All Chapters of BITTER SWEET LOVE STORY OF US: Chapter 41 - Chapter 50
79 Chapters
Chapter 41
BRIANNA"Ikaw ba ang may-ari ng pipitsuging coffeeshop na ito?" Nanlisik ang mga mata ng babae sa akin. Nabawasan tuloy ang ganda niya dahil sa panlilisik ng kanyang mga mata sa akin."Yes. I am the owner of this pipitsuging coffeeshop na ito," nakataas ang noo na sagot ko sa kanya. Kung umasta ang babaeng ito ay parang siya ang pinakamataas na tao sa lipunan. Aba! Kung gusto niya ng away ay hindi ko siya uurungan gayong mainit ang ulo ko sa kanila ni Dean. Teka, bakit napasama bigla sa usapan si Dean? Wala namang ginagawa si Dean para magalit ako sa kanya. Iyon nga, eh. Walang ginagawa si Dean kahit nakikita niyang mali ang kasama niyang babae ay wala pa rin siyang ginagawa."Ah, kaya naman pala bastos ang staff mo dahil mana sa bastos niyang amo," nang-iinsultong sabi sa akin ng babae."Bastos? Sino sa ating tatlo ang bastos, Miss? Saksi ang lahat ng mga taong nandito s loob ng coffeeshop kung sino ang bastos magsalita sa ating tatlo," palaban kong sagot. Akala yata ng babaeng ito n
Read more
Chapter 42
BRIANNAIlang araw akong hindi pumunta sa aking coffeeshop dahil ayokong ma-tsamba na naroon sina Dean at ang Bridget na 'yon. Hanggang ngayon ay kumukulo pa rin ang dugo ko kapag naaalala ko ang nangyari sa loob ng aking coffeeshop. Bakit ba may mga babaeng katulad ng Bridget na iyon ang ugali? At bakit may lalaking katulad ni Dean na nangakong maghihintay siya sa akin kahit matagal pa pero ilang weeks pa nga lang ang nakalilipas nang mangako siya ay nakahanap agad siya ng iba?Noong high school kami ay si Ivy ang kontrabida sa aming dalawa ni Dean tapos ngayon ay may Bridget naman. Nababaliw ka na, Brianna. Bakit mo naman iniisip na kontrabida si Bridget sa inyong dalawa ni Dean? Wala kayong relasyon ni Dean dahil itinaboy mo na siya. Kaya ano pa ang ipinagpupuputok ng botse mo? kastigo sa akin ng isang maliit na tinig sa aking isip.Napahugot ako ng malalim na buntong-hininga. Sa halip na pagurin ko ang isip ko sa kakaisip kay Dean at sa Bridget na 'yon ay ipinasya kong magpunta na
Read more
Chapter 43
BRIANNA"Ma'am, mauna na po kami," magkasabay na paalam sa akin nina Pinky at Carla. Maaga kaming nagsara ngayon at bukas ay sarado kami. Magmulanoong nagbukas ako ng coffeeshop ko ay hindi na nagli-leave ang dalawa kong staff na babae maliban na lamang kung may sakitabg mga ito. Naisipan kong bigyan sila ng isang araw na leave para naman makapamasyal silang dalawa. "Sige. Ako na ang bahalang magsara ng pintuan," sagot ko nang umangat ang mukha mula sa isinusulat kong order slip. Marami nang walasa shop ko kaya kailangan ko na ulit mag-order ng mga ingredients sa aking suki."Bye po, Ma'am, Brianna," magkapanabay na paalam sa akin nang dalawa.Pagkaalis nila Pinky at Carla ay tinapos ko lamang ang order na sinusulat ko at pagkatapos ay nagpasya na akong umalis sa opisina ko. Kinuha ko ang pink kong shoulder bag at isinukbit ko sa aking kanang balikat bago lumabas sa aking opisina. Hinagilap ko ang susi ng shop ko tapos saka ako lumabas. Sinigurado ko na mabuti ang pagkaka-lock dahil
Read more
Chapter 44
