Share

CHAPTER 6

Author: Michelle Vito
last update publish date: 2026-10-28 12:58:58

MAPUSOK, ramdam ni Margaret ang galit habang inaangkin siya ni Timothy. Waring nanadya pa itong saktan siya ngunit tinikis niya ang lahat para ipakita dito na hindi siya talunan sa pagpapakasal niya dito. Mas matatanggap pa niyang magdusa sa piling ni Timothy kaysa makita ang kakambal niyang masaya sa piling nito.

Nang matapos siya nitong angkinin ay mabilis itong kumalas sa kanya at bumangon, nagmamadali nang lumabas ng kanilang kuwarto. Alam niyang magpapakalunod na naman ito sa alak doon
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 15

    "M-MOMMY," Hindi makapaniwala si Margaret nang dalawin siya ng kanyang Mommy. Hindi niya magawang salubungin ang tingin nito."Kumusta ka na?" Halos paanas lamang na tanong nito sa kanya."O-okay lang naman po," sagot niya, hinagod niya ng kanyang mga kamay ang buhok. Hindi pa siya nakakapag-ayos dahil kakatapos lang niyang ihanda ang hapunan ni Timothy. Nakatingin ng matiim ang Mommy niya at bawat kilos niya at minamanmanan na para bang gusto talaga nitong matiyak kung okay nga siya."Kumusta ang trato saiyo ni Timothy?" Pinilit niyang ngumiti, "S-sa awa ng Diyos, natutunan na niya akong mahalin," pagsisinungaling niya.Kumunot ang nuo ng Mommy niya. Parang gustong nitong sabihin na; Talaga ba? Ngunit mas pinili na lamang nito iyong hindi isatinig. "K-kayo po, kumusta na?" Tanong niya dito, "Pasensya na po kung hindi ako nakakapasyal sa bahay. Medyo naging busy lang po sa. . .sa buhay may asawa."Hindi ito nagsasalita. Pumasok ito sa loob ng bahay at iginala ang mga mata sa

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 14

    DUMILIM ang mukha ni Marlene nang makita ang mga larawang ipinost ng kanyang mga pinsan, kasama ng mga ito si Margaret ngunit siya ay ni hindi man lamang niyayang sumama? Nagdadabog na ibinato niya ang kanyang phone. Actually, kahapon pa mainit ang ulo niya dahil hindi sinasagot ni David ang tawag niya. Pasekreto na nga silang magkita at madalang na madalang pa pagkatapos ay ginaganito pa siya ng lalaking iyon?Namimiss na niya si David.Kahapon pa siya hindi mapakali lalo pa at alam niyang lapitin ng babae si David at ito namang si David, lahat yata ng babaeng lumalapit dito ay pinagbibigyan nito. Ni hindi marunong tumanggi. Naalala niya si Melinda Chu, isang socialite from Singapore na halos ayaw tantanan si David at halata niyang nakikipagflirt dito. Sa inis niya ay sinundan niya si Melinda nang magpunta ito sa banyo at ipinad-lock niya ito doon. Handa siyang pumatay para kay David kaya subukan lang ng mga babaeng agawin si David sa kanya, talagang makakatikim ang mga ito sa

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 13

    TAHIMIK ANG BAHAY nang dumating si Timothy. Wala si Margaret na palagi na ay sumasalubong kaagad sa kanya kapag naririnig nito ang pagdating ng kanyang sasakyan. Kahit nagtataka ay hindi na siya nag-usisa pa. Ngunit napakunot ang kanyang noo nang silipin ito sa kanilang kuwarto at makitang wala ito doon. Nilayasan na ba siya nito? Mabuti naman kung ganon nga ang ginawa nito! Sa loob-loob niya, dumiretso siya sa banyo at naligo.Pagkatapos makapaligo ay nagtungo siya sa library. Iinom sana siya ngunit hindi siya mapakali. Napatingin siya sa wall clock. Mag-aalas dose na ng gabi. Never itong umaalis ng bahay nang hindi man lamang nagpapaalam sa kanya kahit na hindi naman niya ito pinapansin at pinagbabawalang umalis. At never rin itong ginagabi ng ganito.Pero binalewala na lamang niya ang pag-aalalang nararamdaman. Hanggang mag-ala una na at hindi na siya nakatiis pa. Bwisit siya, bakit ba kailangan niyang mag-alala sa babaeng iyon? Pero buntis ito at siya ang ama ng dina

