Hindi na niya pinansin ang kakaibang reaksyon ni Lewis. Sa halip, nagpatuloy siya sa pag-iikot sa loob ng tindahan, pilit na ibinabalik ang sarili sa normal na mood.Isa-isa niyang pinili ang mga damit na nagustuhan niya... mga eleganteng dress, casual tops, skirts, at ilang pares ng sapatos. Paminsan-minsan ay inilalapit niya ang mga damit kay Lewis upang hingin ang opinyon nito. Tahimik lang itong sumusunod sa kanya, tangan ang shopping basket na unti-unting napupuno.“Which one?” tanong niya nang hawakan niya ang dalawang bestida.Napatingin si Lewis sa mga damit. Sandali niya iyong pinagmasdan bago itinuro ang isa.“The black one.”“Black?”“Yes. It suits you.”Napangiti siya at muling tiningnan ang itim na dress. Simple lang ang disenyo nito, pero eleganteng tingnan.“You really think so?”“Yeah.”Hindi niya alam kung bakit, pero ang simpleng sagot na iyon mula kay Lewis ay tila napakalaking bagay para sa kanya. Sa mga nakaraang araw, pakiramdam niya ay napakaraming bagay ang gum
Read more