BRIANNA"Hindi ko nga alam kung sino ang pumatay sa kanya! Bakit ba ang kulit ninyo?" naiinis kong sagot sa mga pulis na kanina pa nagtatanong sa akin. Nasa loob kasi ako ngayon ng interrogation room dahil dito ako dinala ng mga pulis pagkatapos kunin ang patay na katawan ng lalaking nakausap ko kanina sa kalsada. "Imposibleng hindi mo alam kung paano namatay ang kasama mo, Miss. Huwag mo nga kaming pinaglololoko!" sigaw sa akin ng isang pulis na nag-iinterrogate sa akin.Biglang umakyat ang dugo ko sa aking ulo nang sigawan niya ako. Kung maka-interrogate ang pulis na ito sa akin ay parang isa akong kriminal. Napatayo ako sa kinauupuan ko kasabay ng malakas na pagpokpok sa mesa."Don't yell at me, Mr. Policeman! I'm not a criminal but a witness! Do you understand?" galit na singhal ko rin sa pulis na naninghal sa akin. "Calm down, Miss Aguilar," saway sa akin ng kasamahang pulis na mainitin ang ulo, pagkatapos ay binalingan nito ang kasamahang puli. "Salazar, hindi siya ang krimina
Read more
Chapter 45
BRIANNAKinabukasan ay hindi ako pumasok sa aking coffeeshop dahil hindi pa ako nakaka-recover sa pagka-shock na naramdaman ko dahil sa aking nasaksihan kagabi at dahil na rin sa pang-iinterrogate sa akin ng mga pulis na para ba akong isang kriminal.Tinawagan ko na lamang si Pinky para sila na lang muna ni Carla ang bahala sa aking coffeeshop. May tiwala naman ako sa kanilang dalawa kaya naiiwanan ko sa kanila ang aking shop kapag hindi ako makakapunta dahil may gagawin akong importante or kung minsan ay tinatamad akong pumasok sa trabaho.Kahit mataas na ang araw ay hindi pa rin ako bumabangon. Gusto ko pa ring matulog dahil gusto ko paggising ko ay matutuklasan ko na isang masamang panaginip lamang ang nangyari. Ngunit nananadya naman na kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Mayamaya ay bigla akong napabalikwas ng bangon nang makarinig ako ng malakas na lagabog na nagmula sa sala ng aking bahay. Bigla akong kinabahan.Tila may ibang tao na nakapasok sa loob ng bahay ko.Kahit
Read more
Chapter 46
BRIANNA"Brianna!"Mabilis na napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon ng isang lalaki. At nang masiguro ko na siya nga ay lalong lumakas ang pag-iyak ko."Dean," sambit ko sa pangalan niya. Niyakap niya ako ng mahigpit habang umiiyak ako. Bigla akong kumalas sa pagkakayakap niya nang maalala ko ang mga taong nasa loob ng aking bahay. Baka bigla silang lumabas tiyak na makikita nila kami ni Dean. "Umalis na tayo. Baka maabutan pa nila tayo," nag-aalalang sabi ko sa kanya. Nagpatiuna akong maglakad papunta sa kotse niya ngunit bigla akong napaupong muli sa kalsada nang maramdan ko ang matinding kirot sa aking talampakan."Na-sprain ang paa mo?" ani Dean pagkatapos ay walang paalam na bigla na lamang niya akong binuhat at mabilis na ipinasok sa loob ng kanyang kotse. Pagkatapos akong kabitan ng seat belt ay agad na niyang minaniobra paalis sa lugar na iyon ang kotse niya.Habang nagbibiyahe kami ay hinayaan lamang niya na umiyak ako. Inaabutan na lamang niya
Read more
Chapter 47
BRIANNANakatatlong araw na ako sa bahay ni Dean at kahit paano ay nagagalaw ko na ang aking paa na naka-cast. Sa loob ng tatlong araw na iyan ay hindi ko pa nakikita na nagpupunta sa bahay ni Dean si Bridget. At sa loob din ng tatlong araw na iyan ay minsan ko lamang makita si Dean. Feeling ko ay iniiwasan niya ako. Hindi naman kasi kailangang magpakita pa sa akin ni Dean dahil may babaeng nag-aalalaga naman sa akin. Stay-out na kasambahay niya ngunit dahil nandito ako sa bahay niya kaya pinakiusapan niya ang kasambahay niyang si Aling Lena na doon muna matulog hangga't hindi ko pa kaya ang aking sarili.Pero okay na rin 'yon na hindi ko masyadong nakikita si Dean. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nahihiya rin akong makita siya at magpasalamat sa kanya dahil sinungitan ko siya the last time na nag-usap kami. Baka iniisip niyang napaka-ungrateful ko dahil hindi nga ako nagpasalamat sa ginawa niyang pagtulong sa akin ay sinungitan ko pa siya.Sa kalagayan ko
