"Anak, talaga bang ayaw mo ng magkaayos kayo ni DJ?" Tanong ni Aling Marilyn kay Dianne habang nasa kusina sila, kasalukuyan na nagluluto si Dianne ng almusal nila. Naroon din si Arriane dahil nagpatulong si Dianne sa bunsong kapatid. Isang linggo na ang nakalipas simula nang lumabas si Dianne sa ospital. Huminga ng malalim fsi Dianne, " Sa totoo lang nay, masama ang loob ko sa kanya dahil hindi man lang siya sumipot ng manganak ako." Sagot ni Dianne saka tumalikod para itago ang mga mata niyang di mapigilang napatulo ang mga luha nang magsalita siya. Oo, inaamin niyang gusto niyang lumayo at ilayo kay DJ ang mga anak pero hindi niya maikakaila sa sarili na umaasa siyang gagawa ng paraan si DJ para sundan siya. 'Pero, wala! Walang DJ na dumating at walang DJ na nag effort!' hinaing at inis na sabi niya sa kanyang isipan. *Nagkakamali ka, anak. Mahal ka talaga ni DJ" ani Aling Marilyn. " Tama si inay, Ate. Pumunta si Kuya DJ sa ospital nang manganak ka, Ate" singit ni Arriane na n
Last Updated : 2025-05-01 Read more