Ano ngayon ang gagawin niya, kung hindi niya matanggihan ang gusto ng kambal? Lalong-lalo na si Casey na halos ayaw na humiwalay sa ama nito. "Mommy? Please, please, gusto ko makatabi si daddy matulog," ani Casey na nag puppy eyes pa sa harapan niya. "Me too, mom," sabat naman ni Carter. "Ganda mo po, mommy," sambit ni Casey. "Of course, mom is beautiful and dad is handsome. That is why, maganda at pogi tayo," segundang sabat ni Carter. Hindi niya tuloy alam kung ngingiti ba siya o maiinis sa kambal. Mukang inuuto pa siya e. Sheyte! Talaga bang two years old pa lang itong mga anak niya? Bakit ganito na magsalita ang mga ito? Parang matatanda na. Imbes na siya ang mang-uto, siya ngayon ang inuuto ng mga 'to. Kanino ba nagmana ang mga ito? Napahilot na lamang si Coleen sa ulo niya. Pakiramdam niya bigla iyong sumakit. Kasalanan ito ni Nathan eh. "Pagbigyan mo na ang gusto ng mga anak mo. Hayaan mo na matulog si Vince rito, kita mo namang sobra syang sabik sa mga bata. Ganun din a
Read more