Chapter 19 TIN-TIN'S POV Hindi mapalagay si Tintin. Hindi niya alam kung ano ang susundin niya. Ang sinasabi ba ng puso niya na dapat ay sumama siya sa boss niya dahil magandang offer iyon o ang isip niya na umaayaw. Umaayaw sa hindi masabing dahilan. Pakiramdam niya kasi ikakasama lamang niya ang pagtungo roon na hindi niya naman malamang kadahilanan, at kung bakit may bumabagabag sa kalooban niya. Kanina pa siya, upo at tayo sa salas nila. Hindi mapalagay. Lihim ding pinaglalaruan ang mga daliri, tila kinakabahan siya sa kaniyang magiging pasya. Alam niya kasing sa magiging desisyon niya ay maraming maaapektuhan. Paano na si Manang? Sino ang tutulong ditong mag-habi ng mga basket? Si Sael? Ang lugar na ito, at paano na rin ang pag-aaral ng anak niya? Dito na nasanay si Clemen at alam din niyang mahirap mag adjust sa maynila, dahil ayon sa mga naririnig niya ang lugar na iyon ay maraming malulupit. Hindi kagaya rito sa bayan nila ay kahit hindi man kilala ay tutulungan ka sa a
Last Updated : 2026-01-01 Read more