Gabi ng prestihiyosong launch ng isang sikat na intimate apparel sa bansa. One of the hottest events. Pamoso ang naturang paglulunsad kaya't inaabangan ito ng lahat, maging ng mga kilalang personalidad sa mataas na antas ng Sociedad lalo na sa larangan ng fashion industry. Kaya naman ay napuno ng mga manonood ang malaking convention center. Katulad ng inaasahan, sinalubong ng masigabong palakpakan mula sa audience ang mga glamorosang modelo nang isa-isa silang maglakad sa runway. Suot ang iba't-ibang disenyo ng branded sexy lingerie ay lumutang ang kanilang kaseksihan kung saan ang bawat isa ay nag-aangkin ng mga kaakit-akit na karisma. Subalit kung ang lahat ng naroon sa bulwagan ay nasisiyahan at napapasipol sa mga nasisilayang kagandahan, hindi si Clark Zantillan. Habang nakatitig sa isang partikular na imahe ,ang doktor ay nagsimulang maningkit ang mga mata, kasabay niyon ay pagtiim ng mga bagang at pagkuyom ng mga palad nito. His face went red. Mula naman sa saliw ng i
Baca selengkapnya