All Chapters of My Billionaire Boy Best Friend: Chapter 81 - Chapter 90
174 Chapters
Chapter 81
CHAPTER 81Nang makita ni Sarah na mag isa lamang si Vin na nakatayo sa tabi ng pool ay dali dali na syang lumapit dito. Pagkakataon na nya eto para makausap nya si Vin."Hi Vin," bati ni Sarah kay Vin. Tiningnan naman ni Vin kung sino ang nagsalita at ng makita nyang si Sarah eto ay nginitian naman nya eto."Pwede ba kitang makausap?" Tanong pa ni Sarah at lumapit pa sya sa pwesto ni Vin."Pwede naman. May kailangan ka ba sa akin?" seryosong sabi ni Vin. Tumayo naman na si Sarah sa tabi ni Vin."Vin ako na ang humihingi ng pasensya para sa kapatid ko," sabi ni Sarah kay Vin. Napabuntong hininga naman si Vin dahil sa sinabi ni Sarah at hindi nagsalita."Pasensya ka na. Masyado kasing naspoiled ni dad si Nicole kaya ganon sya. Nakatatandang kapatid nya ako pero sa ibang bansa na ako nakatira kaya madalang ko na talagang makasama ang kapatid ko na yan. Aware naman ako sa ugali na meron sya kaya pasensya ka na. Umuwi lang ako ng bansa ng malaman ko ang tungkol sa engagement party ninyo.
Read more
Chapter 82
CHAPTER 82VIN POVMag isa ako ngayon sa tabi ng pool nila Mark. Umalis kasi si Mark para harapin ang iba pa nyang bisita habang sila Ian at Colleen ay magkasama naman. Nakakalungkot dahil akala ko ay makakasama ko ngayong gabi sa Bella ngunit nadismaya ako ng malaman ko na hindi pala eto makakapunta dahil sa may pasok eto kinabukasan ganon na rin sila Myca at Kate.Nasa malalim akong pag iisip ng biglang may nagsalita sa likuran ko. Nagulat pa ako ng pagligon ko ay ang kapatid ni Nicole na si Sarah ang tumawag sa akin. Nginitian ko naman eto. Nagulat pa ako ng bigla etong humingi ng tawad sa akin. Hindi ko naman inaasahan na ihihingi nya ng tawad ang kanyang kapatid gayong ayon sa kwento neto ay malayo ang loob nila sa isat isa ni Nicole.Nagkuwento pa eto sa akin at nag usap pa kami ng tungkol sa personal naming buhay. Ngayon ko napagtanto na magkaiba nga talaga ng ugali si Sarah at Nicole. Nalaman ko rin na may sarili na palang pamilya ang ina nila Sarah at Nicole kaya siguro nag
Read more
Chapter 83
CHAPTER 83Matapos nilang magcelebrate ng birthday ni Mark ay mahimbing ng natutulog ang magkakaibigan dahil sa kalasingan. Marami rami rin ang nainom ng mga eto Si Vin naman ay hindi na rin nagtagal kagabe dahil kailangan pa nyang magmaneho pauwi sa kanila kaya hindi sya nag inom kasama ang kanyang mga kaibigan. Si Bella naman ay natulog na rin pagkaalis ni Vin dahil masama ang pakiramdam neto marahil sa pagod dahil marami syang trabaho ngayon.Sila Mark, Ian , Bernard at Joseph ay mga naka inom na rin kaya doon na lamang nagpalipas ng gabi sa bahay nila Bella. Sa may sala na lamang natulog ang mga eto.Habang Si Myca naman ay nakatulog sa kwarto nila Kate at Colleen marahil sa kalasingan kaya sa kwarto ng mga eto sya nakapasok imbes na sa kwarto nila ni Bella.Bigla namang nagising si Joseph. Nakita nya na mahimbing na natutulog ang mga kasama nya. Pupunta dapat sya ng CR ngunit napadaan sya sa tapat ng kwarto nila Bella at napasilip sya rito at nakita nya na mahimbing din na natut
Read more
Chapter 84
