Napatingin siya kay Clarkson. Todo ngiti ito habang si Madison ay seryoso lang ang mukha. Hindi ito makapagsuplada sa kanya dahil madami ang nakatingin.“Tama ang Ninong Clark mo, iha. Malungkot kasi ako sa bahay dahil kami lang tatlo. Doon sa bahay nina Ninong Ken mo, madami na sila doon. Palaging masaya dahil may mga apo na sila. Kami ni Ninong Clark mo, wala pa.”“Don’t worry po, Tita. Kapag nagpakasal na po kami ni Clark, bibigyan namin kayo ng madaming apo,” sabat ni Madison. Napaubo naman si Clarkson.Tiningnan lang ni Ninang Fe si Madison pero hindi nagkomento sa sinabi nito. Napahiya tuloy ang babae. Halatang hindi din ito gusto ni Ninang Fe para kay Clarkson.“Pagbigyan mo na ang Ninang Fe mo, iha. Matagal na niyang gusto ng babaeng anak,” dagdag pa ni Ninong Clark.“Bakit kasi isa lang ang inanak niyo eh, nung kabataan niyo mahilig naman kayong mag-sex na dalawa?” biro ng Daddy James niya. “Ngayon, nang-aangkin kayo ng anak namin??”Nagtawanan ang lahat.“Nagsisi nga kami ni
Last Updated : 2025-10-04 Read more