Lahat ng Kabanata ng Millionaire Men's Club: Alexandros Ruffalo: Kabanata 71 - Kabanata 80
86 Kabanata
Chapter 71
"Blooming ka ata girl? Anong tinatake mo?" tanong ni Olivia sabay beso sa kanya.Andito sila ngayon sa cabin ni Selena. Nag-aya kasi ito na doon na sila ni Olivia mag-agahan bago sila pumasok sa restaurant. Biglaan lang ang aya sa kanila kagabi sa text kaya hindi nadin sya nakatanggi."Wala ah! Vitamins lang naman tinatake ko." Sagot nya dito sabay upo na sa upuan. Umupo din naman ito sa harap nya at tinitigan pa sya. Dahil naiiling sya sa pagtitig nito sa kanya kaya napag desisyunan nyang kunin na lang ang kanyang cellphone at itext na lang si Alexandros. Baka kasi hanapin sya nito pagka gising. Hindi na kasi nya ito ginising para magpaalam dahil alam nyang napagod ito kagabi. Naramdaman nyang nag-init ang kanyang mukha ng maalala ang ginawa nitong ''harot'' sa kanya. Talagang hindi sya nito tinigilan hanggang madaling araw. Kung hindi pa nya sinabi dito na may duty sya ay baka naka wheelchair syang pupunta sa cabin ni Selena.Muntikan pa syang matumba kanina pagka bangon nya mula
Magbasa pa
Chapter 72
Nagpupunas ng mesa si Elaine ng bigla na lang may humalik sa kanyang pisngi. Dahil sa pagka gulat ay biglang umigkas ang isa nyang kamay at nasampal ang pangahas na 'yon.Nanlaki ang kanyang mata ng lingunin nya ito."Ice!?"Hawak ang nasaktang pisngi nito ay ngumiti ito ng bahagya sa kanya. "Surprise!" Dahil sa tuwa ay napatalon sya at napayakap dito. Hindi nya inaasahang makikita ito dito, huling pag-uusap kasi nila ay nung nag desisyon itong umalis ng bansa para mag-aral dun at makasama ang pamilya nito. Niyakap din naman sya nito pabalik. Kumalas sya dito at nakangiting tiningnan ito. Napansin pa nyang bahagyang namumula ang pisngi nitong nasampal nya. Ngumiwi sya. "Pasensya kana. Bigla ka kasing nanghahalik e." Tumawa naman ito at hinaplos ulit ang pisngi. "Okay lang, kasalanan ko naman at nagulat ka. Pero malakas 'yon ha? Mas malakas pa sa huling sampal na nakuha ko sayo dati." Tumawa ulit ito ng malakas na syang ikinakuha ng atensyon ng mga kumakain sa loob ng floating res
Magbasa pa
Chapter 73
"Elaine?" Nagtatanong ang mga matang nakatingin sa kanya si Ice.Tumango sya dito. "Yes, Ice. Boyfriend ko si Alexandros." Pagkumpirma nya dito.Bumakas sa gwapo nitong mukha ang sakit, saglit lang 'yon dahil ngumiti din naman ito. Ngiting hindi umabot sa mga mata nito."Akala ko...""Akala mo ano? Na single pa si Elaine? Sorry, dude! She's mine now. So back off!" Putol ni Alexandros sa sasabihin nito.Hinila naman sya ni Alexandros paalis sa harapan ni Ice na parang naestatwa na sa kinatatayuan nito. Lumingon sya dito at nakita nya ulit ang lungkot sa mga mata nitong nakatingin sa kanila."Sorry." Sabi nya dito na walang boses. Tumango lang ito sa kanya. Hihingi sya dito ng paumanhin ulit sa susunod kapag nakita ito, hindi naging maayos ang pagkaka kilala nito at ni Alexandros.Dinala naman sya ni Alexandros sa opisina ni Selena sa loob ng restaurant. Pagka sarado nito ng pintuan ay agad naman nitong binitawan ang kamay nya at inihilamos ang kamay nito sa mukha.Ilang beses itong hum
Magbasa pa
Chapter 74
