Lumi POVNoong kasagsagan ng bagyo, kanya-kanya muna kaming asikaso sa pamilya at bahay. Hindi namin alam kung kailan ulit kami makakapagbukas. May takot din akong baka mawalan kami ng mga customer o masira nang tuluyan ang spa.Pero ngayong magkakasama kami ulit habang nagtatawanan kahit amoy putik at pawis na lahat, pakiramdam ko unti-unti na kaming bumabangon.Sabi ko nga kay Sorin kaninang umaga pagkagising ko sa tabi niya, natatakot ako sa magiging itsura ng spa kapag nakita ko ito ngayon. Sinabi kong baka sira ang lahat. Ang sagot lang niya ay ipagawa ulit, ganoon kasimple. Hindi manlang siya na-stress.Sabagay, marami kasing pera, kaya ayos lang. Kumbaga, hindi uso sa kaniya ang stress basta may pera. Kumbaga ulit, basta problema, pera ang pagaganahin para solusyunan ang lahat.Bandang alas-onse, halos tapos na kami. Ang lobby, mabango na ulit. Ang sahig, makintab na. Ang salamin sa harap, malinaw na malinaw na. Pati ang reception area, maayos na rin.“Ma’am Lumi!” tawag ni Nik
더 보기