Share

Chapter 65.4

last update Last Updated: 2025-05-09 21:47:12

LUMAKAS ANG TAWA ni Briel na dahilan upang lingunin siya ng ibang mga maid na naroon. Hindi naka-loudspeaker iyon kaya imposible na marinig nila kung ano ang sinabi ni Giovanni, kaya pakiramdam niya ay safe na safe pa rin siya. Humakbang na siya paalis ng kusina upang patulan ang kausap sa kabilang linya. Kasalukuyang kalaro ni Victoria noon ang anak nila na kung anu-ano na naman ang pinapakain sa bata.

“Anong pinagsasabi mong pagod ako kagabi? Hindi ah. Kulang na kulang pa nga.”

Nakalas na ni Giovanni ang butones ng kanyang suot na polo sa bandang itaas.

“Iniisip ko pa namang ayain kang lumabas para sa labas na tayo kakain ng dinner ngayon, mag-shopping at manood ng movie pero dahil sabi mo ay pagod ka na, sa ibang araw na lang natin siguro gawin dahil mas papagurin pa kita mamaya.”

Halos lumundag ang puso ni Briel sa excitement nang marinig niya ang sinabi ni Giovanni.

“Hindi ako pagod, Governor Bianchi. Nagjo-joke lang ako sa’yo…” bawi niya na ikinatawa ng malakas ni Giovanni.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (20)
goodnovel comment avatar
Lyka Meneses
bkt Wala pa
goodnovel comment avatar
Cäth Ër Inë
gud evning ms.A bakit wala pang update?
goodnovel comment avatar
Kristine luv Villanueva
mabuti nman ms A kc para d mabuo ang inis ko Kay gov sosss hanapin ko tlaga pamilya pasmado para ipaharap Kay gov hehehhe
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 103.4

    MABILIS NA NALAGAS ang bawat araw ng Linggo, ang bawat Linggo ng buwan at ang bawat buwan ng mga taon. Parang natuyong dahon ng puno na hindi namamalayan na unti-unting naninilaw sa paulit-ulit na halik ng matingkad na sinag ng araw at buhos ng malakas na ulan. Hindi namalayan ng mag-asawa ang mabilis na paglaki ng mga anak nila lalo na ni Brian na malapit ng makatapos ng Senior High. Napagtanto lang iyon ni Briel nang magbakasyon, huling bakasyon ni Brian bilang mag-aaral ng middle school dahil sa susunod na pasukan ay college na.“Big boy na big boy na talaga ang panganay ko,” malambing niyang yakap sa anak na sa edad na 16 ay nasa 5’11 na ang height. Mana ito sa kanyang kapatid na si Gavin. Matangkad rin naman si Giovanni kaya magtataka pa ba si Briel? “Anak, hinay-hinay naman sa paglaki at pagtangkad, aba…baka mamaya niyan mamamalayan na lang namin ng Daddy mo may apo na kami sa’yo…”Pigil ang ngising nilingon siya ni Brian. Ayon na naman kasi ang drama ng kanyang ina. Hindi ito n

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 103.3

    HINDI NA NATAPOS pa iyon ni Briel dahil binuhat na siya agad ni Giovanni na nagawa ng tumayo sa ibabaw ng kanilang kama. Mahigpit namang yumakap sa kanya si Briel habang umiirit sa kilig. Makahulugang nagkatinginan sina Brian at Gia na tumakbo na palapit sa banda ng mga magulang. Umakyat ng kama, nakitalon na rin kahit hindi nila alam kung ano ang sini-celebrate.“Magkakaroon na kayo ng kapatid, Brian, Gia!” pagbabalita ni Giovanni na maluha-luha habang buhat pa rin ang katawan ng asawa, hindi alintana kung gaano ito kalaki dahil medyo tumaba na. Patakbong yumakap na ang dalawang bata kay Briel matapos i-proseso ang kanilang nalaman. Nakipag-agawan sila ng yakap dito kay Giovanni na sa bandang huli ay nagparaya na ang lalaki.“Oh no, totoo Mommy?!” si Gia na gaya ng ama na hindi rin makapaniwala sa nangyayari. Tumango si Briel. Bakas na bakas sa namumulang mukha ang nawalang excited kanina.“Yes!” “Yehey! I want a baby brother Mommy, baby brother, please?!” Pagak na natawa si Bria

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 103.2

    TILA NAGDILANG-ANGHEL sina Giavanna at Gabriano nang humiling na magkaroon sila ng bagong kapatid. Isang Linggo bago matapos ang bakasyon at bumaba si Brian para sa panibagong simula ng pasukan, naabutan nila si Briel sa kusina na may estrangherong prutas na mabaho na kinakain. Napatakip na ng ilong si Giovanni na halos maduwal na sa amoy noon. Samantalang si Briel naman ay ligayang-ligaya pa sa kanyang kinakain. Kumakanta-kanta pa ito habang kumikinang ang mga mata. Hindi alintana ang malakas na amoy ng prutas sa harapan. Hindi lang silang mag-aama ang may reklamo doon. Ang mga maid ay bahong-baho sa amoy na sumasakop sa buong kusina nila ngunit syempre, wala silang boses upang magreklamo sa amo.“Ano iyan, Briel?” tanong ni Giovanni na halata ang pagpipigil sa kanyang paghinga. Hindi niya namalayan na ng araw na iyon ay maagang nagtungo ng market si Briel upang bumili lang noon. Paggising niya kasi ay bigla na lang siyang nag-crave. Hindi na niya binulabog pa ang asawa at siya na a

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 103.1

    DALAWANG TAONG ANG matuling lumipas. Napilitan si Briel na mag-resign sa kanyang trabaho kahit pa ayaw siyang payagan ng kanyang amo at inoffer’ran na e-pro-promote sa mas mataas na posisyon sa kumpanya. Magalang niya pa rin iyong tinanggihan at sinabi ang tunay niyang dahilan kung kaya kailangan niya ng tumigil sa pagtra-trabaho. Aakyat na sila ng Baguio at doon na titira for good. Napag-usapan na nila ng asawa. Naintindihan naman iyon ng kanyang amo at hiniling na sana ay maging maligaya na siya. “Of course, kaligayahan ko ang pamilya ko kung kaya naman alam kong magiging masaya ako doon.”“That's great, Mrs. Bianchi...”Nagkataon na bakasyon ang moving month nila paakyat ng Baguio kung kaya naman kasama nila si Brian. Nang matapos ang unang buwan ng bakasyon ay sinimulan ng makiusap ni Brian sa ama na mananatili siya ng Maynila na mag-aaral dahil gusto niyang dito makatapos ng middle school. Walang pag-aatubili na mariing tinutulan iyon ni Giovanni. Ni hindi niya sinabing pag-iisi

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 102.4

    SINAMAAN NA SIYA ni Bethany ng tingin, pinapabatid na manahimik at huwag niyang agawin ang spotlight sa ikinakasal. Panay na kasi ang singhot ni Briel noon na hindi na maintindihan ang sinasabi niyang vow. Malamang, sa kanilang mga napagdaanan ni Giovanni hindi ba siya maiiyak? Ang daming obstacles nila at struggles lalo pa at pamali-maling desisyon ang dating Governor. Worth it naman talagang iyakan dahil hanggang ngayon, sila pa rin ang naging end game. Hindi iyon maintindihan ni Gavin ngayon dahil syempre, okay na okay din sila ni Bethany.“Sorry na po, tatahimik na.” zipper pa ni Gavin sa kanyang bibig na nilingon na ang tatlong anak na masama na rin ang tingin sa kanya, para siyang batang nahuli na may ginagawang masama.Naging masaya ang lahat sa reception. Puno ng kasiyahan ang villa ng araw na iyon hanggang sa gabi. Ang iba sa mga relatives ng dalawang pamilya ay nagpaalam na, at maging ang mga kilalang bisita. Ang iba naman ay nanatili pa hanggang sa lumubog ang araw at sumap

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 102.3

    BAGO ANG KASAL mangyari ay nagkaroon ang buong pamilya ng dinner sa mansion ng mga Dankworth. Naroon din ang pamilya ni Gavin kung kaya naman buhay na buhay na naman ang mansion sa irit at sigawan ng kanilang mga anak. Nabanggit ni Giovanni habang kumakain sila na ilang taon pa ay nakatakda na silang mag-settle sa Baguio. Syempre, isasama niya ang kanyang buong pamilya at doon na sila maninirahan for good. Minsan na lang luluwas ng Maynila kung kinakailangan. Hindi pa rin naman nila ibibinta ang villa, gagawin nilang property iyon na paglaki ng kanilang mga anak ay pwedeng maipamana. Wala namang tumutol sa kanila dahil inaasahan na iyon ng mga Dankworth at maging si Briel ay alam na rin naman iyon. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Brian ang naging usapan nila na panay na ang tingin sa ina na parang may nais siyang sabihin dito. Ganun pa man, nanatiling nakatikom ang bibig niya buong dinner.“Brian, may gusto ka bang sabihin sa amin ng Daddy?” pag-uwi nila ng villa ng gabing iyon ay hin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status