Amelia's Point Of View."Chase, anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong sa kaniya, ramdam ko pa rin ang kaba ng aking puso dahil ang akala ko ay kung sino na ang humawak sa akin.Naranasan ko na kasi iyon, madalas sa mga kaaway ni Dad sa kompanya at pati ako ay nadadamay."Did I scare you? I'm sorry," sagot ni Chase at bumuntong hininga.Napailang naman ako bago ngumiti. "Hindi ayos lang, nagulat lang ako," wika ko. "Nga pala, ngayon lang ulit kita nakita. Kamusta ka na?""Sorry, I was just busy these fast few days. Ang plano ko nga, pumunta sa inyo ngayon. Nandito ako para bumili ng pasalubong, at nakita kita."Napatingin naman ako sa hawak niyang paper bag, mga pagkain ang laman no'n. "Paniguradong matutuwa ang mga bata, tinatanong nga nila sa'kin kung nasaan ka.""I'm just busy with something. . . Hindi ko lang alam kung paano ko ipapaliwanag."Gusto ko sanang magtanong pero na realize ko na wala naman pala akong karapatan. "Ayos lang," sagot ko. "Hindi ko rin naman gustong mala
Huling Na-update : 2025-11-27 Magbasa pa