ELLA"Wife, pupuntahan ko lang si dad sa opisina niya. I have an important things to discuss to him about business," wika ni Gav sa kanya nang makarating sila sa loob ng opisina nito. "It's okay, hubby, you can go," aniya at matamis na ngumiti sa asawa niya."You want to go with me?""Huwag na, rito na lang ako. Hihintayin na lang kita rito," sagot niya. Ang totoo nahihiya lang siyang humarap sa daddy ni Gavin. Tingin pa lang kasi nito kakabahan ka na kaya hindi niya maiwasang matakot. Pero si Gav naman mismo nagsabi na mabait ang daddy nito. Mukha lang strikto pero mapagmahal sa pamilya."Alright. Babalik ako agad, just stay here inside my office kung hindi ka pa komportable sa labas na makita ng ibang empleyado. Bukas makalawa, masasanay ka rin, Mrs. Ashford," sabi ni Gav at malapad na ngumiti. Ginawaran muna siya nito ng isang matamis na halik sa labi bago ito lumabas sa opisina. Hindi naman niya mapigilang kiligin sa tuwing tinatawag siya ni Gav ng Mrs. Ashford. Ilang minuto ba
最終更新日 : 2025-12-02 続きを読む