TUMIGIL sa entrance ng subdivision ang kotseng sinsakyan ni Archie nang hindi papasukin sa loob."Pasensiya na, Ma'am, mga Sir. Bawal ang outsider," inform pa ng Guard. "May kakilala ba kayo sa loob at itatawag ko."Nilingon naman ni Lea ang amo. "Sir?""Hayaan mo na," ani Archie, hindi na nagpumilit makita si Chantal.Tumango naman si Lea at sinabi sa Guard na hindi na sila tutuloy sa loob. "Pasensiya na sa abala."Pagkatapos ay iniliko naman ng driver ang kotse hanggang sa may mamataan silang paparating, palabas na sasakyan. Kaya tumigil ang driver at pinauna ang naturang kotse.Ngunit hindi inaasahan ni Archie na ang sakay pala ay si Chantal. Nagtagpo ang tingin nilang dalawa at gulat na gulat ito nang makita siya."S-Sandali lang, ihinto mo muna sa tabi, Kuya," utos ni Chantal sa driver.Mayamaya pa ay magkatapat na ang dalawang sasakyan."Anong ginagawa mo rito?"Hindi naman sumagot si Archie kaya si Lea na ang nagsalita, "Napadaan lang kami, Ma'am."Ang kunot sa noo ni Chantal a
Terakhir Diperbarui : 2025-05-14 Baca selengkapnya