Pauwi na noon si Anya mula sa pagde-deliver ng Laing at sumang Moron sa bayan. May suki sila roon na nagmamay-ari ng isang pansiterya sa may plaza malapit sa munisipyo. Katulad ng mga Zantillan, regular rin na umo-order sa kanila si Aling Marta. Dating kusinera ng pamilyang Zaavedra ang medyo may edad na babae. Nang mag-migrate sa States ang pamilyang pinagsisilbihan, ay nagtayo ito ng isang maliit na negosyo na pinangalanang Pansiterya ni Marta. Kung ang Lola Mareng niya ang may pinakamasarap na lutong laing sa buong San Isidro, si Aling Marta naman ay nakilala sa pagluluto ng pinakamasarap na pansit sa bayan nila. Katunayan, iilang buwan pa lamang na tumatakbo ang pansiterya nito ay naging pamoso na agad dahil sa dumaraming parukyano. Habang inaayos ang sisidlang basket, nagpaalam na si Anya sa babae. “Aling Marta, hindi na ho ako magtatagal at siguradong maghihintay po sa akin si Lola,” aniya. Lumapit sa kanya si Aling Marta na noo'y abala sa counter. Nakangiti ang bab
Read more