Imbes na umuwi sa condo, ay napagdesisyunan niyang sumunod sa ospital kung saan dinala si Aria. Kailangan niya doon magpakita at kunyaring makikisimpatya para hindi siya mapagbintangan.Pagdating niya ay nakita niya agad si Clarkson na paroo't parito sa harap ng emergency room. Si Mam Fe at Gov. Clark Almonte ay nakaupo sa waiting area. Inaaalayan ni Gov. si Mam Fe, halatang habag ito sa kakaiyak. Andoon din si Ben, na kaibigan ni Aria, at mukhang tulala.“G-gov…” tawag pansin niya.Napatingin ang lahat sa kanya. “K-kamusta po si Aria?”“Hindi pa namin alam dahil hindi pa lumabas ang doktor sa emergency room. Sana walang mangyari masama sa kanya.”“Ano nangyari, Madison? Nakita mo ba kung sino ang gumawa nito kay Aria?” tanong ni Ma'am Fe sa kanya“Wala po, hindi ko nakakita, Ma'am. Andon lang ako sa loob habang inaasikaso ang mga bisita.”“Ikaw, Ben… ikaw dapat ang magbabantay kay Aria dahil ikaw ang ka-date niya di ba? Bakit hindi mo man lang alam ang mga nangyari?”Parang nakonsen
Huling Na-update : 2025-10-27 Magbasa pa