Maya-maya ay bumalik si Madison pero mag-isa lang ito.“Aria, pwede mo ba itong papirmahan sa opisina ni Gov?”Binigay ni Madison sa kanya ang isang brown envelope. Sandali niya iyong kinuha at sinipat. Proposed project iyon ng gagawing tulay sa San Manuel. 100 million ang budget para sa tulay na ‘yon.Siya ang nag-type noon kaya alam niya kung ano ang nilalaman ng mga papeles.“Pakihatid sa opisina ko pagkatapos, okay? Kailangan ko agad ‘yan.”“Sige,” sambit niya. Nagtataka siya dahil hindi siya sinupladahan nito.Pumasok siya sa opisina ng kanyang Ninong. Busy ito sa computer.“Good morning, Ninong,” masayang bati niya.“Aria, andito ka pala. Kamusta ang paglipat mo kina Lilly?”“Okay naman po, Ninong. May papapirmahan pala ako sa inyo.”“Ano ‘yan?”“Ang tungkol sa project ng tulay sa San Manuel. Kailangan daw agad ni Madison ‘to kaya pirmahan niyo na.”“Sige, akin na. Hindi ko na babasahin ‘to ha.”“Opo, Ninong. Ako naman ang nag-type po niyan eh,” sabi niya.“Ganun ba,” natatawang
Terakhir Diperbarui : 2025-10-22 Baca selengkapnya