ELLA "What?!" biglang bulalas ni Ella. "Yes, Ella," sagot sa kanya ng boss niya habang may pilyong ngiti sa mga labi. "But, don't worry, Ella. Tutulungan ko pa rin na maipagamot ang kapatid mo, pumayag ka man sa alok ko o hindi. At huwag ka ring mag-alala dahil hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Gaya ng sabi ko sa'yo, handa akong maghintay," saad sa kanya ni Sir Gavin kaya nakahinga nang maluwag si Ella. Una, inaasar-asar lang siya nito pero ngayon paseryoso nang paseryoso ang lalaki sa kanya. Naglalakbay tuloy sa ibang mundo ang utak niya dahil sa mga narinig niya. Magtatakip-silim na nang umuwe sila ni Ella. Hinatid pa sila ng boss niya dahil nagpumilit ito, kaya naman hinayaan na lang niya. "Pasok po muna kayo sa loob Sir," aniya. "Salamat," anito at sumunod sa kanya. "Kayo lang ba na dalawa ng kapatid mo rito? Sino nag-aalaga sa kanya kapag nasa trabaho ka?" tanong nito matapos umupo sa sofa. "Tatlo kami, Sir, kasama ang tiyahin ko. Pero wala siya rito ngayon at
Last Updated : 2025-09-28 Read more