Bumagsak si Clarkson sa ibabaw niya, ngunit agad din itong gumilid at niyakap siya nang mahigpit. Pareho silang tahimik na humihinga, ninanamnam ang init at tibok ng puso ng isa’t isa.“I love you, Aria...” Sambit ni Clarkson. Hindi siya sumagot dahil nanghihina pa siya. Nakaunan siya sa braso ni lalaki.“I have to go... baka mahuli na tayo ni Mom and Dad.Remember, Aria... I love you. Ikaw ang mahal ko, always remember that. Pagkatapos ng charity event ay hihiwalayan ko si Madison.”“P-pero...”“No buts. Ayaw ko nang itago ka. Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na mahal kita, Aria.” Ngumiti siya at hinigpitan ang pagkakayakap kay Clarkson.“I love you too, Clarkson...” madamdaming sabi niya.“As much as I want to stay here with you, pero hindi pwede, sweetheart. I’ll see you tomorrow. Ihahatid kita sa bahay nina Ate Lilly,” sabi nito habang tumayo at nagsuot ng damit.“W-wag na. Susunduin niya ako bukas. Sa opisina na lang tayo magkita.”“Sige, ikaw ang bahala.” Muli siyang nito’n
Terakhir Diperbarui : 2025-10-21 Baca selengkapnya