HINDI makapaniwalang namilog ang mata ni Geoff sa narinig. Bahagya na itinagilid niya ang ulo dahil baka mali ang pagkakaintindi niya sa narinig. Hindi niya inaasahang papayag na si Alyson. Noon, tuwing binabanggit niya ang tungkol sa annulment ay nagmamakaawa itong huwag iyong ituloy, kulang na lang din ay luhuran siya nito sa pakiusap. Kung kaya naman palaisipan sa kanya ano ang nakain ng asawa at pumayag na ito sa kagustuhan niya after a month. "Aasahan ko iyan, Alyson. Wala ng bawian. Mag-set tayo ng araw para parehong pumirma sa mga papeles. Sa isang araw, pumunta ka ha?"Ilang minuto ang hinintay ni Geoff para sa sagot ni Alyson pero agad na nakuha ang atensyon niya ng monitor ng ultrasound kung saan malinaw na makikita ang imahe ng magiging anak nila ni Loraine. Kasalukuyan sila ngayong nasa clinic ng OB-Gyne nito upang magpa-ultrasound. "Geoff, tingnan mo ang hitsura ng magiging anak natin. Kamukha mo di ba?" masiglang boses iyon ni Loraine. HINDI ito nakaligtas sa pandinig
Read more