Lumi POVAlas tres na ng hapon. Maayos nang nagpapatuloy ang trabaho ng mga contractor. Ang reception area ay nagsisimula nang mabaklas nang paunti-unti, habang ang mga engineer ay abala pa rin sa kani-kanilang inspeksiyon.Mukhang maayos naman ang takbo ng lahat kaya wala pa akong sakit ng ulo na nararanasan. Siyempre, first day palang, kaya parang wala pa talaga.Lumapit si Menda sa akin habang hawak ang tablet niya. “Alam mo, Miss Lumi, as of now, puwede kang maggagala muna. Wala pa namang masyadong aasikasuhin ang gaya mong may-ari nitong spa, enjoy your free time muna,” udyok niya sa akin.Tumango ako. “Sabagay, tama ka.”Isang bagay na lang ang gusto kong gawin bago matapos ang araw at alam ko na ang dapat kong gawin.“Menda,” tawag ko sa secretary ko.“Yes po, Ma’am?”“Punta tayo sa Makati branch, gusto mo ba?”Nakita kong nagulat siya. Pero halatang gusto niya ang naisip ko. “Ngayon po ba?”“Oo. Gusto ko lang makita kung kumusta ba sila roon.”Napangiti siya. “Sige po, Ma’am.”
Ler mais