Read more
Chapter 48
BRIANNAHalos mag-iisang Linggo na ako sa bahay ni Dean at nakakalakad na rin ako ng maayos kaya nagdesisyon akong bumalik na sa aking bahay. Siguro naman ay hindi na ako babalikan pa ng mga lalaking iyon dahil ilang araw din akong wala sa bahay ko. Mamaya ay magpapaalam na ako kay Dean na babalik na ako sa bahay ko at magpapasalamat na rin ako sa pagtulong niya at pagpapatira sa akin sa bahay niya. Sa loob ng anim na araw na pananatili ko sa bahay ni Dean ay tatlong beses ko lamang siya nakita ngunit hindi ko siya nakausap ng matagal. Nagtanong lang siya sa aking kalagayan tapos umalis agad. Alam kong nagtataka si Aling Lena kung bakit hindi kami nag-uusap masyado ni Dean ngunit hindi na lamang ito nagtanong. At sa loob ng pananatili ko rito ay hindi ko nakitang nagpunta rito si Bridget. Kaya hindi ko alam kung alam ba nito ang bahay ni Dean o hindi?Habang naghihintay ako sa pag-uwi ni Dean ay tinulungan ko na muna si Aling Lena na magluto ng dinner ng binata. Mamaya na rin kasi it
Read more
Chapter 49
BRIANNAUmaandap-andap ang aking dibdib habang papasok ako sa sa bahay ko. Kinakabahan ako dahil baka naroon sa loob ng bahay ko ang dalawang lalaking pumasok sa bahay ko. Ngunit nang masiguro ko na walang tao sa loob ay saka ako nakahinga ng maluwag. Agad kong inasikaso ang pagpapaayos sa nasirang pintuan ng bahay ko. Mabilis akong tumawag ng karpintero para mapalagyan ko ng triple luck ang pintuan sa sala at pati na rin sa kuwarto ko. Mabuti na ang nag-iingat para hindi na maulit na may nakapasok na mga lalaki rito. Pati ang bintana ng aking kuwarto na sinira ko para lamang makatakas ay ipinaayos ko rin at pinaglayan ko ng grills ngunit may bukasan para kapag may kailangan takasan ay makakadaan pa rin ako.Hindi naiwasan ng dalawang taong binayaran ko ang magtaka kung bakit gulo-gulo at tila niransak ang loob ng aking bahay kasama na pati ang kuwarto ko. Sabi ko na lamang na nag-aayos kasi ako ng mga gamit ko kaya ganoon kagulo ang aking mga gamit ko.Kinuha ko na rin ang kotse kong
Read more
Chapter 50
BRIANNAHabang nasa loob ako ng aking opisina ay pasilip-silip ako ng bahagya sa pintuan ng opisina ko na hinayaan kong medyo nakaawang ng bahagya. Sinadya ko 'yon para makita ko kung ano ang kilos ng lalaking nasa loob ng opisina ko. At tama nga ang hinala ko na ako nga ang pakay niya dahil nakikita ko siya na kanina pa pasulyap-sulyap sa direksyon ng aking opisina. Naisip kong ang usb ang pakay niya sa akin. At malamang ay mga tauhan ni Congressman Suarez ang pumasok sa loob ng bahay ko at kasama na rin ang lalaking ito na patingin-tingin sa aking opisina.Ubos na ang iniinom na kape ng lalaki ay hindi pa rin ito umaalis sa kanyang kinauupuan. Mukhang balak nitong hintayin ako hanggang sa magsara ang coffeeshop kaya hindi ko maiwasan ang mag-panic. Napapabuntong-hininga na lamang ako nang tumayo ako sa kinauupuan ko para tuluyang isara ang pintuan at pagkatapos ay ini-lock bago ako bumalik sa upuan ko.Hindi ako titigilan ni Mr. Suarez hangga't nasa akin ang usb. Kaya kailangang mai
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status