LOGINIsadora Ajaziah Falcon 20 year old. Ang nag iisang anak na bastarda at nawawalang tagapagpag mana ng Pamilyang Falcon. Siya ay biktima ng child trafficking noong sanggol pa lang. Lumaki si Isadora na mahirap lang at dahil sa kagustuhan niyang makapagtapos ng pag-aaral sa Manila. Hindi na sya nagdalawang isip, nang magkaroon sa lugar nila ng programa para sa libreng pag aaral sa kolehiyo hindi nya pinalampas ang pagkakataon na iyon. Ano kaya ang kapalaran na naghihintay kay Isadora sa pagluwas niya ng Manila? Siya ba mismo ang makakatuklas kung ano ba talaga ang tunay niyang estado sa buhay? O malalaman lang niya ang katotohan sa lalaking makikilala niya na si Eutanes Titini 25-year old. Kilalang badboy, womanizer at batang-bata na Business man ng bansa. At ano kaya ang magiging papel ni Eutanes sa buhay ni Isadora? Atin pong alamin ang estorya ng dalawang magkatambal sa When love Finds a Way Bastarda series-one ni J.C.E CLEOPATRA.
View MorePOV- Issa
"Yes! Whoa! Nakapasa ako sa exaaaam!" Tuwang-tuwa kong sigaw habang nagtatalon-talon ako, at winawagayway ko ang hawak kong papel. Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan na ako ng aking mga kaklase at ng aming guro. Basta ako ay masaya dahil ang pangarap kong makapag-aral sa Manila ay matutupad na. Gusto kong makatapos ng pag-aaral para makahanap ng magandang trabaho. Mahirap kasi dito sa probinsya kung wala kang sakahan na pagkukunan ng pang-araw-araw na pagkain. Mamamatay kang dilat ang mga mata. Mabuti na lang at mabait ang mayor namin dito sa probinsya dahil binigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makapag-aral sa Manila nang libre at wala kang gagastusin kahit singko. Bakasyon ngayon. Kaka-graduate ko lang ng high school noong nakaraang buwan sa edad kong dalawampu. Patigil-tigil kasi ako sa pag-aaral dahil kailangan kong magtrabaho para may maipambili ng gamit at uniform sa school. Si Mama naman ay hirap makakuha ng labada kaya tumutulong ako sa hanapbuhay para may makain kami araw-araw. Nang matanggap ako bilang saleslady sa mall sa kabilang bayan, nakapag-ipon ako ng pera. Nag-aalaga na lang ng kambing si Mama kaya kahit papaano ay may napagkukunan kami ng panggastos namin araw-araw. Umuwi ako nang may ngiti sa aking mga labi. Gusto kong sorpresahin si Mama. Hindi niya kasi alam ang ginawa ko. Sana matuwa siya sa ibabalita ko para sa kanya. "Mama, Mama! Nandito na po ako! Nandito na ang pinakamaganda mong anak sa balat ng lupa!" malakas kong sigaw. Maya-maya ay lumabas si Mama sa kanyang kwarto. "O, anak. Bakit ka naman sumisigaw? At bakit pawis na pawis ka? Sinong humabol sa 'yo? May nakakaaway ka ba?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Mama. "Ito naman si Mama. Isa-isang tanong lang. Wala pong humahabol sa akin." "O, bakit pawis na pawis ka at hinihingal ka?" "Ganito kasi 'yon, Ma. Nakapasa ako sa exam for scholarship. Makakapag-aral na po ako sa Manila. Matutupad na 'yong pangarap kong maging Architect," masaya kong sabi kay Mama. "Ah, ganun ba, nak? Congratulations! Masaya ako para sa 'yo dahil matutupad mo na ang pangarap mo." "Bakit? Parang malungkot ka naman, Mama? Hindi mo ba nagustuhan ang sorpresa ko para sa 'yo?" malungkot kong tanong kay Mama. "Naku, anak. Hindi! Ano ka ba naman. Iniisip ko lang na kapag nasa Manila ka na, sino ang mag-aasikaso sa 'yo doon? Dahil wala ako doon." "Hayst, si Mama. Malaki na po ako. Kaya ko na ang sarili ko. Hindi na ako 'yong baby mo noon na hinuhugasan pa ang pwetan kapag dumumi ako. Pwede na nga akong magbuntis," biro ko naman. "Aray ko naman, Ma! Bakit ka nangungurot sa singit? Hindi ka na mabiro? Pinapatawa lang kita." "Ikaw kasi, puro ka kalokohan. Kumain ka na ba? May niluto akong paborito mong ulam, tinolang manok." "Talaga, Ma? Sige, kain na tayo. Tamang-tama, gutom na rin po ako." "Kailan pala alis mo papuntang Manila, nak? Mag-iingat ka doon, ha," tanong sa akin