"IPAPAKASAL MO SINA MARGARET AT TIMOTHY? Hindi mo ba naiisip kung anong mararamdaman ni Marlene kapag ipinakasal mo ang dalawang iyon?" Sita ni Alexa kay Cali nang malaman niya ang balak nito."Pero buntis si Margaret at si Timothy ang ama ng batang dinadala niya," sagot ni Cali sa kanya, "Anong gusto mong gawin ko, ha?" Naguguluhang tanong ni Cali sa kanya. Napabuntong hininga siya nang malalim, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nagawa ni Margaret agawin si Timothy kay Marlene. Saan ba siya nagkulang ng pagpapalaki dito? "Cali, hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan si Margaret. As much as possible, ibinibigay naman nating pareho ang pagmamahal sa kanilang dalawa," naiiyak na sabi niya sa asawa, "Masasaktin si Marlene, besides, matagal siyang nawalay satin kaya gusto kong makabawi, but it does not mean I love Margaret less. Pareho ko silang mahal. . .pero bakit parang kulang pa rin?"Hinagod ni Cali ang likuran niya at hinawakan ang kanyang mga kamay, "Wala ka
Read more