All Chapters of AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO: Chapter 51 - Chapter 60
244 Chapters
Chapter 51: Steamed Fish
HINDI mapigilang mapaawang ng bibig ni Geoff nang marinig iyon. Matagal na panahon na rin noong huli siyang makatikim ng luto ni Alyson. Isang buwan na rin iyon. Puro siya bili o sa labas na lang kumakain. Noong huli ay noong mag-dinner sila sa ancestral mansion ng mga Carreon pero iba ang lasa ng gawa mismo ni Alyson. Pareho lang naman ang paraan ng pagluluto nito dahil sa nagpaturo lang si Alyson sa isa sa mga maid ng Lolo niya pero ewan ba niya. May kakaiba sa luto nito. At ang marinig na alukin siya ni Alyson ay sobrang nakaka-tempt na mag-oo."Bingi ka ba, Alyson? Ang sabi ko ay lumabas ka! Hindi aluking ipagluto—"Naputol ang sasabihin ni Geoff nang walang imik na naglakad si Alyson patungo sa kanyang inaalikabok at napakarumi ang loob na fridge. Bago pa mabuksan ni Alyson ang pintuan noon ay mabilis humarang si Geoff."Ano ba, Alyson? Labas!""Hey? Alis diyan." kalmadong sagot ni Alyson. "Titingnan ko kung may isda ka pa. Mabilis lang mag-defrost.""Hindi pa kita binibigyan ng
Read more
Chapter 52: Regrets of Offering
PASIMPLENG pinalis ni Alyson ang ilang butil ng luhang pumatak nang hindi niya namamalayan. Pagtingin niya kay Geoff ay tapos na itong kumain. Puro tinik na ang isang piraso ng isda na nasa plato niya."Ang sabi ko, salamat."Tumungo si Alyson. Ang babaw ng emosyon niya. Sa simpleng salamat ay para na siyang nanalo sa lotto. Siguro ay dahil ito ang unang beses na narinig niyang magpasalamat ito. Itinuon niya ang atensyon sa pagkain. Kumurap-kurap na ang mata. Sa lalim ng iniisip niya kanina ay hindi niya na namalayan ang paglipas ng sandali."Y-You're welcome."Bumuntong-hininga si Geoff matapos magsalin ng tubig sa baso. Alam niya na may kakaiba sa kinikilos ni Alyson pero hindi na lang niya ito tatanungin. Wala siyang panahon para alamin kung bakit namumula ang mata nito."Pinag-isipan mo na bang mabuti iyong offer ko sa'yo, Alyson?"Nilunok muna ni Alyson ang pagkain sa bibig bago nag-angat ng mukha. Nakabawi na siya. Bumalik na sa dati ang sigla ng kanyang mukha."Alin? Iyong sabi
Read more
Chapter 53: Nadakmang Alaga
PINAGPAWISAN na ng malamig ang buong katawan ni Alyson. Kanina pa siya doon nakatayo. Halos isang dipa lang ang layo niya sa kama ni Geoff. Ilang segundo na ang nakakalipas matapos siyang papasukin ni Geoff sa loob. Kanina pagbalik nila, nauna na itong pumasok ng silid at after ng ilang minuto bago siya tinawag nito."Alyson? Hindi ka pa magsisimula?"Prenting nakadapa sa kama si Geoff. Tanggal na ang pang-itaas na saplot nito at expose na ang katawan. Ang tanging naiwan na lang ay ang boxer. May takip na kumot ang kalahati ng katawan niya. Katamtaman lang ang lamig ng silid. Nasa bedside table na rin ang massage oil nilang gagamitin. Ilang beses pang napakagat ng labi si Alyson. Di alam paano magsisimula."S-Sandali lang, Geoff. Bigla akong nauhaw. Iinom lang ako ng tubig."Nagkukumahog ng lumabas ng silid si Alyson. Pagdating niya ng kusina ay napahawak na siya sa dibdib na grabe'han na ang lakas sa pagpintig."Ano bang nangyayari sa'yo Alyson? Hindi naman ito ang first time mo? Bak
Read more
Chapter 54: Laban sa Kama
