Kinabukasan, lahat kami ay nasa loob na ng silid-aralan. Habang nagtuturo si Sir Anderson, may namataan kaming babae na nakatayo sa pintuan at kasama ang Dean na si Mrs. Jean Diaz. Tinawag ni Dean ang pangalan ng prof namin. "Good morning, Sir Anderson," tawag ni Dean Diaz. "Good morning din po, Dean Diaz," pagbati din ni Sir. "May bagong transfer student kahapon at sa klase mo ko siya ipapalista. Total hindi naman madami ang estudyante mo," wika ni Dean Diaz. "Wala pong problema sa akin, Dean Diaz. Ito po ba siya?" tanong ni Sir. "Oo. Ikaw na ang bahala sa kanya. Inihatid ko lang siya dito dahil may meeting pa ang Faculty," habilin ni Dean Diaz. Nang makaalis na si Dean Diaz, kinausap ni Sir 'yong bago naming classmate. "Hi! Bago ka maupo sa likod ni Ms. Aria, magpakilala ka muna sa amin," wika ni Sir. "Hello sa inyong lahat, ak—" Biglang tigil ng babae at humarap kay Sir. "Sir, pasensya na. Paano po ba ako magpapakilala sa kanila dito sa unahan? Kailangan po ba mag
Read more