Lahat ng Kabanata ng AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO: Kabanata 31 - Kabanata 40
244 Kabanata
Chapter 31: Hidden Secrets
Mabilis na iniiwas ng matanda ang kamay niya nang akmang kukunin iyon ni Loraine upang sana ay magmano. Hindi pa siya nakuntento roon. Itinago niya pa ito sa kanyang likuran. Sa isip ng matanda ay nakatatak ng ayaw niya sa babae. "Pasensiya na po Lolo kung ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng lakas ng loob na pumunta at magpakita sa'yo." pwersadong wika ni Loraine upang takpan ang kahihiyang nararamdaman. Hindi pa rin pinansin si Loraine ng matanda. Kung gaano kasaya ang matanda kanina na makita si Alyson, ganun naman ang galit niya nang makita sa harap ng pamamahay niya si Loraine. Balot na balot pa rin ng pagkadismaya ang mga mata nang tapunan niya ng tingin ang apong si Geoff. "Dapat lang na tubuan ka ng hiya, ngayon. Narito ang tunay na asawa. Hindi mo ba siya nakikita?"Itinuro pa ng matanda si Alyson na lihim na nagdiriwang ang kalooban dahil sa pagkampi ng matanda sa kanya. Feeling niya ay malaking sampal ito sa mukha ni Loraine. Harap-harapan ba namang ilang ulit na pag-aya
Magbasa pa
Chapter 32: Talented versus Bida-bida
HINDI nakaligtas iyon sa pandinig ni Alyson na nagawang makalapit sa kanila. Hindi niya kasi matagalan ang mga tinging pinupukol ni Loraine na animo ay siya pa ang may kasalanan. "Lolo, tama na po iyan. Tara na sa kusina." Hinawakan pa ni Alyson ang isang braso nito para tuluyang makuha ang atensyon ng matanda. "May bago akong discover na tea na alam kong magugustuhan mo. Gusto mo bang matikman, Lolo? Gagawan kita para kumalma ka na rin."Napanganga na si Geoff nang makita na agad lumambot ang mukha ng Lolo niya kay Alyson. Walang alinlangan na pumayag kaagad ito."Talaga hija? Gagawin mo iyon? Sige, tara na." "Opo, basta kumalma na kayo. Tama na po ang galit. Hindi iyon healthy sa puso at katawan mo.""O sige. Napakabuti mo talagang babae, hija."NAIKUYOM ni Loraine ang kamao nang makita niya kung paano pasunurin ni Alyson ang matanda. Puno ng pagmamadali ang mga yabag niya palapit sa kanila upang humarang sa pag-alis nila. "Lolo, gusto ko pong makabawi sa'yo. Hayaan mo sanang i
Magbasa pa
Chapter 33: Chances in Games
Tumayo na si Alyson at saka nag-inat na ng dalawa niyang mga braso. Habang ginagawa niya iyon ay hindi maalis ang pares ng mata ng dalawa. "Kumain muna tayo Lolo, gutom na rin ako. Mamaya na lamang po ulit."Walang nagawa ang matanda kundi ang sundin ang gusto ni Alyson. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit gusto niya ito. May kakaiba sa babae na hindi niya mapaliwanag. Kung ano iyon? Hindi niya matukoy. Ang tanging alam niya lang ay gusto niya ito ang asawa ng kanyang apo. Bukod sa responsable ito at maayos na maybahay ay wala ng hihilingin pa. Maayos din itong makisalamuha. "Sige na nga, I must listen to my favorite apo. Tara na sa kusina."Hustong papalabas na sila ng office ay siya namang pasok dito ni Loraine. Bitbit ang tray ng plato ng dessert na ginawa niya. Lumipad ang mata doon ni Alyson at ng matandang nagulat."Pwede niyo pong ituloy na ang game. Dito niyo na lang tikman ang dessert. Dinala ko na po rito para hindi na kayo maabala pa." malapad ang ngiti at
Magbasa pa
Chapter 34: Loveless Marriage
