Pagdilat ng kanyang mga mata, unang sumalubong sa kanya ang puting kisame… at ang amoy ng naghalo-halong gamot... nasa ospital ba siya?Kumurap siya nang ilang beses, pilit inaalala kung paano siya napunta dito. Mabigat ang ulo, parang umiikot ang paligid. Paglingon niya sa kanan, nakita niya si Phern, nakayuko at naka-sandal sa gilid ng kama, halatang ilang oras nang hindi umuuwi.“P-Phern…” mahina niyang tawag.Napatingala agad si Phern, gulat at sabay namuo ang luha sa mga mata nito. “Mam Aria! Diyos ko po! Akala ko talaga kung ano na… muntik na akong sumunod na himatayin sa’yo!”Nasaid ang boses niya, paos at mahina. “A-anong… nangyari?”“Himatay ka, Mam. Sabi ng doktor, sobrang pagod… sobrang stress… tapos wala kang kain. Kaya ka nag-collapse.”Napapikit siya, habang naramdaman niyang humapdi ang kanyang lalamunan. Parang ang bigat-bigat ng katawan… at mas mabigat pa ang dibdib niya.Nabaling ang atensyon nila sa pagbukas ng pinto.“I’m glad gising na ang pasyente ko…” nakangitin
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-01-12 อ่านเพิ่มเติม