"Do you still love her," nanginginig ang boses na tanong ni Coleen. Gusto niyang marinig mismo sa lalaking mahal niya ang kasagutan sa tanong na kanina pa bumabagabag sa kanyang isipan. "No. I don't love her anymore," maagap na sagot ni Vince sa kanya. Pinahid nito ang butil ng luhang tumakas sa mga mata niya at pinakatitigan siya nito mga mata. "So, why did you left me earlier just to be with her?" Kita niyang napalunok si Vince at hindi nakasagot sa tanong niya, nakatitig lang ito sa kanya. "I'm sorry, love. Please, stop crying. Makakasama iyan sa'yo," pag-aalala nito. "It's your fault! Hindi naman ako iiyak kung hindi dahil sa'yo at sa babaeng 'yon na mas pinili mong samahan kanina. Ni hindi mo man lang nga naisip na kasama mo ako, basta ka na lang umalis ng walang paalam. Hindi mo man lang naisip ang mararamdaman ko. O, kung okay lang ba sa'kin na umalis ka," sumbat niya at napalakas na ang mga hikbi niya. Wala na siyang pakialam kung nagmumukha man siyang bata sa harapan n
Terakhir Diperbarui : 2024-03-26 Baca selengkapnya