I thought something terrible will happen after that night, pero matapos ang tatlong linggo ay naging normal pa rin naman ang pamumuhay ko. Matapos i-send sa akin ng tatay ko ang kalahati ng limang milyon na ipinangako niya ay hindi na niya muli ako kinausap. I received no bad call from him. “Any plans?” Kumunot ang noo ko sa naging tanong ni Sever. Kasalukuyan akong nakasakay sa passenger seat ng kaniyang sasakyan dahil naisipan ko na ayain siyang kumain sa labas. “What do you mean by plans?” “We'll be having three months of official vacation, hindi ka ba masaya?” Oh, right. That means hindi kami makatatanggap ng kahit anong misyon sa loob ng dalawang buwan, urgent man o hindi. Hindi gaya ng normal na araw pagkatapos namin sa isang misyon, posibleng makatanggap kami agad ng tawag para sa panibagong bakbakan, kahit anong oras pa 'yan. “Kailan pa ba ako nagplano para sa bakasyon?” Napailing ang lalaki sa sagot ko. “Right, kailan ka ba nagplano para sa buhay mo?” Sa totoo lang, s
Read more