Halos hindi na sila magkanda-ugaga sa sobrang dami tao ngayon sa loob ng Fresh Floating Restaurant. Dalawang araw na lang kasi bago ang auction night na inaabangan ng lahat. Maraming guest ang dumating ngayon araw sa isla para umattend sa okasyon na 'yon. Hindi din nya nakikita pa si Alexandros ngayon araw dahil busy ito kasama si Jaxon para icheck ang bawat guest na pumapasok sa loob ng isla. May mga security naman na naka assign para dun, pero dahil sa pangyayari nung nakaraan, mas lalo naghigpit ang seguridad ng isla.Buti na lang talaga at nalaman nila ang tungkol sa ginagawa ni Nicole at naialis agad ang mga galamay nito sa loob ng isla. Ang kaibigan ni Jaxon na syang namamahala sa seguridad ng isla habang wala ito ay tuluyan na ngang nabanned ayon kay Alexandros. Hindi na hinayaan ng kapatid nitong si Marcus na manatili pa ng isang araw sa loob ng isla ang traydor na si Jeff at pinadala na agad ito pa manila. "Here’s your order, ma'am" nakangiting sabi nya habang binababa ang
Magbasa pa
Chapter 75
Pagod na napaupo si Elaine sa isang bench. Kakatapos lang ng duty nya at nagdesisyon syang maglakad-lakad sa loob ng isla bago umuwi sa main villa, kung saan namamalagi sya. Tumingala sya at napapikit. Dinadama nya ang hampas ng hangin sa kanyang mukha. Ang buhok nyang mahaba ay hinahangin din. Humugot sya ng malalim na paghinga at ibinuga din naman 'yon. Inulit nya 'yon ng maraming beses hanggang maramdaman nyang unti-unti na syang narerelax.Nagmulat sya ng mga mata at yumuko para tingnan ang kanyang paa, masasakit kasi ang mga 'yon dahil sa mahabang oras na pagtayo at pauli-uli sa loob ng restaurant. Lagi naman maraming tao sa fresh floating restaurant, pero hindi nila ineexpect na ganon kadami guest ngayon araw."Ang sakit ng mga paa ko..." dàing nya sa sarili. Hinubad nya ang itim na flat shoes at akmang hihilutin 'yon ng may lumuhod sa may paanan nya at ito ang naghilot nun. "Yzaak..." mahinang bigkas nya sa pangalan nito. Mula sa pagkakaluhod ay umupo ito sa may buhanginan
Magbasa pa
Chapter 76
Mabilis na bumaba ng kabayo si Alexandros at matalim na nakatingin kay Yzaak. Namumula ang mukha nito, halatang nagpipigil ng galit. Nang maramdaman nyang bahagya lumuwag ang pagkaka-hawak ni Yzaak sa braso nya ay tinulak nya ito at tumakbo agad kay Alexandros.Agad naman sya nitong kinulong sa loob ng mga bisig nito. Dahil nakaharap ang mukha nya kay Yzaak ay kitang-kita nya ang sakit na rumehistro sa mukha nito.“Are you okay? I’m sorry kung hindi ko napansin ang oras at hindi kita nasundo. Marami kasi kaming inasikaso ngayon araw.” Tanong sa kanya ni Alexandros ng maghiwalay ang kanilang katawan pagkatapos ng maikling yakap.Tumango sya dito.Agad naman nitong kinuha ang braso nyang hinawakan ni Yzaak at sinuri, namumula ‘yon dahil sa mahigpit na hawak ni Yzaak kanina. Dumilim ang anyo nito ng makita ‘yon, magsasalita sana sya para sabihin okay lang sya at hindi naman masakit ng makarinig sila ng nakakalokong tawa mula kay Yzaak.“Ito yung pinalit mo sakin, Elaine? Ni hindi ka nga
Magbasa pa
Chapter 77
“Nag-usap na ba kayo ni Kuya Alexandros?” tanong sa kanya ni Selena habang tumutulong sila sa pag-aayos sa function room ng hotel sa loob ng isla, dito kasi gaganapin ang auction at mamaya na ‘yun gabi kaya sobrang busy nila.Malungkot na umiling sya. Pagkahatid kasi nito sa kanya sa main villa kagabi ay hindi sya nito iniimikan. Sinubukan naman nyang kausapin ito para makapag paliwang sa nangyari sa pagitan nila ni Yzaak pero nagpaalam lang ito na aalis na ulit dahil marami pa raw itong gagawin kasama si Jaxon.Hinayaan na lang muna nya ito kagabi dahil nahihilo din kasi sya. Inisip nya na makakapag-usap naman sila ng umaga ng binata pagka gising nya, pero mali sya. Mukhang hindi umuwi ang binata kagabi dahil hindi man lang nagusot ang cover ng kama sa side nito.“I think galit sya sakin…” mahinang sabi nya dito.Lumapit naman sa kanya si Selena at tinulungan syang mag-ayos ng mga bulaklak na ilalagay sa gitna ng mga mesa.“I don’t think galit sayo si Kuya Alexandros. Baka sadyang bu