ni Mama. "Ang sarap mo talagang magluto, Ma. Hmm... baka po sa makalawa lumuwas na ako ng Manila. Kayo rin po, mag-ingat dito. Hayaan mo po, Ma. Kapag nakapaghanap po ako doon ng pwedeng maging trabaho, susunduin po kita dito para magkasama pa rin tayo." "Paano naman itong bahay natin, nak? Kung iiwan natin ito? Sayang naman ito kung walang magbabantay. Bibisitahin na lang kita doon kapag may pera ako para kahit papaano hindi ka malungkot doon," ani ni Mama. Ilang sandali pa ay natapos na kaming kumain. "Sige na, nak. Magpahinga ka na o kaya mag-impake ka na ng dadalhin mo sa Manila bago ka lumuwas. Ako na ang bahalang maghugas ng pinagkainan natin dito." "Sige po, Mama. Salamat. Maiiwan na po muna kita dito." Pagkarating ko sa aking munting kwarto, kinuha ko sa ilalim ng aking katre ang luma kong maleta. Binili pa namin ito ni Mama sa ukay-ukay. Tamang-tama, magagamit ko na rin ito sa wakas. Kinuha ko lahat ng mga gamit ko at inilagay ko na sa maleta. ** Sumapit ang araw ng aking pagluwas ng Manila. Lahat ng importanteng dokumento na dadalhin ko ay inilagay ko na sa aking maleta. Sa katunayan, nandito na kami ni Mama sa bus station kung saan patungong Manila ang destinasyon. "Basta, anak, 'yong bilin sa 'yo ni Mama, ha! Mag-iingat ka doon. Huwag mong pabayaan ang sarili mo. Ingatan mo 'yang kalusugan mo doon. Tawag ka lang kay Mama kapag gusto mo nang umuwi. Susunduin kita doon, ha!" "Ito naman si Mama. Dapat ako ang nagsasabi niyan sa 'yo. Hindi ako 'yong sinasabihan mo ng ganyan. Saka malaki na ako. Basta pagbubutihin ko po ang pag-aaral ko para kapag nakapagtapos na po ako ng kursong gusto ko, ipapa-renovate ko po 'yong bahay natin. Tapos kukunin kita para magkasama na tayo. Kukuha na lang ako ng magbabantay sa bahay natin. Pero syempre, kailangan ko muna mag-apply ng trabaho para matupad 'yong pangarap kong bahay para sa atin. Hindi naman puwedeng diploma lang tapos magkakaroon agad tayo ng magandang bahay," biro ko kay Mama para kahit papaano hindi siya malungkot sa pag-alis ko. "Ikaw talagang bata ka! Kahit kailan, puro ka kalokohan." "Aalis na po ang bus, byaheng Mandaluyong! Sino pang pasahero ang nandito sa labas? Aalis na po tayo. Limang minuto na lang!" sigaw ng driver. "Sige na, Mama. Sakay na po ako," paalam ko kay Mama habang magkayakap kami. "Basta 'yong bilin ko sa 'yo, ha. Huwag mong kakalimutan. Umuwi ka agad kapag ayaw mo na doon." "Opo, Mama. I love you po. Ikaw rin po, mag-ingat doon sa bahay," paalam ko kay Mama at sumakay na ako ng bus. "Kaya ko ito. Kaya mo 'yan, Issa. Ikaw pa ba? Matibay ka, 'di ba? At matatag," kausap ko sa aking sarili. Maya-maya ay umusad na ang bus. Habang nasa byahe, nag-soundtrip ako sa luma kong cellphone para hindi ako mainip sa mahabang byahe ko. "The Journey" by LEA SALONGA* Half the world is sleeping. Half the world's awake. Half can hear their hearts beat. Half just hear them break I am but a traveler, in most every way. Ask me what you want to know What a journey it has been. And the end is not in sight. But the stars are out tonight. And they're bound to guide my way. When they're shining on my life. I can see a better day. I won't let the darkness in. What a journey it has been. I have been to sorrow. I have been to bliss. Where I'll be tomorrow. I can only guess.Through the darkest desert.Through the deepest snow. Forward always forward, I go. What a journey it has been. And the end is not in sight. But the stars are out tonight. And they're bound to guide my way. When they're shining on my life. I can see a better day. I won't let the darkness in. What a journey it has been. Forward, always forward. Onward, always up. Catching every drop of hope. In my empty cup. What a journey it has been. And the end is not in sight. But the stars are out tonight. Eksakto pagkatapos ng huling kanta na pinakinggan ko, eksakto din na huminto ang bus. Umunat ako ng kamay at paa. "Hayst, grabe ang ngalay sa puwitan sa tagal na upo sa byahe." Bumaba na ako ng bus. Pagbaba ko, naglakad-lakad ako. Magtatanong na lang ako kung saan ang address na binigay sa akin ni Aling Carol. Ang hirap pala ng ganito. 