"Geoff, ano ba? Nasasaktan naman ako!" Pilit na binawi ni Loraine ang braso niya mula sa lalake na madilim na ang mukha. Hindi niya naman ito kinakahiya, pero natatanga'han na siya sa mga pinagagawa ng babae. "Tama na, talo ka na Loraine! Hindi ka magaling. Gusto mo bang gawing katatawanan ang saili mo? Tanggapin mo na lang na mas magaling sa'yo si Alyson! Sumuko ka na! Huwag ka ng makipag-kumpetensya. Pwede ba?"Pumalahaw na ng iyak si Loraine. Hindi niya matanggap ang narinig na mismong galing pa sa bibig ni Geoff. Ang bigat-bigat na ng kalooban niya. "No, Geoff. Sinungaling ka!"Bumuhos na ang luha ni Loraine na parang may gripong nasira sa likod ng mga mata niya. Walang patid ang buhos ng kanyang mga luha. "Mas magaling ako sa babaeng iyon, di ba? Mas magaling ako Geoff. Lalabanan ko siya hanggang sa maipamukha ko sa kanya na mas magaling ako. Matalino. Matatalo ko siya. Halika, bumalik tayo sa loob—""Loraine ano ba? Ipipilit mo pa rin ba?" problemadong ginulo ni Geoff ang bu
Magbasa pa
Chapter 35: Inheritance
Nagpanting na ang tainga ni Geoff sa narinig. Halos magtagpo na ang mga kilay niya nang harapin ang matanda. Hindi sa pagiging maramot o dahil sa pagiging makasarili, pero sa loob niya ay hindi naman tamang makihati pa sa mana ang soon to be ex-wife niya. Malaki na ang fifteen million na una na nitong hiningi, tapos sa mana ay magkakamal rin si Alyson ng salapi? "Lolo?!" Napataas na ang boses ni Geoff sa matandang binigyan lang siya ng may kahulugan na mga tingin. "O bakit gulat na gulat ka, Geoff?""Seryoso ka ba diyan na ibibigay mo ang ilang parte ng mana ko sa ibang tao?" napahilamos pa ito ng mukha, "Lolo, akin lang dapat iyon dahil—""Hindi na ibang tao sa akin si Alyson. Alam mo iyan, Geoff. Kapamilya na ang turing ko sa kanya mula umpisa.""Nandoon na tayo, Lolo pero—""Tatlong taon siyang nanilbihan sa pamilya natin pero ni minsan ay hindi mo iyon nagawang suklian. Hindi mo ma-appreciate ang effort niya. At ano ang iginanti mo sa kabutihan niya?"Dumalas ang hinga ni Geoff
Magbasa pa
Chapter 36: The Two CEO
"Sir, ay nakita ko po si Mrs. Carreon kanina sa loob ng mall ng gumamit ako ng banyo. May kasama siyang lalake." pagbabalita agad nito sa amo pagkapasok pa lang ng sasakyan, "Mukha yatang nagkakamabutihan na sila. Ewan ko lang, Sir, kasi baka mali ako. Pero baka friend lang naman." may ingat na banggit pa ng secretary. Hinintay ng secretary ang reaction ni Geoff gamit na ang rearview mirror ngunit wala siyang narinig rito. Ilang sulyap pa ang ginawa ng secretary kay Geoff na kasalukuyang prenting nakaupo lang sa likod ng sasakyan. Ganunpaman ay wala pa rin itong reaksyon na parang walang narinig. "Hindi niyo po ba ako tatanungin ng iba pang details sa asawa mo, Sir?"Pandalas na umiling lang si Geoff nang hindi tinatapunan ng tingin ang secretary. Nagngingitngit na ang loob kay Alyson tuwing maiisip ang sinabi ng Lolo niya kanina about sa magiging pamana nito sa kanya. At ang malamang may iba itong kasama ay hindi ito ang pinaka-main problem. 'Binibiro lang siguro ako ni Lolo. Ang
Magbasa pa
Chapter 37: Entangled Fate
Walang imik na pinagtutulungang pulutin ng dalawa ang mga pinamili upang ibalik sa plastic. Habang ginagawa iyon ay makailang beses na sumagi sa isipan ni Alyson ang reaction ni Geoff. Palaisipan sa kanya kung bakit galit ito at mukhang papatay ng tao. Ngunit bakit? Wala naman siyang masamang ginagawa. "Alyson, pwede bang magtanong?""Tungkol saan?"Naglalakad na silang dalawa patungo ng sasakyan. Malapit lang ang apartment sa shopping mall, pwedeng lakarin ngunit nagkamali ang dalawa. Plano sana nila ay sa malaking mall pupunta pero nagbago sa haba ng traffic. "Kilala mo ba si Mr. Carreon?"Batid ni Alyson na wala na siyang ligtas. Wala namang mawawala sa kanya kung aaminin niya ang totoo. Isa pa kaibigan naman niya si Kevin. "Oo, kilala namin ang isa't-isa."Tutal tinulungan na siya ni Kevin, maano bang ipaalam niya rin sa lalake kung sino ang asawa niya. "Saan kayo nagkakilala?""Noong college pa lang kami."Na-puzzled pa doon si Kevin. Kung matagal na pala silang magkakilala e
