think I'm falling for you, Ellie..."That phrase kept coming back from her mind. Hindi niya alam ang mararamdaman nang mga sandaling iyon. Masyado naman yatang mabilis ang mga pangyayari. Kahapon pa lang sila nito ikinasal, 'tapos ngayon ay may pa-confession na ito agad-agad?Pagkatapos na sabihin iyon ni Dwayne ay ito rin mismo nagulat. Natigilan ito, at hindi makaapuhap ng sasabihin. May nabanaag pa nga siyang pagsisisi sa mga mata nito na waring hindi nito dapat iyon sinabi. Alumpihit pa ito nang ngitian siya. Pero kaagad din naman itong nakabawi pagkatapos. Malapad ang ngiting ibinigay nito sa kaniya na waring natural lang ang sinabi nito.Inulit pa nito ang sinabi. Pero sa ibang mga kataga na. Dwayne uttered the three magic words to her. Yes, he muttered "I love you," then gave her a kiss on the forehead. Pagkatapos ay iniwan siya nito sa kwarto. May tatawagan daw k
Read more
PREV
1
...
56789
...
11
DMCA.com Protection Status