ELLA Kinabukasan ay maagang nagising si Ella para pigilan sa pagpasok sa shop ang tita Gianna niya. Maaga rin umalis si Gavin at sinabi nito na magkita na lang daw sila mamaya. "Happy birthday, tita!" masayang bati niya nang makita ang tita Gianna niya na lumabas ng kwarto. Bagong ligo it at maaliwalas ang mukha pero bakas pa rin ang lungkot sa mga mata. Mabilis niya itong nilapitan at hinalikan sa pisngi saka niyakap nang mahigpit. "Thank you, anak," pasasalamat nito sa kanya. "Tita, for you po," aniya at inaabot dito ang isang paper bag. "Ano ito anak?" tanong nito at tinanggap naman ang ibinigay niyang regalo. "Buksan nyo po tita," utos niya. "Wow! Ang ganda. Teka bagay ba sa akin 'to?" tanong nito at sinukat-sukat pa sa sarili ang dress na binili niya para rito. Ito ang ipapasuot niya rito saka sila pupunta sa salon para paayusan ito ng buhok at ipa-manicure, pedicure. "Yes of course. Bagay na bagay sa inyo mama," wika niya at tinakpan ang sariling bibig.
Last Updated : 2025-12-19 Read more