Ngayon ay magkayakap na sila habang naghahabol ng hininga.... “Thank you, love...” sambit ni Finn saka siya hinalikan sa noo. “You made me happy.” “Thank you too, love... salamat at binigyan mo ako ng baby, hihihi...” Sakto namang umiyak si Nate sa kuna nito. Tumayo siya at binuhat ang anak. Marahil ay gutom na ang anak niya. Binalik niya ito sa kama saka humiga. Pinadede niya ang anak nila. Naririnig nila ang mahihinang paghikbi ni Nate habang nakayakap ito sa kanya at dumidede. Hinagod ni Finn ang braso niya at marahan siyang hinalikan sa balikat. “Ang ganda mong tingnan habang nagpapadede, love,” bulong ni Finn, bakas ang pagkamangha sa boses nito. “Hindi ko akalaing ganito pala kasaya... ang magkaroon ng pamilya.” Napangiti siya kahit pagod. “Ako rin. Parang lahat ng pinagdaanan ko... worth it.” Tahimik silang dalawa habang pinagmamasdan si Nate na dahan-dahang tumitigil sa pag-iyak, unti-unti nang natutulog muli. Naramdaman niya ang paghaplos ni Finn sa buhok niya. Nang
Last Updated : 2025-09-22 Read more