Magbasa pa
Chapter 38: Mask of Lies
Magkasabay na pumasok ng building ng Evangelio Designs sina Alyson at Kevin. Nakaabang na sa lobby pa lang ang secretary ni Kevin na may nakapintang matingkad na ngiti sa labi. Saglit na sinulyapan lang nito si Alyson at nag-focus muli sa amo."Naghihintay na po sila sa loob ng office mo, Mr. Evangelio." "Kanina pa ba sila narito?""Mga fifteen minutes pa lang po."Inayos ni Kevin ang suot na tie at sinipat ang sarili sa salamin ng lift. Sa tabi niya ay tahimik na nakatayo si Alyson. Iniisip kung ano ang una niyang sasabihin once ma-meet niya ang client na ginawan ng blueprint. Kailangan niyang magpa-impressed. At baka sakaling lumaki pa ang rate. "Handaan mo kami ng maiinom at meryenda. Dalhin mo sa opisina.""Noted po, Sir. De-deretso po ako ng pantry para ihanda na ang kailangan."Hindi na nagtaka si Kevin pagpasok ng office niya at madatnan doon ang pamilyar na mukha. Nakaupo sila sa sofa. Nandilat ang mata ng secretary ni Geoff nang mapagsino ang lalake. Ilang beses niyang nili
Magbasa pa
Chapter 39: Finding Architect AS
Inihatid pa ni Kevin si Geoff at ang secretary nito hanggang labas ng office niya. Matapos iyon ay agad din siyang bumalik sa loob ng opisina. "Narinig mo ang sabi kanina ni Geoff? Hinahanap ka ngayon ng asawa mo," puno ng himig mapang-aasar habang nakatingin si Kevin kay Alyson. "Dapat pala itinuro na kita at sinabi ko sa kanya ang totoo. Malay mo kapag na-discover niya na ikaw pala ang magaling na si architect AS, bawiin niya pa ang annulment in process?"Pagak lang na tumawa si Alyson. Nagawa na niyang makatayo. Nakahalukipkip at nakasandal pa ito sa gilid ng working table ni Kevin. "In my dreams, Kevin. Buti na lang hindi mo sinabi. Mapapahiya ako."Pinaikot pa ng babae ang mga mata. Saka pa lang niya naalala ang sabi ni Kevin bago pa sila pumunta sa office."May kasalanan ka sa akin, Kevin!" "Ha? Ano naman iyon?""Pinaghanda mo ako at pinagbihis ng maayos knowing na si Geoff pala ang kikitain natin dito. Sinasadya mo ba?""Hindi ah, nakalimutan ko lang—""Kuu, anong nakalimuta
Magbasa pa
Chapter 40: Lucky Charm
Puno ng kahulugang nagkatinginan sina Alyson at Kevin sa sinabi nito. Hindi napigilan ni Kevin na mapatayo sa sobrang saya. Sino ba naman ang tatanggi sa panibagong investors? Kahit na medyo may hindi sila ni Geoff mapagkasunduan, willing siya na tanggapin ang investment offer."Talaga?" "Yes, Sir. Tatawag na lang daw po ulit sila once na-final na ang date. Nais nilang mag-set ng another meeting.""Ikaw na ang bahalang mag-set kung kailan sila magpapa-appointment."Kung sobrang saya ni Kevin. Taliwas ito sa nararamdaman ni Alyson. Hindi niya man tahasang sabihin ay hindi siya pabor sa biglaang investment offer dahil parang mayroong mali roon. Namanhid ang anit ni Alyson sa isipin dahil worried siya na baka mapahamak ang company ni Kevin oras na makipag-tie up sa Carreon Holdings. "Masama ang kutob ko sa investment offer, Kevin." prangkang wika ni Alyson matapos na lumabas ng office ng secretary nito, "Madalas pa naman na magkatotoo ang mga kutob ko oras na maramdaman ko agad sila."
Magbasa pa
PREV
123456
...
25
DMCA.com Protection Status