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 12

    "YAYA FLORA, SASAMA LANG PO AKO SA MGA PINSAN KO, hindi ko alam what time ako uuwi. Baka po maagang dumating si Timothy, pakisabi na lang po," paalam niya sa kanyang Yaya Flora nang sunduin siya ni Sebastian para lumabas silang magpipinsan."Mabuti naman at hindi ganyang palagi ka na lang nagkukulong dito sa bahay," sabi nito sa kanya. May pait sa mga labing nginitian lang niya ito. Hindi na niya kinontra pa ang sinabi nito dahil alam niyang gusto lang naman nitong makita siyang masaya. Nasa salas si Sebastian at naghihintay sa kanya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa."Hindi naman halatang buntis ka," sabi nito with approval habang minamasdan siya. Talagang sinadya niyang magpaganda para naman walang makahalata sa mga pinagdaraanan niya. Alam kasi niyang magkikita-kita silang magpipinsan at ayaw niyang mapagtsismisan pa siya at magmukhang kaawa-awa."Thank you."Doon sila nagtungo sa isang five star hotel kung saan naghihintay ang iba pa nilang mga pinsan. Tuwang-tuwa

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 11

    "SEBASTIAN," kahit paano ay gumaan ang kanyang pakiramdam nang bisitahin siya ng kanyang pinsan dito sa bahay. Kakarating lamang nito galing France at masaya nitong ikweninto sa kanya na nagpropose na ito kay Katalina at next year ay plano ng mga itong magpakasal. Sa lahat ng pinsan niya, kay Sebastian siya pinaka-close. Siguro ay dahil ito ang pinakamatanda sa kanilang magpipinsan at parang isang tunay na kapatid ang turing nito sa kanya palibhasa ay wala itong kapatid na babae. "Mabuti naman ang pinasyalan mo ko dito.""Ikaw lang ang wala sa dinner ko, maski ang kakambal mong si Marlene present dun. Baka kako talagang ayaw mo na kong makita," kunwari ay nagtatampong sabi nito sa kanya."Masyado lang akong busy sa buhay may-asawa," pagdadahilan niya dito.Pero mukhang hindi niya ito na-convince, "I heard what happened. Kahit naman noong nasa France ako, hindi nakakaligtas sakin ang mga bali-balita," sabi nito sa kanya. "Are you happy?""Ano ba namang klaseng tanong iyan, Seba

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 10

    "KAHIT KAILAN, HINDI KA NAWALA SA ISIPAN KO," Parang nawawala na sa sarili si Timothy habang nakikiusap kay Marlene, hinawakan niya ito sa magkabilang balikat, "God knows, ikaw talaga ang mahal ko, Marlene. Sa maniwala ka at sa hindi, hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng konsensya ko kung paano kita nagawang saktan.""Sinaktan mo na ako at hindi na maibabalik pa iyong nasira nating relasyon. Kasal na kayo ni Margaret kaya please lang, magfocus ka na lang sa kanya lalo na ngayong magkakaanak na kayo," pakiusap nito sa kanya ngunit kitang kita niya sa mga mata nito ang dinaramdam na paghihirap ng kalooban na mas lalo lamang nakakapagpabigat sa guilt na nararamdaman niya. Ang dami nilang binuong pangarap ni Marlene ngunit sinira lamang niya ito at nagpagamit siya kay Margaret para pasakitan ang babaeng ito na wala namang ginagawang masama.Niyakap niya ito nang mahigpit, "I'm sorry, Marlene. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa pananakit ko ng damdamin mo."Itinulak siya nit

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 16

    INABUTAN NI CALI ng isang bote ng beer si Lander. May pait sa mga labing tiningnan niya ang nakakabatang kapatid, “Pinakawalan ko sya,” malungkot ang mga matang sabi niya rito, “Pinakawalan ko si Alexa dahil gusto kong magparaya para saiyo.” Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata, “Pilit ko

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 14

    PAULIT ULIT NA minumura ni Cali ang sarili. Siya ang may kasalanan kung bakit naaksidente si Alexa. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama dito. Napaiyak siya. Ni hindi siya makapagconcentrate sa pag-aaral lalo pa at alam niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin buma

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 13

    HINDI NAMAN SIYA UMINOM ngunit parang nahihilo na ang pakiramdam niya kung kaya’t nagtungo siya sa terrace para makalanghap ng sariwang hangin. Hindi naman niya akalaing dadatnan niya duon si Cali, nag-iisa. “Hindi naman siguro private ang lugar na ito kaya pwede ako rito,” sabi niya sa binata.Tini

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 10

    “HEY, ARE YOU WITH ME?” Kunot-nuong tanong ni Chelsea kay Cali nang mapansing tila malayo ang itinatakbo ng utak nito. “Kanina pa ako kwento ng kwento saiyo, parang hindi ka naman nakikinig.”Napakurap-kurap si Cali saka napatingin kay Chelsea, “Come again?”Napahinga nang malalim si Chelsea, “Never

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status