Se connecterNapakunot ang noo ni Tyler. “Why? Baka gusto mo lang ako masolo?” biro nito.Ngunit hindi siya tumawa. Hindi niya magawang tumawa. Nakalimutan na ba nito ang nangyari kanina? Ang tensyon? Ang presensya ni Pretzel? Ang bigat na dinadala niya?“Are you sure, love?” muling tanong nito, mas mahinahon na ngayon.“Gusto ko nang umuwi…” ulit niya, mas malamig ang tono. Tumitig siya sa bintana.“Sige, if that’s what you want. Ipagluluto na lang kita ng food.”“Huwag na… baka pagod ka na. Ako na lang.”“Hey… I want to do it. Kahit pagod ako, gusto kitang pagsilbihan kaya huwag mo akong pigilan,” may halong inis na sabi ni Tyler. Parang napapansin na nito na kanina pa siya nagta-tantrums. Hindi lang naman basta tantrums iyon. Walang nakakaalam ng nararamdaman niyang takot sa loob at hindi niya iyon pwedeng sabihin.Pinanood niya ang mga ilaw na dumaraan, malinaw ngunit parang malayo. Katulad ng pakiramdam niya ngayon. Gusto niyang magsalita.Gusto niyang sabihin kay Tyler ang lahat, ang mga sin
Nanatili siyang nakatulala sa kawalan, ang boses ni Pretzel ay tila sirang plakang paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang pandinig. Ang pagbabanta nito na hindi niya mawari kung totoo o pananakot lamang.Pinilit niyang tumayo kahit nanginginig ang kanyang mga tuhod. Para bang anumang sandali ay bibigay ang kanyang katawan. Pinagpag niya ang kanyang damit at mabilis na pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. Hindi siya pwedeng magpakita ng kahinaan. Kailangan niyang magpanggap… kahit unti-unti na siyang nadudurog sa loob.Hindi niya alam kung paano siya nakabalik sa tent nang hindi natutumba. Parang awtomatikong gumagalaw ang kanyang mga paa.Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang panghihina ng kanyang mga tuhod, ang panlalamig ng kanyang mga palad, at ang mabilis na tibok ng kanyang puso.Kung dati, matapang siya sa Iloilo. Siya pa nga ang sumugod kay Doc Vicky noon para ipagtanggol si Kuya Clarkson. Naranasan na rin niyang mabangga ng kotse at muntik nang mamatay, pero hindi s
"Ang mabuti pa, sumama ka na lang sa akin doon sa golf course. May upuan naman doon para mabantayan kita."“P-pwede ba ako doon?” nahihiyang tanong niya.“Of course.”Lihim siyang naiinis. Pwede naman pala siya doon, pero bakit iniiwan pa siya nito kung saan-saan.“Let’s go?” tanong nitoPero bago pa siya tumayo ay pinigilan siya ni Tyler. “Bakit hindi mo inubos ang food mo?” nagtatakang tanong ni Tyler nang makitang halos konti lang ang bawas ng steak at wine.“Hindi pa kasi ako gutom,” pagsisinungaling niya.“Sige. Pagdating sa bahay mamaya, magluluto na lang ako ng gusto mong kainin.” Hinawakan nito ang kamay niya, saka siya inakbayan at sabay silang pumunta sa tent ng mga player.“Oh, look at this lady. Sino ’yang kasama mo, Tyler?” sambit ng isang medyo matandang lalaki. Katabi nito si Pretzel na masama ang tingin sa kanya.“Mayor, this is Jolisa. My girlfriend.”“Oh, so you are the lucky girl Tyler kept talking about? Ang swerte mo at ikaw ang nagustuhan nitong si Tyler, iha.” H
Hindi na niya namalayan kung gaano katagal siyang nanatili sa loob ng cubicle. Para bang tumigil ang oras. Ang bawat segundo ay mabigat, punong-puno ng takot, pagdududa, at sakit.Nang marinig niyang tuluyan nang umalis ang dalawang babae, saka lang siya unti-unting gumalaw. Nanginginig pa ang mga kamay niya habang pinupunasan ang luha sa kanyang pisngi, tila ba kahit ang simpleng paghinga ay hirap na hirap siyang gawin.Paglabas niya, agad siyang napatingin sa salamin.Halos hindi niya makilala ang sarili. Namumula ang kanyang mga mata, namamaga sa kakaiyak. Ang bakas ng sampal ay malinaw pa ring nakaukit sa kanyang pisngi. Isang tahimik na patunay ng kahihiyang hindi niya kayang ipaliwanag sa iba.Mariin siyang napalunok. Dahan-dahan niyang inayos ang kanyang buhok, sinuklay iyon gamit ang nanginginig niyang mga daliri. Ilang ulit siyang huminga nang malalim bago muling naglagay ng lipstick, pilit na tinatakpan ang pagkaputla ng kanyang labi.Nang makitang medyo maayos na ang itsura