KAAGAD nanlambot ang mga tuhod doon ni Alyson. Kung hindi lang siya humawak sa balikat ni Geoff ay paniguradong parang itinumbang kahoy siyang bumulagta sa sahig. Isinara ni Alyson ang kanyang mga mata nang simulan ni Geoff halikan ang puno ng tainga niya. Dumaloy na ang bolta-boltaheng kuryente sa katawan niya na naging dahilan upang maikuyom ni Alyson ang kamao. Parang magkaka-atake na siya sa puso sa lakas at bilis ng kalabog sa loob ng dibdib niya. Para na itong magigiba. Nang umabot na ang mainit na labi ni Geoff sa bibig ni Alyson at tuluyang angkinin nito iyon nang buo ay animo hihimatayin na sa saya at excitement si Alyson."I miss you, G-Geoff..." sambit niya na dalang-dala na sa mga ginagawa nila.Tuluyan ng pumulupot ang dalawang braso ni Alyson sa leeg ni Geoff. Nagmamadali namang hinapit ni Geoff ang maliit na beywang ni Alyson para mas ilapit sa katawan. Napapiksi lang si Alyson ngunit hindi ito pumalag para itigil ang ginagawa. Magiging ipokrita siya kung sasabihin niya
Read more
Chapter 55: Encounter with Xandria
HUSTONG labas ni Alyson ng VIP room upang magtungo sa restroom ay siya namang pasok ng grupo nina Xandria. Marami itong kasama na hindi familiar ang mukha kay Alyson. "Alyson?!" hindi makapaniwalang tawag niya sa pangalan ng babae. Gulat na gulat si Xandria nang makita ito dito. Ang buong akala niya kasi ay pulubi na ito at wala na ni singkong duling para lustayin sa mamahaling club na kagaya ng lugar na iyon. "Anong ginagawa mo dito?" Medyo nakakainom na ito. Halatang uminom muna sila bago pumunta sa club. Napangiwi na si Alyson. Nais pa sanang magtakip ng kanyang ilong. "Ikaw pala iyan, Xandria—" "Ops, don't talk to me in a casual way. Alam mong hindi naman tayo close." lagay ni Xandria ng daliri sa bibig nya. Nais sanang paikutan ni Alyson ng mga mata niya ang hilaw niyang sister in law na mahilig mag-party. Naisip niya na ano kaya ang gagawin nito oras na malamang narito ang kapatid nitong si Geoff. Takot ito sa Kuya niya kaya paniguradong aayos ito kapag nalamang naroon si
Read more
Chapter 56: Revealing Half of Her
MAKAHULUGANG nagkatinginan si Vito at Xandria sa huling tinuran ni Alyson. Halatang hindi na nila gusto ang naging tabas ng dila ni Alyson. "Hoy Alyson, huwag ka na ngang choosy. Hindi mo yata alam kung gaano kagalante at kayaman niyang si Vito. Baka magbuhay prinsesa ka pa o Donya oras na pagbigyan mo siya sa gusto niya. E-grab mo na. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mong magtrabaho. Doon ka na sa easy money. Ayan na si Vito sa harap mo. Palalagpasin mo pa ba ha?" "Bakit hindi na lang ikaw ang gumawa tutal ikaw naman ang may gusto?!" asik ni Alyson na sobra ang badtrip.Napaatras na si Xandria. Hindi niya inaasahang babarahin siya ni Alyson. Ang akala niya ay kayan-kayanan na naman niya ito porket mag-isa lang. Gaya ng dati na hindi ito lumalaban."Sa ating dalawa, mas ikaw yata iyong mas kailangan ng pera at hindi ako. Huwag mo akong pakialaman!" "E 'di wow! Ako na nagmamalasakit, ako pa ang mali. Ikaw din. Baka sa bandang huli ay pagsisihan mo iyan."Hindi na maipinta ang mukha
Read more
Chapter 57: Illegal Abduction
ILANG sandaling naglaban ng tingin si Xandria at Alyson. Maya-maya ay mapang-amok ng ngumiti si Xandria. "Sa tingin mo tutulungan ka ni Kuya?Sigurado akong kahit makita ka niya ay papanoorin ka lang niya. Alam mo kung bakit? Dahil wala ka namang silbi sa kanya. Mula pa lang sa simula ay si Loraine na ang pangarap niya."Alam na iyon ni Alyson, ngunit bakit ngayong ibang tao ang nagsasabi sa kanya, iba ang sakit na dulot noon?"Panakip-butas ka lang naman niya. Katulong lang ang tingin niya sa'yo. Alila. Hindi mo pa rin ba makuha iyon hanggang ngayon Alyson? Iniisip mo ba talaga na minahal ka ni Kuya, ha?"Halos magngalit na ang ngipin ni Alyson sa pagtitimpi. Alam na rin niya ang bagay na iyon. Hindi na kailangan na sabihin pa nang paulit-ulit. Isa pa, ngayon pa talagang may ibang taong nakakarinig? Iba rin talaga si Xandria."Pinaglaruan ka lang din ni Kuya. Ginamit. Kailan mo iyon maiisip?!"Gulantang nang nagpalipat-lipat ang tingin ni Vito kay Alyson at Xandria. Hindi siya makapa