CHAPTER 84Sa kabilang kwarto naman ay mahimbing na natutulog sila Myca, Colleen at Kate. Bigla namang naalimpungatan si Myca dahil parang may narinig syang tumawag sa kanyang pangalan."Mmmmm," Ungot ni Myca ng marinig niya na may tumawag sa kanyang pangalan."Hmpft. Hmpft," dinig pa ni Myca. Kaya napabangon sya ng marinig nya iyon."Sino ba yun?" Sabi ni Myca at tumingin sa paligid nya. Nagulat pa sya ng makita nya na wala sya sa kwarto nya. "Teka. Bakit ako nandito?" Tanong ni Myca sa kanyang sarili at napahawak pa sya sa ulo nya dahil parang kumirot eto. "Tsk. Sobrang lasing ko na ata at maling kwarto ang napuntahan ko," sabi pa nya.Tumayo na rin naman na si Myca upang bumalik sa kanilang kwarto ngunit bigla syang nakaramdam ng pagka ihi akma na sana syang pupunta ng CR ng makita nyang nakasarado ang kanilang kwarto. Napakunot ang kanyang noo dahil hindi naman nagsasarado ng pinto si Bella lalo na at wala pa sya sa loob ng kwarto nila. Pero dahil sa naiihi na talaga sya ay dumi
Read more
Chapter 85
CHAPTER 85Sinunod naman ni Bernard si Myca. Alam nyang galit eto at ang mga kaibigan ni Myca dahil sa ginawa ni Joseph kaya iniuwi na muna nya si Joseph sa kanilang bahay."Ano ba naman yang ginawa mo Joseph?" Galit na sabi ni Bernard kay Joseph ng makapasok na sila sa kanilang bahay."Sorry kuya. Hindi ko sinasadya. Dala siguro ng kalasingan kaya ko nagawa iyon kay Bella," sagot ni Joseph habang nakasabunot eto sa kanyang ulo."Tsk. Pinagkatiwalaan ka nila Joseph. Itinuring ka na rin nilang kaibigan. Tapos ganyan ang gagawin mo," gigil na sabi ni Bernard kay Joseph. Napayuko na lamang ng ulo si Joseph dahil hindi naman nya talaga sinasadya iyon dala lamang talaga siguro ng kalasingan kaya nya nagawa iyon kay Bella."Sorry kuya," tanging naisagot ni Joseph."Sorry? Anong magagawa ng sorry mo e kamuntik mo ng pagsamantalahan si Bella kanina. Hindi ka kasi nag iisip. Pano na lamang pala kung hindi nagising si Myca kanina," galit na sabi ni Bernard kay Joseph.Naiinis na naman si Bernar
Read more
Chapter 86
CHAPTER 86Naging maayos naman na din si Bella sa paglipas ng mga araw. Bumalik na rin sya sa dati. Nakakapasok na ulet sya sa trabaho. Hindi na rin nya nakikita pa si Joseph. Ang sabi sa kanila ni Bernard ay pinauwi na nya eto sa mga magulang neto at isinumbong pa nya eto kaya ipinadala na si Joseph ng mga magulang nya sa ibang bansa. Tumawag naman eto sa kanya bago umalis upang humingi ng tawad ngunit sinabi ni Bella na wag na lamang ulet magpapakita sa kanya. Ang sabi pa sa kanya ni Joseph ay pinagsisihan daw neto ang nagawa nya.Mabilis naman na lumipas ang mga araw. Sa mga nakalipas na araw ay naging maayos naman na si Bella. Nagkikita naman sila ni Vin paminsan minsan.Si Vin naman ay abala pa rin sa kanyang trabaho. Minsan ay kinukulit sya ni Nicole tungkol sa kasal nila ngunit hindi na lamang nya eto pinapansin. Si Nicole naman ang nagiging punong abala para sa kasal nila ni Vin. Kahit na hindi sya madalas pansinin ni Vin ay hindi pa rin sya nagpatinag na matuloy ang kasal ni
Read more
Chapter 87
CHAPTER 87"Ano ng balak mo bro? Malapit na ang kasal nyo ni Nicole," tanong ni Ian kay Vin. Nasa bahay nila Ian at Mark sila ngayon doon na dumiretso si Vin kanina pagkagaling nya sa opisina. Dun nya naisip na magpalipas ng oras sa bahay ng dalawa at bumili na rin sya ng maiinom nilang tatlo. Gusto nya kasing makapag isip isip. "Oo nga Vin ano ng balak mo ngayon?" tanong din ni Mark."Pinag iisipan ko pa talaga kung tama ba tong binabalak ko e," sagot ni Vin sabay lagok ng hawak netong alak."Ano ba kasing balak mo bro? Baka matulungan ka namin," sagot ni Mark.Bumuntong hininga na muna si Vin bago nagsalita. "Balak kong tumakas kasama si Bella."Nagkatinginan naman sila Mark at Ian dahil sa sinabi ni Vin."Alam na ba to ni Bella?" tanong ni Ian."Hindi pa. Kayo pa lang ang pinagsabihan ko ng balak ko na eto. Sa tingin nyo tama ba ang gagawin ko?" tanong ni Vin.Tumukhim naman na muna ang dalawa dahil parang mahirap bigyan ng payo si Vin sa pagkakataon na eto. Dahil hirap talagang
