[WARNING: SPG] Gwapo, playboy at malakas ang appeal. Iilan lang iyan sa mga katangian ng bilyonaryong si Kian Fuentavilla kaya napakaraming babaeng nagkakadarapa sa kanya—maliban kay Jhymea Madrigal. Isang dalagang manang kung manamit at madalas pang napagkakamalang lola at mambabarang. Panget si Jhymea, at aminado naman siya roon, pero para sa kanya ay may karapatan pa rin naman siyang mamili kaya inayawan niya si Kian na kahit mala-Adonis na ang datingan ay ubod naman ng yabang. Unang pagkikita pa lang ng dalawa ay nagkairingan na sila. Labis na dinibdib ni Jhymea na tinawag siyang ‘janitress’ at ‘ipis’ ng binata at ganun din si Kian sa kanya nang mapunit ang pwètan ng slacks nito dahil sa dalaga. Halos isumpa nila ang isa't isa hanggang napagdesisyunan ng kapatid ni Kian na si Nexie Fuentavilla na mag one-night stand silang dalawa. Kapalit nun ay ang impormasyong hinihingi ni Kian tungkol sa ex niyang si Tanya, at pera naman para kay Jhymea para mapauwi na niya sa bansa ang ina niyang OFW na kay tagal niyang ‘di nakasama. Dahil sa pagiging maloko ni Kian ay pinalabas niyang nabutas ang còndom na ginamit niya sa pakikipagtalik sa dalaga. Ilang linggo iyong iniyakan ni Jhymea kasi ang buong akala niya ay hindi na siya makaka-graduate, ngunit nahuli niya ang binata nung minsan ay may kausap ito sa telepono at inamin nito ang lahat. Doon ay naisip na gumanti ni Jhymea at pinalabas na totoong nabuntis nga siya ng binata. Nakarating ang tsismis na yun sa ina ni Kian na si Mrs. Anita Fuentavilla. Nagkukumahog na nagpaliwanag ang dalawa na hindi totoo ang lahat pero huli na kasi nagawan na sila ng kontrata ng ginang sa nalalapit nilang kasal. Matakasan kaya nila ang kapalarang nagsimula sa isang laro lamang? O mauuwi na ang lahat sa totoong pag-iibigan?
Lihat lebih banyak= KIAN POV = “Sir,” sambit ni Jasper sa akin saka ibinaba sa mesa ang patong-patong na folders na dala niya. Kasama niya si Lolita na HR ng kompanya. Napakunot ang noo ko. “Ano ‘to?” turo ko sa folders gamit ang ballpen na hawak ko. Abala ako sa pagpirma ng mga dokumento. Umayos ng tayo si Lolita. “Ah, f-in-orward ‘yan ng affiliated universities natin, Sir. For OJT. Pili ka na sa kanila,” imporma niya sa akin. Bahagya akong sumipat sa kanya at nababagot na binuksan ang folders. Sawa na ako sa mga aplikanteng kinuha namin dati na magaganda nga pero ang hihirap namang utusan. Ni hindi marunong gumawa ng pie chart at balance sheet. Aksaya lang sa oras. “Naku, magaganda lahat ‘yan, Sir. Mga single ‘yan,” panunukso sa akin ni Jasper dahil nahalata niya ata na mainit ang ulo ko. Parang kinilig din si Lolita nang marinig ‘yon, pero binalewala ko lang ang sinabi niya. Wala na akong balak na kumuha ng kahit na sinong OJT sa taong ‘to kahit Magna Cum Laude pa. Dalang-dala na ako tal
= JHYMEA POV = Nagtuloy-tuloy kami ni Marinel sa loob ng campus ng St. Bernard University. Dumiretso kami sa open field. Ano mang oras ay darating na si Sir Fererro. Mas mabuti na ‘yong maaga kami. Pagkarating do’n, agad naming napansin ang mga ka-batch naming nagkukumpulan at may hawak na kanya-kanyang papel. Bakas ang tuwa sa mga mukha nila na para bang kung anong lotto ang tinamaan. May nagtititili at nagtatatalon pa.“Hala, sa Yuan Corporation ako! Balita ko ang daming cute na boys do’n. Excited na ako!”“Yes! Watson Empire! Madalas sa nag-o-OJT ro’n, kinukuha rin nila as regular employee. Secured na ang future ko!”“Ako naman, sa Densworth! Nando'n ‘yong crush kong poging manager!”“OMG! Riverville Corporation! My dream company!”Napakunot ang noo ko. Out of curiosity, sumingit ako sa usapan nila. Mukhang tungkol kasi sa OJT namin.“Ahm, ano ‘yan?” masigla kong tanong.Parang may dumaang anghel kasi natahimik silang lahat. Pinasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
