DUMAUSDOS si Chantal habang nakasandal sa pinto, naririndi siya sa pagkatok ni Felip kaya tinakpan niya ang magkabilang tenga."Hon... buksan mo 'tong pinto. Let me explain, please," pakiusap pa ni Felip.Ngunit nagbingi-bingihan si Chantal hanggang sa makatayo at pagkatapos ay nahiga sa kama. Ang daming pumapasok sa isip at gulong-gulo.Hindi naman tumitigil si Felip sa pagkatok hanggang sa lumapit ang katulong."Sir, gusto niyo bang kunin ko ang spare-key ng kwarto?"Umiling si Felip. "Ako na lamang ang bahala," aniya.Ilang sandali pa ay magkasabay na lumapit ang dalawang anak."Anong nangyayari, Dad?" ani Thomas."Anak!" tawag naman ni Cynthia na nasa may hagdan. "'Halika kayong dalawa rito, 'wag niyo ng istorbohin ang Daddy niyo."Kahit naguguluhan ay naglakad naman palapit ang magkapatid."Anong nangyayari, Mommy?" tanong ni Thea."I'll explain later," sabi lang ni Cynthia saka iginiya pababa ang mga anak, hinayaan si Felip na solusyonan ang problema.Nang maiwan ay mabigat na n
Last Updated : 2025-06-07 Read more