MasukTYLER’S POVMatigas ang kanyang mukha habang nakaupo sa gilid ng kama ni Tiffany. Tahimik ang silid, wala ni isa sa kanila ang nagsasalita.Kasalukuyan silang dalawa roon. Siya mismo ang naghatid dito matapos itong itulak ni Jolisa sa hallway. Hindi niya inakalang aabot sa ganoon si Jolisa.Sa isip niya, malinaw pa rin ang imahe ng dalagang una niyang nakilala... mahinahon, mahinhin, halos hindi makabasag-pinggan. Pero ang nakita niya kanina… ibang-iba. Mapanakit, marahas at parang hindi niya kilala... O baka dahil nagbubulag-bulagan lang siya?“Tyler…”Napalingon siya kay Tiffany. Lumapit ito at kumapit sa kanyang braso, tila doon kumukuha ng lakas. Bahagyang nanginginig ang boses nito, ngunit ramdam ang diin sa bawat salita.“Look what Jolisa did to me…”Tinitigan niya ang braso nitong may bahid ng pamumula. Kumunot ang kanyang noo, ngunit hindi siya agad nagsalita.“Mabuti na lang talaga at hiniwalayan mo siya. Nalaman mo agad ang tunay niyang ugali bago pa tayo umalis. She doesn’t
Nang marinig niya ang mga salitang iyon, tila may matalim na kutsilyong dahan-dahang ibinaon sa kanyang dibdib. Paunti-unti, ngunit sapat upang ubusin ang natitira niyang lakas.Ngunit sa halip na sumagot agad, pinili niyang manahimik.Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang kanyang dibdib, bago marahang itinaas ang tingin. Tinitigan niya si Tiffany, mata sa mata at sa unang pagkakataon, wala nang bakas ng pag-aatubili sa kanyang mga titig. Wala nang takot, wala nang paghingi ng paumanhin.“Tapos ka na ba?” malamig niyang tanong.Bahagyang napakunot ang noo ni Tiffany, tila hindi inaasahan ang ganoong klaseng reaksyon. “Excuse me?” Naghalukipkip pa ito na anu mang oras ay parang susugurin siya.“Kung tapos ka na, puwede ka nang umalis sa harap ko.” Kalmado ang kanyang boses ngunit matalim, at hindi magpapatinag.Saglit na natigilan si Tiffany bago sumiklab ang inis sa mukha nito. “Ang kapal naman ng mukha mo!”Hindi siya natakot kahit pinadilatan siya nito ng mata. Kalmado la
Kinabukasan, nagising siya sa malamig at tahimik na silid, walang bakas ng init ni Tyler sa kanyang tabi. Saglit siyang natulala, tila umaasang baka nasa banyo lang ito o bumaba sandali. Ngunit habang tumatagal, unti-unting sumiksik sa dibdib niya ang katotohanan... hindi ito bumalik kagabi.Dahil sa labis na pag-iyak, hindi niya namalayang nakatulog siya. Ngayon, ang tanging natira ay ang bigat sa kanyang ulo at ang hapdi sa kanyang mga mata. “Saan kaya siya natulog…?” bulong niya sa sarili, ngunit alam niyang wala nang saysay ang tanong. Mas malinaw pa sa sikat ng araw ang nangyari, nakipaghiwalay na si Tyler sa kanya.Napapikit siya sandali, muling sumagi sa isip niya ang mga salitang binitiwan nito kagabi. Pinilit siyang bumangon. Kahit mabigat ang katawan kailangan niyang kumilos. Dumiretso siya sa banyo at naligo, umaasang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Ngunit kahit anong gawin, hindI kaya ng isang paligo lang ang bigat na nararamdaman.Habang nagbibihis, hindi n
Napalunok siya. Parang natuyo ang kanyang lalamunan, at kahit gustuhin niyang magsalita, walang boses na lumalabas.“Sumagot ka, Jolisa!” mas lalong bumigat ang tono ni Tyler, punong-puno ng galit, at may halong sakit na hindi nito maitago.Napayuko siya. Mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng kanyang damit, halos mapunit na sa lakas ng pagkakakapit niya roon.“I… I was just being careful,.” mahina niyang sagot, halos hindi marinig.“Careful?” ulit ni Tyler, bahagyang natawa, pero walang saya ang tunog niyon. “Careful from what? From me?”Napapikit siya. Isang luha ang tuluyang pumatak mula sa kanyang mga mata, ngunit hindi iyon pinansin ni Tyler.“Alam mo ang plano ko... ang buntisin ka!” madiin nitong sabi. “ All the while, habang ginagawa ko ‘yon… may iba ka palang plano? Ang hindi mabuntis?”Bigla nitong itinapon ang pakete ng pills sa kanya. Tumama iyon sa kanyang mukha. Hindi iyon masakit, pero masakit ang inakto nito. Hindi niya akalain na itatapon nito sa kanya.“Bakit? tin