Read more
Chapter 58: The Rescuer
NAKAUWI na at lahat si Geoff sa apartment niya pero hindi magawang maging panatag. Patuloy dumadaan sa isipan niya ang tanawin ng paghila kay Alyson. Sa pagkonsulta niya sa isa sa mga kaibigan niya, naging malinaw sa kanya ang mukha ng lalakeng may gawa noon sa asawa. "Kuya? Napatawag ka?" Kilala niyang barkada ng kapatid na si Xandria ang lalake kaya susubukan niya na makakuha ng ibang details."Nasaan ka, Xandria?" "Nasa labas, kasama ang mga friends ko." "Pwedeng makuha ang exact address ng kaibigan mong si Vito?""Bakit Kuya?"Ayaw ipaalam ni Geoff sa kapatid ang tungkol sa ginawa ni Vito. Hindi sa wala siyang tiwala dito, pero syempre kailangan niya pang mag-explain."Wala. Siya nga pala. Anong oras na. Bakit nasa labas ka pa? Ki babae mong tao, nagpapaumaga ka sa—""Oo na, Kuya. Uuwi na ako ngayon."Pinatayan na siya ng tawag. Muling bumalik ang isip niya sa nangyari kay Alyson nang sulyapan ang bag nito. Nasa sala lang siya. Nakahiga sa sofa. Hindi niya magawang pumasok sa
Read more
Chapter 59: Traumatic Experience
DUMILIM pa ang mukha ni Geoff nang makita ang kalagayan ni Alyson. Yakap ang sarili habang tinatakpan ang katawan at gula-gulanit na damit. Hindi na niya napigilan ang sarili. Isang malakas na solidong suntok ang pinakawalan niya na tumama sa gilid ng panga ni Vito na napasubsob dito sa maruming kama."G-Geoff..." Halos hindi lumabas iyon sa bibig ni Alyson na nanlabo na ang imahe ng asawa sa paningin niya dahil sa luha. "Hayop ka, Vito! Papatayin kita!" Mala asong ulol na sinugod ni Geoff si Vito na nagawa ng makatayo. Walang pagpipigil na pinaulanan niya pa ito ng mga suntok hanggang sa tuluyang hindi na makagulapay sa sakit ang buo niyang katawan. "Bakit ginawa mo ito sa asawa ko?!" Hinubad na niya ang suot na jacket at walang imik na ibinalot sa katawan ng asawa. Malakas ng umatungal ng iyak si Alyson. Inilabas ang trauma. Hindi niya alintana ang mga estrangherong kasama nila sa silid. "You are safe now, Mahal..."Dinaluhan na ni Geoff si Alyson na wala pa ring tigil ang pag
Read more
Chapter 60: Obstructed Justice
NAGHINANG ang mga mata nilang dalawa. Pilit na inaarok ni Geoff kung tunay ba ang mga sinasabi ni Alyson. Hindi ito kumukurap. Matapang na nakikipagtitigan. Bumuntong-hininga muna siya bago inilagay ang isang palad sa bulsa. Tumalikod na ito at walang imik na lumabas na ng silid. Naiwan si Alyson na may mabigat na damdamin. Kanina pa niya gustong aminin ang lahat sa asawa. Iyon nga lang ay natatakot siyang magulo na naman ang lahat. Mawala na naman siya sa focus. Isa pa, paniguradong sasawsaw ang pamilya ni Geoff at baka magkanda-leche na naman ang buhay niyang medyo umo-okay na."Sasabihin ko rin naman sa kanya. Hindi lang iyon ngayon. Hindi muna."AGAD na lumapit ang secretary ni Geoff nang makita ang paglabas niya ng silid ng kanyang asawa. "Sir, kumusta na si Mrs. Carreon?""Okay na. Gising na.""Mabuti naman kung ganun.""Anong balita kay Vito? Nasa precint pa rin ba ang gagong iyon? Kailangan niyang maturuan ng leksyon. Dapat na malasahan niya ang makulong.""Yes, Sir, naroon
Read more
PREV
1
...
45678
...
25
DMCA.com Protection Status