LOGINWalang nagawa si Vince nang magdesisyon ang mga magulang niya na ipakasal siya sa isang babaeng hindi niya naman mahal. Si Coleen ang anak ng kaibigan ng mga magulang niya. Katulad niya tutol din si Coleen sa gusto ng mga magulang nito. But, knowing his dad, lahat gagawin nito mapasunod lang siya sa kagustuhan ng mga ito. Lalo pa at nagbanta ito na tatanggalan siya ng mana. Hanggang isang umaga nagising na lang sila na magkasama sa kama at kapwa nakahubad. Matutunan kaya nila na mahalin ang isa't-isa? O, gagawin nila ang lahat para makawala sa isang kasal na di naman nila ginusto.
View MoreAUTHOR'S NOTE Hello po sa lahat ng readers ng THE UNWANTED MARRIAGE. Maraming-maraming salamat po sa inyo, sa pagsubaybay at pagsuporta niyo sa storya nina Coleen at Vince. Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat. Ang kwento ng tunay na pag-ibig nina Coleen at Vince. At kwento ng pagmamahalan nina, Carter at Angel na ngayon ay mayroon ng tatlong anak ang kanilang triplets na sina, Caleb, Chase and Callie. Ganun din nina Casey at Asher na maryoon ding tatlong anak na sina, Zoe Ashvi at ang kambal na sina Ashton and Aisha. Ang kambal naman na sina Vayden at Vaden, baka gawan ko rin sila soon. Muli maraming-maraming salamat talaga sa inyo, my dear readers. Love you all! CIE JILL🫰
COLEEN 1 Year later... "Happy anniversary, love," nakangiting bati ni Vince sa kanya pagkababa siya sa hagdan. Nakatayo roon ang asawa niya at mukhang hinihintay ang pagbaba niya. Malawak ang pagkakangiti nito at agad na iniabot sa kanya ang hawak nitong bouquet. Kahit may edad na ay hindi pa rin niya maiwasang kiligin dahil sa tuwing anniversary nila ay ganito ka sweet ang asawa niya. "Thank you, love," aniya at tinanggap ang bulaklak. Mabilis naman siyang hinalikan ni Vince sa mga labi na kanya ring tinugon ng buong puso. Ilang sandali pa silang naghalikan bago kumalas sa isa't-isa. Ganun pa rin ang asawa niya, walang kupas sa galing humalik. At kahit na hanggang ngayon na malalaki na ang mga anak nila at marami na silang mga apo ay hindi pa rin ito nagbabago. Palagi pa rin nitong pinapainit ang gabi nila sa ibabaw ng kama. Ayon sa asawa niya ay magandang ehersisyo raw iyon upang hindi agad na tumanda. Biniro naman niya ito na palusot lang nito iyon lagi para maka
ASHER 8 months later. Humahangos nang takbo si Asher papasok sa loob ng hospital. Kahit ang sasakyan niya ay hindi man lang niya naipark ng maayos. Nasa kalagitnaan kasi siya ng meeting kanina sa board room nang tumawag ang mommy niya na manganganak na raw ang asawa niya. Dinala na raw ng mga ito si Casey sa hospital, kaya doon na siya pinapaderitso ng mommy niya. Dali-dali siyang umalis sa kumpanya at iniwan ang meeting upang puntahan ang asawa niya sa hospital. Mabuti na lang at nandoon palagi sa mansion ang mommy niya at mommy ni Casey. Laging nakabantay ang mga ito sa asawa niya sa tuwing nasa trabaho siya. Kinakabahan at nae-excite ang pakiramdam niya. Kinakabahan para sa asawa niya na manganganak dahil alam niyang hindi biro ang manganak. Lalo pa at kambal ang isisilang ng asawa niya. Nae-excite dahil sa wakas masisilayan na nila ang kanilang kambal na anak. Parang tinatambol sa lakas ang dibdib ni Asher pagkatapat niya sa kwartong kinaroroonan ng asawa niya. Pagb
CASEY Pagkatapos ng kanilang kasal sa simbahan ay deretso na sila sa reception sa SANTILLAN GRAND MEGA HOTEL. Ngunit ang akala ni Casey na sa reception hall dederetso ay sumakay sila ng elevator. "Saan tayo pupunta, hubby?" nagtataka niyang tanong sa asawa niya dahil ang usapan ay sa reception hall sila pupunta tapos nandito sila sakay ng elevator at nilagpasan ang reception hall kung saan nandoon ang mga pamilya, bisita sa kanilang kasal at nagkakasiyahan. "To our honeymoon place, wifey," malanding sagit ng asawa niya at kinindatan pa siya. Para siyang teenager na kinilig sa ginawa nito. "Pero hubby teka lang, baka kasi hanapin nila tayo lalo na ng mga bisita natin," pigil niya sa asawa," pero alam naman ni Casey na kahit pigilan niya pa ito ay hindi papapigil ang asawa niya. "Hayaan mo sila, wifey. Isa pa nandoon naman ang mga family natin, sila na ang bahala ro 'n," sagot naman ng gwapo niyang asawa. Hanggang sa hindi niya napansin nakarating na sila sa pinakataas.






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore