Naiinis na papasok sana sya sa loob ng opisina ni Selena ng bigla syang maunahan ni Elliot at nauna itong pumasok dun. Matalim na tiningnan nya ito pero wala naman syang sinabi. Hinayaan nya muna itong icheck ang loob, alam naman nyang safe sa loob ng opisina ni Selena dahil ito at sila lang naman nila Olivia ang nakakapasok dun, pero kahit naman sabihin nya ‘yon kila Elliot ay hindi padin sya nito hahayaan na makapasok sa loob ng hindi ‘yon naccheck.“I want to be alone,” ani nya ng akmang papasok din si Joe.“But, Ms Elaine..” akmang may sasabihin pa ang mga ito ng putulin nya.“No but, hayaan nyo muna ako. Wala naman mangyayari sakin masama dito sa loob ng opisina ni Selena. Gusto ko lang magpahinga at nahihilo ako. Kung gusto nyo dyan kayo tumambay sa labas ng pintuan.” Sabi nya sa mga ito at sinarhan na ang pintuan.Wala naman magagawa ang mga ito, kanina pa mainit ang ulo nya, nadagdagan pa sa sinabi ni Joe na sabi raw ni Alexandros ay buntis sya! Naiinis na napaupo sya sa sofa
Nanghihinang lumabas sya ng banyo habang hawak ang tyan. Muntikan pa syang matumba dahil nakaramdam sya ng pagkahilo, buti na lamang at agad syang naalalayan ni Selena na kanina pa pala nag-aantay sa labas ng pintuan ng banyo nito sa opisina.“Are you okay? Gusto mo dalhin na kita sa clinic?” natatarantang sabi nito, bakas sa magandang mukha ang pag-aalala sa kanya.Ngumiti sya ng pilit dito at umiling. “Okay lang ako..” bigla sya napakapit ng mahigpit sa braso nito at napapikit ng mas lalo sya nahilo.Mas lalo naman ito nataranta ng makita ang kalagayan nya. “Elliot! Joe!” sigaw nito. Agad naman pumunta sa kanila ang dalawang body guard ni Alexandros.“I need your help! Dadalhin natin sa clinic si Elaine!” ani ni Selena.“Yes, Ms Selena. Joe paki ready ng golf cart sa labas ng restaurant.” Sabi naman ni Elliot na lumapit sa kanya at inalalayan din sya katulad ni Selena.Umiling-iling sya at nagmulat ng mga mata kahit medyo nanghihina. “I’m okay.. really. Nahihilo lang ako, kelangan
Pagkatigil pa lang ng golf cart sa harap ng clinic sa loob ng isla ay agad syang binuhat ni Alexandros na syang ikinatili nya dahil sa pagka-gulat!“Alexandros! Baka mahulog ako!” Malakas nyang sabi at agad naman nyang naipulupot ang dalawa nyang braso sa leeg nito sa takot na baka mahulog sya.Mas lalo naman nito hinigpitan ang kapit sa kanya. Parang wala itong pakialam sa mga taong nagtatakang nakatingin sa kanila. Halos isubsob nya ang kanyang mukha sa dibdib nito dahil sa kahihiyan. Paano ba naman ay sumisigaw ito na wag humarang sa dinadaanan nila na akala mo ay may emergency.“Tumabi kayo! Buntis ang asawa ko!” sigaw pa nito sa nurse na nakaharang sa daraanan.Mas lalo tuloy sya nakaramdam ng pagkahiya sa sinigaw nito. Alanganin tuloy syang ngumiti sa dalawang matanda sa gilid na nakatingin sa kanila, mukhang mag-asawa ang mga ito dahil nakangiting humilig ang ginang sa katabi nitong matanda lalaki habang nakatingin sa kanila na akala mo ay kinikilig.Narinig naman nyang humagik
Hindi nya alam kung paano sya nakabalik sa kinaroroonan nila Alexandros, basta nakita na lang nya ang sariling nasa harap nito habang hawak-hawak ang tatlong pregnancy test. Nanlalamig ang buo nyang katawan. Parang hindi padin sya makapaniwala na may baby na sa loob ng tyan nya.. baby nila ni Alexandros. Ang ngiti nitong nakapaskil sa mukha ay unti-unti nawala ng makita ang reaction nya. Kung kanina ay mukha itong excited, ngayon naman ay para itong kinakabahan na natatakot. Hindi nya napigilan ang sarili, pumatak na lang ang mga luha sa kanyang mga mata, tears of joy. Pero iba ata ang pagkaka-intindi ni Alexandros sa kanyang mga luha. “No.. noo.. noo!” umiling-iling ito. “I’m sure buntis ka!” “Alexandros hindi-” naputol ang sasabihin nya ng hinawakan sya nito sa magkabilang-balikat at bahagya pa syang inalog. “Anong hindi!? Sigurado ako! Baka defective lang ang mga pregnancy test na ‘yan! Impossibleng hindi ka buntis… sigurado ako.. ilang beses kitang hinarot..” parang wala sa sa
Pakiramdam nya ay para syang isang mamahaling babasagin kung maka-alalay sa kanya si Alexandros. Nasa hagdanan sila ng main villa at umaakyat patungong second floor, katabi nya ito at hawak ang isa nyang braso, habang ang isa naman nitong kamay ay nakaalalay sa likod nya.Sinabihan naman nya si Alexandros na kaya naman nyang umakyat mag-isa, hindi pa naman malaki ang tyan nya at lalong hindi pa naman sya nahihirapan. Pero matigas ang pagtutol nito, ayon dito ay hindi na sya pwede umakyat baba sa hagdanan na mag-isa, baka mapano pa raw sila ni little Alexandros, mas mabuti na raw yung nag-iingat.Napailing na lang sya ng wala sa oras at hinayaan na lamang ito sa gusto nito.Hindi na nila kasama si Selena, nagpaalam na itong babalik muna sa floating restaurant para siguraduhin maayos ang lahat para sa auction mamayang gabi, susunod din naman ito sa main villa dahil dito ito mag-aayos.Ang ibang member naman ng MMC ay nagpaalam nadin dahil may mga aayusin pa raw ang mga ito. Akala nga ny
“Yes, my love. Ako ang nakabili ng evening gown na ‘yan.” Sagot nito sa kanya.“Paano mo nalaman?”Nag-iwas ito ng tingin sa kanya at naglakad papalapit sa isang upuan na nasa loob at umupo dun. Hindi padin ito tumitingin sa kanya, tila ba’y may tinatago itong sekreto sa kanya. Napansin nyang nagtaas-baba ang dibdib nito sa lalim ng paghinga. Para bang pinapakalma ang sarili.“Alexandros..” tawag nya dito para kunin ang atensyon nito.Napapikit ito saglit bago nagmulat at tiningnan na sya ng deretso sa kanyang mga mata. “I was.. I was following you that day..” mahinang sabi nito.Nagulat naman sya sa pag-amin nito. So kahit hindi sila nag-iimikan ng mga panahon na ‘yon ay nakasunod pala ito sa kanila ni Keith!“Pero.. nakita kita sa videocall.. kasama mo si Nicole..” naguguluhang sabi nya dito. Ibinaba nya ang evening gown sa box nito at napahawak sya ng mahigpit sa lamesa, tandang-tanda nya ang araw na ‘yon dahil kitang-kita nya kung paano pumulupot ang mga kamay ng Nicole na ‘yon sa
Magkahawak-kamay na pumasok sila ni Alexandros sa Shore Hotel, kung saan gaganapin ang charity auction, sa loob lang din ‘yon ng isla at may sampung palapag. Kahit ilang beses na s’yang nakapasok sa loob ng hotel ay hindi padin nya maiwasang humanga sa ganda ng pagkaka desenyo sa loob.Nanlalamig ang kanyang mga kamay ng makita ang mga tinginan ng tao sa kanila, lalo na sa kanya. Mga guest ‘yon na dadalo sa auction, nakita pa nya ang matalim na tingin sa kanya ng ilang kababaihan, lalo na ng bumaba ang tingin ng mga ito sa kamay nila ni Alexandros. Akmang babawiin nya sa binata ang kamay nya ng mas lalo nitong hinigpitan ‘yon.“Ano kayang nagustuhan ni Alexandros sa kanya? E mukha naman ordinaryo lang ang itsura nya.” Narinig nyang bulong ng isang babae sa gilid nila.“Oo nga, wala nga syang panama sa’tin. Tingnan mo girl, nagmukha lang naman syang tao dahil sa suot nya.”“True! Baka magaling sa kama kaya nagustuhan ni Alexandros.” Sabay pa tumawa ang dalawang babae, hindi nya alam k
Kanina pa umiikot ang kanyang mga mata dahil hindi pa nya nakikita si Selena mula ng iwan nila ito sa may lobby ng hotel, kahit pa sinabi ni Alexandros na okay lang ang kapatid nito ay nag-aalala pa din sya, halos trenta minuto na kasi at wala padin ito sa table kung saan sila naka-assign.Tatayo na sana sya ng hawakan ni Alexandros ang kamay nya, katabi nito sa kaliwa ang kapatid na si Ethan, habang si Marcus naman ay nakatapat sa kanya at katabi nito ang temporary secretary na si Amari. May bakanteng upuan naman sa katabi nya para kay Selena. Kararating lang ng mga ito kanina galing sa manila, narinig pa nya kanina na babalik din agad ang mga ito bukas dahil may kailangan pang ayusin sa negosyo. Dumalo lang talaga ang mga ito para sa event ngayong gabi.“Where are you going?” tanong nito.Bahagya syang ngumiti dito, nakita pa nya sa gilid ng kanyang mata na nakatingin sa kanila ang mga kapatid nito, pati nadin si Amari. Tila ba'y nag-aantay din ang mga ito sa sagot nya.“Babalik din