Amelia's Point Of View."Ano ka ba?" natatawang pagputol ko sa sasabihin niya. "Wala lang 'yon, hindi ba? Lasing lang ako, walang ibig sabihin 'yon, Chase."Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba 'ko pero napansin ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya.Sakit? Tsk. Impossible. Anlala ng hangover ko at kung ano anong bagay ang nakikita ko."A-Ah of course, yes. W-Wala lang 'yon. That's why kakausapin nga kita tungkol do'n," wika niya ilang segundo ang nakalipas. "Naisip ko lang na baka kasi makaramdam ka ng hiya dahil sa nangyari kaya ayaw mong lumabas at makita ako."Napailang ako bago tumawa. "Hindi, ayos lang ako. Hindi ako nahihiya, sadyang may hangover lang," paliwanag ko at malakas na bumuntong hininga. "Kalimutan na lang natin ang nangyari, pwede ba?""Kalimutan..."Tumango ako. "Pasensya ka na lang din sa nangyari, sana kasi pinigilan mo na lang ako... Gano'n talaga ako kapag nalalasing kaya maganda, sa susunod, huwag mo na lang ako sunduin pero nagpapasalamat naman ako sa
Last Updated : 2026-01-13 Read more