Napapikit siya sandali bago sumagot.“Lola… aalis na po sina Tyler at Tiffany sa susunod na araw. Babalik na sila sa trabaho. Dadalhin ni Tyler si Tiffany para ipagpatuloy ang pagiging modelo niya.”Lalong nalungkot si Lola Beth para sa kanya. “Kakausapin ko si Tyler,” mariing sabi nito.“Huwag na po, Lola,” mabilis niyang pigil. “Kapag magkasama na sila sa abroad… imposibleng hindi bumalik ang dating damdamin nila sa isa’t isa. Mas mabuti na rin po siguro ang ganito.”“Sorry, Jolisa…” nanginginig ang tinig ng matanda. “Sorry kung pinilit kita kay Tyler noon. Hindi ko akalaing babalik si Tiffany. Ikaw ngayon ang maiiwan sa ere.”“It’s okay, Lola. Wala po kayong kasalanan.”Nilunok niya ang bara sa lalamunan. Parang gusto na niyang umiyak, ngunit pinigilan niya. Ayaw niyang makitang nasasaktan siya ng matanda.Agad siyang tumalikod at kinuha ang maleta nito. “Ang mabuti pa, tulungan na lang kitang mag-ayos ng gamit mo. May pasalubong ka bang dala para sa akin, Lola?” pilit niyang pag-i
Nagdaan pa ang mga araw at lalo pang naging masaya ang samahan nila ni Tyler. Sa bawat umaga at gabing magkasama sila, mas lalo niyang nararamdaman ang pag-aalaga nito sa kanya. Si Tiffany naman ay sinasadya niyang iwasan kahit iisa lamang ang bubong na kanilang tinitirhan. Ayaw niyang magkaroon ng gulo, kaya hangga’t maaari ay lumalayo siya rito. Mabuti na lang at hindi rin ito makasingit kay Tyler, dahil halos palagi silang magkasama. Kung may oras mang mawala si Tyler sa kanyang tabi, sandali lamang iyon at agad din itong bumabalik.Ngunit sa hapon na iyon, may hindi nila inaasahang bisita ang dumating sa mansion.May narinig siyang sasakyang huminto sa labas. Dahil sa pagtataka, mabilis siyang lumabas ng bahay. Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang dalawang pamilyar na mukha.“Lola! Lolo!” masigla niyang sigaw habang mabilis na lumalapit sa mga ito.Hindi niya napigilan ang saya sa dibdib nang makita sina Lola Beth at Lolo Gregore. Matagal din niyang hindi nakita ang dalawa ka
“Napa-paraning ka na, girlfriend!” natatawang sabi ni Finn saka hinawakan ang kamay niya at marahan itong pinisil. “Hindi kami na inlove ni Precious sa isa’t isa dahil iisang babae lang ang mahal ko simula noon hanggang ngayon…” Lihim siyang kinilig sa sinabi ni Finn. Siya ba ang tinutukoy nito?
FINN'S POV:Kasalukuyan siyang nasa bahay ni Vanessa. Hindi niya iniwan ang dalaga hangga’t hindi dumadating ang therapist na kinuha nito. Gusto niyang makita kung ano ang gagawin ni Vanessa para magkunwaring hindi nakakalakad. Kasalukuyan sila ngayon sa sala at naghihintay sa therapist.“Nasan na
FINN'S POV:Kasalukuyan siyang nasa condo niya. Pagkatapos niyang ihatid si Lilly sa bahay nito ay hindi na siya tumagal pa doon.Humiga sya sa couch habang nakatingin sa kisame. God knows how much he missed her.Alam niyang pauwi si Lilly. Nasabi na ng ama niya sa kanya. Sa katunayan ay ininvite s
"What are you talking about, Precious?" tanong niya saka kinuha ang cellphone na hawak nito. Nagimbal siya nang makita ang video nila ni Shelie na naghahalikan. May caption pa iyon na-- "The MVP and the cheerleader are back in each other's arms.""Bitch!" sigaw niya."This is not true. They set me