Read more
Chapter 88
CHAPTER 88VIN POVPagkagaling ko kila Mark at Ian ay umuwi na agad ako. Alam kong may tama na rin ako ng alak. Ayaw nga san akong payagan nila Mark na umuwi dahil medyo lasing na nga ako at magdadrive pa raw ako Pero mapilit ako at hindi nagpapigil na umuwi.Pagkarating ko sa bahay namin ay agad na akong nakita ni Papa at galit na galit eto sa akin akala ko ay dahil sa lasing akong umuwi kaya sya nagalit pero hindi pala nagalit eto dahil sa nagsumbong pala ang Nicole na iyon kay Papa na hindi ko raw eto pinapansin. Nasuntok pa nga ako ni Papa dahil dito.Susuntukin pa sana ako ni Papa buti na lamang at dumating si Mama at naawat eto at tinulungan pa ako neto na makabangon. Hindi ko naman napigilan ang pagtulo ng luha ko ng masabi ko kay Papa ang nararamdaman ko ngayon at pagkatapos non ay tinalikuran ko na sila at diretso na akong pumasok sa aking kwarto. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Mama pero hindi ko na eto pinansin pa.Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong nahiga sa ka
Read more
Chapter 89
CHAPTER 89THIRD PERSON POVNaghanda naman na si Bella dahil nag message na sa kanya si Vin na papunta na raw eto. Hindi na rin naman nagtagal at dumating na nga si Vin at nagulat pa si Bella dahil nakamotor si Vin ng dumating sa kanila."O kanino yang motor na yan?" Agad na tanong ni Bella kay Vin ng tumapat eto sa kanya. Nakita naman ni Bella ang nakangiting mukha ni Vin pakatanggal neto ng helmet."Ayos ba?" tanong ni Vin kay Bella at kinindatan pa nya eto."Tsk. Kanino nga yan? Saka bakit ka nakamotor? Marunong ka ba nyan?" Sunod sunod na tanong ni Bella kay Vin dahil ngayon nya lamang kasi eto nakitang magmotor. Nag aalala siya na baka hindi pa eto sanay na may angkas at baka madisgrasya pa silang dalawa."Syempre sa akin to. At oo marunong akong magmotor. Hahaha," tatawa tawa pa na sagot ni Vin kay Bella. Napasimangot naman si Bella sa sinagot ni Vin. Dahil seryoso syang nagtatanong dito."Seryoso ka ba? Alam kong marami kang pambili ng motor pero ngayon pa lang kita nakita na
Read more
Chapter 90
CHAPTER 90"Bella---" hindi naituloy ni Vin ang kanyang sasabihin ng magsalita si Bella."Sige sasama na ako sayo Vin," putol ni Bella sa pagsasalita ni Vin. Napaawang naman ang bibig ni Vin sa pagkabigla dahil sa sinabi ni Bella."Ta - talaga Bella? Sasama ka na sa akin?" kandautal na tanong ni Vin kay Bella dahil akala nya ay hindi eto sasama sa kanya."Oo Vin. Siguro tama ka. Eto na lang siguro ang natitira mong solusyon para matakasan mo ang kasal ninyo ni Nicole. Siguro eto na rin ang panahon para naman ipaglaban ko rin ang pagmamahal ko sayo Vin. Sasamahan kita Vin," nakangiting sagot ni Bella kay Vin. Napag isip isip kanina ni Bella na sumama na lamang kay Vin dahil siguro nga eto na lang ang natitira nilang solusyon ni Vin. Mahal na mahal nya si Vin at hindi nya kakayanin kung pati eto ay mawala sa kanya kaya sasama na lamang sya rito. At handa na rin nyang ipaglaban ang pagmamahal nya rito.Hindi naman na napigilan pa ni Vin ang kanyang sarili at agad na nyang niyakap si Be
Read more
PREV
1
...
7891011
...
18
DMCA.com Protection Status