"Tyler!"Nabaling ang atensyon nilang dalawa sa tumawag. Nakita nila si Pretzel na papalapit, may nakapaskil nang ngiti sa labi, isang ngiting tila may tinatagong kung ano.“Set na natin, let’s go…”Sandaling tumingin si Tyler kay Jolisa, bahagyang alanganin ang ekspresyon. Parang may gustong sabihin pero pinipigilan.“Aalis lang ako sandali,” mahinang sabi nito. “Maglalaro lang kami… pero dito ka lang, ha? Finish your food. Mamaya, I’ll bring you somewhere special. Let’s have a date, okay, love?”Hindi siya agad nakasagot. Naramdaman niyang nakatingin si Pretzel sa kanya, nakasimangot, tila sinusukat siya mula ulo hanggang paa. Hindi niya nagustuhan ang titig na iyon.Tumayo si Tyler at walang pag-aalinlangan na humalik sa kanyang labi. Saglit lang iyon, pero sapat para maramdaman niya ang init. Lihim siyang napasimangot, galit pa rin siya.Pagkatapos, tuluyan na itong umalis papunta sa golf course. Ngunit nanatili si Pretzel sa harap niya. Tahimik siyang tinititigan na parang nanana
Ang katahimikan ni Tyler ay mas nakakabingi pa kaysa sa anumang sigaw. Ramdam ni Jolisa ang talim ng titig nito, isang pagbabanta na siya lang ang nakakaintindi."Tama si Pretzel, Tyler," matapang na singit ni Daniel, sabay tayo mula sa sofa. "Huwag mong gawing bilanggo ang babaeng dapat mong pinapahalagahan.""Huwag mo akong turuan kung paano itrato ang pag-aari ko, Daniel!" malamig na binitawan ni Tyler ang mga salitang iyon.Nanigas si Jolisa. Pag-aari. Hindi 'girlfriend,' hindi 'mahal,' kundi gamit na pag-aari."Tyler, nakakahiya..." bulong niya, pilit tumatayo para mamagitan. "Nag-uusap lang kami nang maayos. Walang malisya.""Walang malisya?" Napatawa nang mapait si Tyler, binalewala ang presensya ni Pretzel sa tabi nito. "Nakita kita, Jolisa. Kung paano ka tumingin sa kanya. Ganyan ba kadali? Isang sikat na artista lang ang tumabi sa'yo, nakalimutan mo na kung sino ang nagdala sa'yo rito?""Wow," singit ni Daniel, umiiling. "The insecurity is loud, bro. Akala ko ba laro lang an
****************CLARK'S POV:"Damn! Why are you doing this to me, Fe? Hindi mo ako binibigyan ng pagkakataon na makausap ka. What is happening to you?" wika niya habang tinitingnan itong nakasakay sa kabayo ni Callum. Parang gusto niya itong pababain doon. Napakasexy ng damit nito at paminsan-mins
"O-opo... Shiela po ang name ng nurse namin na kasabwat ni Miss Amber dito." Nakayukong sagot ng nurse. Ayaw nitong salubungin ang mga tingin nila samantalang ang director ay tahimik lang. "James... di kaya ang Shiela na tinutukoy nila ay ang Shiela na private nurse ni Tyler ngayon?" kinakabahan s
Masaya silang nagkukwentuhan nang may pumasok sa kwarto. Si Doc Angus iyon, kasama ang mga magulang ni James."Anak, gising ka na pala? Tumawag sa amin si John kanina ng madaling araw. Pasensya ka na at ngayon lang kami nakarating, inaasikaso pa namin ang anak mo." wika ng ina nito."Salamat Mom sa
"Fuck! Napakasarap mo pala talaga, Amber... Kaya pala patay na patay si Alastair sa'yo! Pero hindi ako tutulad sa kanya... Hindi ako mahuhulog sa bitag mo... Ammhhh... Ammhhh... Aammhh..."Halos masubsob na siya sa kama sa pagkadyot nito sa kanya, pero wala siyang magawa. Hawak siya nito sa leeg, a

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