'Yong first time mong tumapak sa syudad. Nakakahilo ang mga gusali, ang tatayog. "Ay! Kabayong bundat!" tili ng babae. "Ay, sorry, Miss. Hindi ko sinasadya," paghingi ko ng paumanhin. Tutulungan ko na sana itong tumayo kaso tinapik niya ang kamay ko. "Sa susunod, Aling bundat, tumingin ka sa dinadaanan mo! Hindi 'yong kung saan-saan ka nakatingin. Daig mo pa 'yong ngayon lang nakatapak sa syudad," pagtataray sa akin ng babaeng mukhang bisugo. Hindi ko na lang pinatulan. Baka ngayong araw makapatay pa ako ng babaeng kinulang sa manners. "Ano'ng sabi mo? Pakiulit nga! Akala mo ba hindi ko nababasa 'yang nasa isip mo? Sinong mukhang bisugo at walang manners, ha? Eh ikaw itong tatanga-tanga kung saan-saan nakatingin. Probinsyana ka, 'no? Ang pangit kasi ng suot mo. Mukha kang... ay, hindi na lang. Parang inamin ko na rin sa sarili ko na wala akong manners," sabay ikot ng mga mata ng babae sa akin. Kay sarap dukutin lang ng mga mata niya at ipakain sa aso o kaya ay sa pusang gala-gala dito sa kalye. Kung makatirik ng mata, akala mo ikinaganda niya. At ano daw? Nababasa niya ang nasa isip ko? Ano, manghuhula lang? Kamag-anak yata ito ni Madam Auring. Kausap ko sa aking sarili at sabay tawa nang mahina. Pero hindi nakaligtas sa pandinig niya. "Hoy, probinsyana! Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin. Mukh—" Hindi natuloy pa ang sinasabi nitong mukhang bisugo na ito ng pareho kaming napalingon. "Sige na po, Kuyang Guard. Baka po hiring pa dito. Kahit janitress lang. Kailangan ko lang po talaga ng trabaho para may maipakain lang ako sa mga kapatid ko!" At mabilis akong tinalikuran ni bisugo at malalaki ang hakbang nito papunta sa babae na nagmamakaawa sa security guard.POV- ISSA. "Mahal halika dito!" Tawag ko sa akin ng asawa ko. Naandito kami ngayon sa El Nido Palawan. May Rancho kami dito ng aking pamilya. Nasa malayo ako habang pinagmamasdan ko ang aking mag-aama, Kay sarap sa pakiramdam na habang tinatanaw mo sila sa malayo na naglalaro sila at maririnig mo ang matinis na tawa ng aming mga anak. Apat na linggo na ang bilang ng aking pagbubuntis. Magiging ate at kuya na sila. "I-ina! I-ina!" Tawag sa akin Ava at Finn. Isang taon at isang buwan na sila. Kay sarap pakinggan kapag tinatawag nila akong Ina. Unang tawag nila kay Eutanes na Ama ay halos hindi ito tumigil kakaiyak. "Kumusta ang mga baby's ko? Pawis na pawis na kayo. Halina na kayo sa batis, Tapos na si Kuya Amarro at Kuya Eliezer ihanda ang picnic naten."Pag aya ko sa kanila ng makalapit ako. "Up.. up." turan ng aking anak na si Finn na ang ibig sabihin ay kargahin ko s'ya. "Ang baby Finn, nagpapakarga. Halika nga dito." "Mahal ako na ang bahala sa mga anak natin. Kinaka
POV- EUTANES Napalikwas ako ng bangon, Akala ko kung sinong babae ang nasa paanan ko ngayon, ang asawa ko lang pala. "Mahal, Anong ginagawa mo? Tanong ko ng makita ko s'yang hinahalikan ang aking hita. "Nagki crave ako mahal ko, gusto kitang kainin ngayon." Saad ni Ajaizah. Apat na buwan ang lumipas matapos ang kasal namin ng aking asawa. Ngayon ay 1st birthday ng aming kambal na anak. Ang gusto ko sana sa Disney Land kami magdaos ng kaarawan ng mga anak ko, Hindi naman pumayag ang asawa ko. "Ohhh.. Mahal, nakikiliti ako, ahhhh.....taas kapa ng kaunti mahal ko.... Ayan...... Ganyan nga.... Uhmmp.... Ohhhh para akong lumulutang sa ulap dahil sa sarap na ginawa ng asawa ko ngayong alas 4 ng madaling araw. "Fuck! ohhh,, sege pa mahal, dilaan mo itlog ko hanggang ulo. Shit! ang sarap, mahal h'wag mong kagatin. Ouch!! Mahal..... Ouch!!! .... Mahaaaaaal h'wag mong kagatin, masakit. Aswang kaba?... Pinanggigilan mo titi ko!.. Umatungal ng iyak si Ajaizah... "Whoaahhhh!!!!!
POV- ISSA. Pagkatapos pigilan ni Eutanes si Croycito na gustong sumunod kina Rage at Rasselle ay sumunod agad ang aking asawa sa dalawa. Ang mga bisita na naandito ay nagulat sa inasta ng kaibigan ng aking asawa. Mabuti na lang itong MC. ay palabiro. "Mukhang hindi na kinaya pa ng isa ang kanyang selos. Sana all may magkamali din sa akin na isang fafa kapag nakita n'ya akong lumuluhod sa harapan ng isang lalaki. Pero dapat naman ay kasing gwapo din ni sir diba. Bakla na nga ako tapos Chaka pa yong lalaki ay di bale na lang." Pagbibiro ng MC. Ang mga tao naman ay nagtawanan napalitan ang tensyon kanina. Nakita ko na bumalik ang aking asawa kasama ang kaibigan n'yang wala daw kuno na pagtingin sa kaibigan ko. Iyong nahahalata mona ang mga ikinikilos nila, pero todo mga tanggi pa. Parang ako lang dati kay Eutanes iyong mahal ko naman pero todo tanggi pa ako. Natatawa na lamang ako, May nakita ako sa kabilang sulok na lalaki na nakangiting nakatingin sa akin. "Anthony!" Bigkas ko
Lahat kami ay nasa venue at kumakain na. Dahil ang lahat ay nakakaramdam na ng gutom. Masayang-masaya ako na nakita ko na buhay ang magkapatid. Tumayo ang aking asawa pagkatapos naming kumain. At pumailanlang ang kantang Don Romantiko. Yay yay ya ya 'Pag ang puso ko ay nagmahal Garantisado na magtatagal Pero kung ito'y masasakal Hindi mo 'to matitikman Hindi mo 'to matitikman mahal Kahit na mayaman ka't sosyal Kung 'di ka rin marunong magmahal Hindi mo 'to matitikman Kung katawan ko lang ang habol n'yo Na kung gumiling pa'y lumiliko Masusunod pa rin ang puso ko Ang puso na Don Romantiko (uh uh Hinubad ng aking asawa ang kanyang suot na polo habang unti unting ginagalaw ang kanyang baywang papalapit sa akin. Ako naman ay tawang tawa. Ang mga kaibigang lahat ni Eutanes ay pumunta sa gitna at sinabayan s'yang sumayaw. Pati ang aking ama at si daddy. Natapos ang kanta ay may sumunod naman ang Cha Cha ni Bong Navarro ulit. Natapos ang kanta at naupo na si
POV- EUTANES."Bossing, Anong kailangan mo sa akin?" Tanong sa akin ni Eliezer na may pagtataka na hindi sa akin makatingin dahil sa itsura ko."Pahiramin mo mona ako ng maisusuot, pupunta lang kami ni yaya sa talipapa." Wika ko. Napamulagat naman s'ya ng mata sa akin."Ano bossing?" Tanong n'ya sa aki
POV- ISSA "Good morning kuya Amarro, kuya Ezer. Good morning sainyong lahat." Bati ko sa kanila na nakadipa ang aking mga kamay dito sa terasa ng aming kwarto ng mahal kung si Eutanes.Sa limang buwan naming kasal ng mahal ko, naging maayos ang aming pagsasama sa loob ng dalawang buwan.......Bakasyon
POV- EUTANES.“Isadora Ajaziahhh! Malakas na tawag ko sa aking asawa. “Inuubos mo talaga ang pasensya kong babae ka. Isang isa na lang may kalalagyan kana sa akin,” muli kong sigaw at si Ajaziah naman ay nagtatakang nakatingin sa akin.Nagmamadali naman umahon sa dagat ang tatlo na kaibigan ni Ajaizah
POV- Eutanes."Kriiiinggggg... kriiiinggggg..Boom panis, boom boom pepe mong amoy panis. Boom panis, boom boom pepe mong amoy panis boom. Tunog ng aking alarm clock.Iminulat ko ang aking mata para patayin ang alarm clock."Oh gising na pala ang unico hijo kong magaling. Magseryuso ka naman sa buha






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore