Lumi POVAng bilis ng araw. Parang kailan lang, nasa Boracay kami ni Sorin, naglalakad sa Station 1 hanggang Station 3, kumakain ng kung anu-anong street food, at nanonood ng sunset habang pinaparamdam sa akin na parang bakasyon lang ang buong mundo. Parang kahapon lang din ‘yung nangyaring nakakalokang gabi sa aming dalawa. Grabe talaga ‘yun, hindi ko pa rin makalimutan hanggang ngayon.Pero ngayon, aba, heto na, nakatayo na ako ulit sa gitna ng bagong-renovate naming main branch ng Sorin Spa, habang hawak ang clipboard na halos lahat ng tao sa paligid ko ay abalang-abala.“Careful sa table, Menda. Huwag mong ipatong diyan.”“Yes, Ma’am Lumi.”Napalingon ako sa secretary ko na nitong mga nakaraang linggo ay parang naging personal assistant ko na rin. Halos sabay na kaming kumakain, sabay umuuwi, sabay nag-iinspeksyon. Pero, okay lang kasi tinaasan ko na rin naman ang sahod niya, deserve niya iyon.“Menda?”“Yes po, Ma’am?”“Nasa pantry na ba ‘yung mga pagkain?”“Yes, Ma’am. Dumating
Leer más