= KIAN POV =“Sir,” sambit ni Jasper sa akin saka ibinaba sa mesa ang patong-patong na folders na dala niya. Kasama niya si Lolita na HR ng kompanya.Napakunot ang noo ko. “Ano ‘to?” turo ko sa folders gamit ang ballpen na hawak ko. Abala ako sa pagpirma ng mga dokumento.Umayos ng tayo si Lolita. “Ah, f-in-orward ‘yan ng affiliated universities natin, Sir. For OJT. Pili ka na sa kanila,” imporma niya sa akin. Bahagya akong sumipat sa kanya at nababagot na binuksan ang folders.Sawa na ako sa mga aplikanteng kinuha namin dati na magaganda nga pero ang hihirap namang utusan. Ni hindi marunong gumawa ng pie chart at balance sheet. Aksaya lang sa oras.“Naku, magaganda lahat ‘yan, Sir. Mga single ‘yan,” panunukso sa akin ni Jasper dahil nahalata niya ata na mainit ang ulo ko. Parang kinilig din si Lolita nang marinig ‘yon, pero binalewala ko lang ang sinabi niya. Wala na akong balak na kumuha ng kahit na sinong OJT sa taong ‘to kahit Magna Cum Laude pa. Dalang-dala na ako talaga.Matapo
Dernière mise à jour : 2025-08-30 Read More