Magbasa pa
Chapter 78
Naiinis na papasok sana sya sa loob ng opisina ni Selena ng bigla syang maunahan ni Elliot at nauna itong pumasok dun. Matalim na tiningnan nya ito pero wala naman syang sinabi. Hinayaan nya muna itong icheck ang loob, alam naman nyang safe sa loob ng opisina ni Selena dahil ito at sila lang naman nila Olivia ang nakakapasok dun, pero kahit naman sabihin nya ‘yon kila Elliot ay hindi padin sya nito hahayaan na makapasok sa loob ng hindi ‘yon naccheck.“I want to be alone,” ani nya ng akmang papasok din si Joe.“But, Ms Elaine..” akmang may sasabihin pa ang mga ito ng putulin nya.“No but, hayaan nyo muna ako. Wala naman mangyayari sakin masama dito sa loob ng opisina ni Selena. Gusto ko lang magpahinga at nahihilo ako. Kung gusto nyo dyan kayo tumambay sa labas ng pintuan.” Sabi nya sa mga ito at sinarhan na ang pintuan.Wala naman magagawa ang mga ito, kanina pa mainit ang ulo nya, nadagdagan pa sa sinabi ni Joe na sabi raw ni Alexandros ay buntis sya! Naiinis na napaupo sya sa sofa
Magbasa pa
Chapter 79
Nanghihinang lumabas sya ng banyo habang hawak ang tyan. Muntikan pa syang matumba dahil nakaramdam sya ng pagkahilo, buti na lamang at agad syang naalalayan ni Selena na kanina pa pala nag-aantay sa labas ng pintuan ng banyo nito sa opisina.“Are you okay? Gusto mo dalhin na kita sa clinic?” natatarantang sabi nito, bakas sa magandang mukha ang pag-aalala sa kanya.Ngumiti sya ng pilit dito at umiling. “Okay lang ako..” bigla sya napakapit ng mahigpit sa braso nito at napapikit ng mas lalo sya nahilo.Mas lalo naman ito nataranta ng makita ang kalagayan nya. “Elliot! Joe!” sigaw nito. Agad naman pumunta sa kanila ang dalawang body guard ni Alexandros.“I need your help! Dadalhin natin sa clinic si Elaine!” ani ni Selena.“Yes, Ms Selena. Joe paki ready ng golf cart sa labas ng restaurant.” Sabi naman ni Elliot na lumapit sa kanya at inalalayan din sya katulad ni Selena.Umiling-iling sya at nagmulat ng mga mata kahit medyo nanghihina. “I’m okay.. really. Nahihilo lang ako, kelangan
Magbasa pa
Chapter 80
Pagkatigil pa lang ng golf cart sa harap ng clinic sa loob ng isla ay agad syang binuhat ni Alexandros na syang ikinatili nya dahil sa pagka-gulat!“Alexandros! Baka mahulog ako!” Malakas nyang sabi at agad naman nyang naipulupot ang dalawa nyang braso sa leeg nito sa takot na baka mahulog sya.Mas lalo naman nito hinigpitan ang kapit sa kanya. Parang wala itong pakialam sa mga taong nagtatakang nakatingin sa kanila. Halos isubsob nya ang kanyang mukha sa dibdib nito dahil sa kahihiyan. Paano ba naman ay sumisigaw ito na wag humarang sa dinadaanan nila na akala mo ay may emergency.“Tumabi kayo! Buntis ang asawa ko!” sigaw pa nito sa nurse na nakaharang sa daraanan.Mas lalo tuloy sya nakaramdam ng pagkahiya sa sinigaw nito. Alanganin tuloy syang ngumiti sa dalawang matanda sa gilid na nakatingin sa kanila, mukhang mag-asawa ang mga ito dahil nakangiting humilig ang ginang sa katabi nitong matanda lalaki habang nakatingin sa kanila na akala mo ay kinikilig.Narinig naman nyang humagik
Magbasa pa
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status