= KIAN POV = Napakunot ang noo ko at ibinaba sa mesa ang kakahigop ko lang na mainit na kape. Nakatutok ang mga mata ko sa hawak na iPad at nagbasa sa site ng Today’s Business. Lumakas pala ang sales ng Xing Group of Companies mula nang kunin nilang endorser ang artistang si Luigi Sanchez. Gumuhit ang ngiti sa labi ko at napailing. May sumaging ideya sa isipan ko. “Ituloy ko kaya ang pangarap kong maging artista? Tapos ako na rin ang magiging opisyal na endorser ng kompanya namin. Ha! Siguradong pagkakaguluhan ako ng mga babae. May madadagdag na naman sa mahaba kong listahan,” kausap ko sa sarili ko at hinimas ang baba. Patawa-tawa pa ako kasi naglalakbay ‘yong imahinasyon ko. It would be fun, though. The attention… the perks. Muli kong binalik ang atensyon sa iPad ko at pinagpatuloy ang pagbabasa sa site. Hobby ko talaga ito sa t’wing naghihintay o walang ginagawa. Paraan ko rin para maging updated sa industriyang kinabibilangan ko. Patuloy pa rin ako sa pagbabasa nang mag
= JHYMEA =“Beh, naniniwala ka ba sa true love?” karengkeng ni Marinel sa cutie na customer din ng ice cream truck. Kumukurap pa ang mga mata niya. Bahagya akong natawa dahil dagdag pa ‘yang boses niya na mala-Ruffa Mae Quinto.Akala ko pa naman ay madadatnan ko siyang nag-aalala dahil bigla na lang akong umalis. Tapos aish, ito nga. Kahit ata iwan ko ‘to sa gyera ay makikipaglandian ‘to sa mga terorista. Ang sakit sa bangs!Iginala ko ang paningin sa paligid hanggang nakita ko ang ginang na hinablutan kanina. Nakaupo ito sa mahabang silya sa labas ng ice cream truck at pinapahid ang luha. Umuuga pa ang balikat nito dahil sa paghikbi. Nahabag tuloy ang damdamin ko.“Does this bag belong to her?” nag-aalalang tanong sa akin ni Aivan. Napalingon ako sa likuran ko.Oo nga pala, sinama ko siya pabalik dito. Parang ayaw na nga niyang humiwalay sa akin. Ewan ko ba, feeling ko crush niya ako. Napahagikgik tuloy ako sa ideyang ‘yon.Ang haba ng nilakad namin tapos panay pa siya English. Ang
= KIAN POV = “Kuya—” “AAHHHH!” malakas kong sigaw nang makasalubong si Nexie. Akala ko kasi si Jhymea ulit. Napakurap-kurap ang kapatid ko sa ginawa ko. Tulad ni Samantha ay wala rin siyang kaide-ideya sa pinaghuhugutan ko. “Napa'no ka?” natatawa niya na lang na sabi nang makabawi. Kinaltukan ko ang sarili ko at nag-iwas ng tingin. “Nabaliw ka na ba? Sabi ko na nga ba, masama talaga sa kalusugan ang maging CEO ng kompanyang ‘to. Magpahinga ka rin kasi,” kaswal na sabi niya sa ‘kin sabay tapik sa balikat ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil iba ang naisip niyang dahilan at hindi si Jhymea. “You're more workaholic than me. Dapat sa sarili mo pinapayo ‘yan,” tugon ko sa kanya tapos ginulo ang buhok niya. “Hey, I'm not a kid anymore. Stop petting me like a puppy,” nakamuktol niyang sabi at inalis ang kamay ko. Nilabas niya ang salamin niya at inayos ang nagulo niyang buhok. “Parang kelan lang no'ng ako pa ang nagpapalit ng diapers mo, ah. Tapos mag-iinarte ka sa akin nang
= KIAN POV = “Oohh… I miss your còck, baby…” nalilibogang anas ni Samantha habang nakayakap mula sa likuran ko. Mariin akong napapikit at mahinang napaungol nang madama ang pilya niyang pagdiin ng utòng niya sa akin. “Fvck…” naiusal ko at gumuhit ang ngiti sa labi. Makakatikim talaga ‘to nang matindi sa akin. Humalinghing siya ng tawa nang marinig ang mahina kong pagmura. Nakiliti ang tenga ko sa mainit niyang hininga kasabay ng dalawang kamay niyang senswal na naglalakbay mula sa dibdib ko pababa sa naghuhumindig kong kargàda. Tumaas ang sulok ng labi ko sa kapusukang ginagawa niya. Sinusubok niya akong talaga. Bubuksan na sana niya ang zipper ko pero inawat ko ang kamay niya at humarap sa kanya. Siniil ko siya ng halik sa leeg at balikat. Kanina pa ako nag-iinit kaya ‘di ko na napigilang sipsìpin ang makinis niyang balat. “Ohhh, Kian… ahhh…” bigkas niya kasunod ang pag-alingawngaw ng malandi niyang pagtawa. Sa reaksyon ng mukha niya ay tila sarap na sarap siya kahit
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen