MAGAANG ITINANGO NA ni Giovanni ang kanyang ulo at rumihistro na sa kanyang mukha ang labis na saya na hindi nakaligtas sa mga mata ni Gracie. Sanay naman na siyang e-endure ang lahat ng iyon, pero iba sa araw na ito. Inis siya. “Ah, oo…kailangan naming pag-usapan ang plano tungkol sa magiging kasal at hindi namin iyon magagawa kung magkahiwalay kami.” “So, siya na ang nag-adjust Mr. Bianchi?” “Hmm, parang ganun na nga…” “Kaya pala masayang-masaya ang aura mo…”Sinundan ng mga mata ni Gracie ang ginawang pagbukas ni Giovanni ng drawer sa gilid ng kanyang mesa. “Siya nga pala, mabuti at pumunta ka ngayon sa office ko. Ililipat muna kita pansamantala ng branch natin sa Pangasinan. Free lodging na rin at hindi mo kailangang ma-mroblema sa sasakyan dahil ako na rin ang bahala roon.”Hindi inaasahan iyon ni Gracie kung kaya naman normal ang naging reaction niya na biglang nagulat sa desisyon. “Mr. Bianchi, bakit? May nagawa ba akong mali? Wala man lang notice? Mas gusto ko ang work e
Last Updated : 2025-05-09 Read more