Hawak-hawak ni Gavin ang isang bangkang keychain habang titig na titig siya rito. Naiwan ito ng babaeng nakaniig niya limang taon na ang nakalilipas. Hindi niya nakita ang mukha nito dulot ng kawalan ng liwanag sa hotel room at labis na pagkalasing noong gabing iyon. Agad niya itong ipinahanap sa kaniyang mga tauhan ngunit nabigo ang mga ito dahil hindi nila alam ang tunay na pagkakakilanlan ng babae. Maging ang CCTV footage sa hotel noong araw na iyon ay hindi niya napakinabangan dahil biglang nagkaroon ng power outage at problema sa generator system ng hotel.
“Sir Gavin, may schedule po ulit kayo ngayong 7 P.M. sa Casa Balario. Huwag na huwag daw po kayong hindi sisipot sabi ng inyong lolo,” ani Brandon. “Nakakailang blind dates na ba ako? Hindi pa ba nananawa si lolo? Kasi ako, sawang-sawa na ako sa mga pakulo niya.” Pinaikot ni Gavin ang keychain sa gitnang daliri niya. Kumunot ang kaniyang noo nang may napansin siyang nakaukit na pangalan sa loob ng bangka. “Avva Mendez,” bulong niya. Bigla siyang napatayo. “Brandon, gather our people. Locate this woman as soon as possible. A-attend ako sa blind date mamayang gabi para hindi ka mapagbalingan ng galit ni lolo pero siguraduhin mong mahahanap mo ang babaeng ito bago sumapit ang araw ng bukas. Am I clear?” “Avva Mendez? Siya po ba ‘yong babaeng nakaku—” “I don't know but her name was engraved inside this little keychain,” Gavin replied. Gumanda bigla ang kaniyang mood. Nilingos niya si Brandon. “Anong pang tinitingin-tingin mo riyan? Hanapin niyo na ang babaeng ‘yon!” Ibinigay niya ang keychain kay Brandon para ipakita ito sa babae oras na matagpuan nila ito. Kinuha ni Brandon ang keychain at yumuko. “Masusunod po, Sir Gavin.” Mabilis siyang lumabas ng opisina. Kailangan niya munang malaman kung ano ang hitsura ng babaeng ipinapahanap sa kaniya ng kaniyang amo bago sila mag-umpisang maglibot sa buong Monte Frusco. “Finally, after five fúcking years. Matutuldukan na rin ang lahat ng mga katanungang naglalaro sa aking isip. Miss Avva Mendez, how dare you leave Gavin Thompson after you stained my reputation?” Ikinuyom ni Gavin ang kaniyang kaliwang kamao. Five years ago, naging matunog sa media, magazines at tabloids ang mga Thompson dahil sa séx scandal na kinasangkutan ni Gavin. May isang paparazzi ang nakakuha ng kaniyang litrato kasama ang isang nakatalikod na babae. Nasundan sila nito hanggang sa makapasok sa loob ng hotel. Kinabukasan ay ipinabugbog siya ng kaniyang lolo dahil sa kahihiyang dinala niya sa kanilang angkan. Isang taon siyang nawalan ng suporta mula sa mga Thompson. Ang lahat ng kaniyang bank accounts, credit cards at maging mga membership sa iba’t-ibang clubs at organizations ay sinuspende ng kaniyang lolo. Pagkatapos noon ay apat na taon siyang namalagi sa Russia para pamahalaan ang kanilang ilang negosyo roon. Parusa pa rin ito sa kaniya dahil hindi niya mahanap ang babaeng kasama niya sa litrato. Simula nang magbalik siya ng bansa ay wala nang ginawa ang kaniyang lolo kung hindi ang ipares siya sa iba't-ibang babae na siyang nagpapakulo nang husto ng dugo niya. Sa lahat ng mga nakaharap at nakasama niyang blind dates ay wala siya ni isang natipuhan. Hindi pa rin kasi maalis sa isip niya ang babaeng nakaniig niya noong gabing iyon. Napakaraming tanong sa kaniyang isip na sa palagay niya ay malapit nang masagot oras na matagpuan ito nina Brandon. Napatingin si Gavin sa kaniyang Patek Philippe wristwatch. Mag-aalas sais y medya na nang gabi. Kailangan na niyang pumunta ng Casa Balario para sa kaniyang blind date. Agad niyang dinampot ang kaniyang cell phone sa ibabaw ng mesa nang tumunog iyon. Isang mensahe mula kay Brandon ang dumating. {“Sir Gavin, alam na po namin kung saan matatagpuan si Miss Avva Mendez. Pupuntahan na po ba namin siya o hihintayin po namin kayong matapos muna sa inyong blind date?”} “Napakabilis naman talagang kumilos ni Brandon. Mukhang mabibigyan ko siya ng salary increase at bonus ngayong gabi,” wika ni Gavin bago siya nagtipa ng reply niya sa kaniyang cell phone. Umalis na rin siya ng opisina para pumunta sa Casa Balario. “Cheers to my LAST blind date!” he exclaimed. ~~~ “Avva, ikaw na muna ang bahala sa mga bata ha. May raket lang ako ngayong gabi. Tumawag kasi si Manager Anne. May VVIP client daw sila tonight eh kaso wala raw available na female waitress. Sayang din ang kikitain kasi galante rin daw magbigay ng tip ‘yong client nilang ‘yon. Patulugin mo na lang sina Matthan at Hope kapag alas siyete na ng gabi. May pagkain na rin diyan sa ref. Dito na lang din kayo kumain nina Hivo at Bia.” Dalas-dalas na nagbihis at nagsuklay si Maya. Naglagay na rin siya ng kaunting lipstick sa kaniyang labi. “Wala ka bang delivery schedule tonight, Maya? Baka masuspende ka na naman ni Mang Julius kapag may nakaligtaan ka.” Inaayos ni Avva ang buhok ni Bia habang tinutulungan niyang magbihis si Hivo. “Mga anak, pumasok na muna kayo sa kuwarto. Makipaglaro na muna kayo kina Matthan at Hope. Tatawagin ko na lang kayo kapag handa na ang pagkain,” aniya sa kaniyang mga anak. Mabilis naman siyang sinunod ng mga ito. “Wala akong delivery schedule ngayon, Avva. Pasensya ka na ha. Biglaan na naman kitang pinapunta rito sa bahay. Medyo makalat pa rin dito kasi wala pa akong gaanong oras para maglinis. Alam mo na, busy tayong mga single mom sa pagkayod para may pantustos sa araw-araw na gastusin. Lalo pa ngayon, malapit nang pumasok sa kindergarten sina Matthan at Hope.” Kinuha ni Maya ang kaniyang bag. Nagtunugan ang sangkaterbang keychains na nakasabit doon. Mahilig silang mangolekta ni Avva ng mga keychains kapag pumupunta sila sa ibang lugar. Nilalagyan nila iyon ng kanilang maliliit na pangalan at nagpapalit sila bilang remembrance sa isa't-isa. “Ano ka ba! Malapit lang naman ang bahay ko rito. Isa pa, wala naman din kaming kasama sa bahay. Mas masaya nga sina Hivo at Bia kapag naririto kami eh. Tuwang-tuwa silang makipaglaro kina Matthan at Hope.” Bumuntong hininga si Avva. “Hay! Kailan kaya tayo yayaman? Nakakasawa nang magtrabaho araw-araw. Nakakapagod at nakakalosyang nang bongga!” Tumawa nang mahina si Maya. “Tigilan mo na kasi ang pagtaya sa lotto at sa juetEng. Ipunin mo na lang. Baka sakaling yumaman ka pa. Mas malaki nga ang kinikita mo araw-araw kaysa sa akin eh. Money management is the key, Avva. Alalahanin mong hindi na tayo tulad ng dati. Hindi na tayo basta-basta makakapagtapon ng pera.” Napatingin siya sa may wallclock. “Naku, six forty-five na! Baka mahuli ako sa raket ko. Maiwan ko na kayo ha!” Bago tuluyang lumabas ng kaniyang bahay ay nagbeso at yumakap muna si Maya sa kaniyang matalik na kaibigan. “Maraming maraming salamat talaga, Avva! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka! Hulog ka talaga ng langit sa aming mag-iina! Paano? Ikaw na ang bahala sa mga bata ha!” Pagbaba ni Maya sa may ground floor ay may nakasalubong siyang mga lalaki. Nakasuot ang mga ito ng itim na suit at pantalon. Dahil naging mayaman din naman siya noon, alam niyang mga bodyguards ang mga ito ng isang mayamang tao. Sinundan niya ng tingin ang mga ito. Mukhang patungo ang mga ito sa itaas. “We need to find her tonight. Kailangan niyong maging mapagmatyag. Alam niyo na kung sino ang target natin. Alam niyo na rin kung ano ang hitsura niya. Kapag nakita niyo siya, agad kayong magbigay-galang. Tawagan niyo ako agad, maliwanag?” utos ni Brandon. “Masusunod po, Sir B!” tugon ng mga kasamahan ni Brandon bago tuluyang umakyat papunta sa taas ng lumang gusali. Nagkibit-balikat si Maya. Aalis na sana siya nang bigla siyang tawagin ni Brandon. “Miss, sandali!”Pinarada ni Garret ang kaniyang sasakyan sa parking area. Nakatulala lang siya at tila wala pang balak na bumaba sa sasakyan. Hindi mawaglit sa isipan niya ang nangyari kanina. Kamuntikan na niyang maangkin si Maya. Kung hindi lang dumating ang doktor kanina ay baka may nangyari na sa kanila. Mas lalo tuloy siyang nanabik ma maangkin ito. Hanggang ngayon ay amoy na amoy niya pa rin ang natural na bango nito. Nagdikit kasi ang kanilang mga katawan kaya may naiwan pang amoy nito sa kaniya. Inilapit niya ang kamay niya sa kaniyang ilong. Napapikit siya. ‘Binabaliw mo ako, Maya. Sa susunod ay hinding-hindi na kita papakawalan. At sisiguraduhin kong madarama mo ang buong pagmamahal ko sa iyo sa bawat haplos at halik ko,’ sambit ni Garret sa kaniyang isipan. Nang kalmado na si Garret ay saka pa lamang siya nagpasya na bumaba sa kaniyang sasakyan. Pumasok siya sa bahay nila. Sumalubong sa kaniya ang salas na walang katao-tao pero naririnig niya ang halakhak nina Nijiro at Betina. Nagtungo
Hindi makatulog si Avva. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Garret sa hospital. Namula ang kaniyang mga pisngi. Kinuha niya ang unang at itinakip iyon sa mukha at saka nagsisigaw. Matapos mailabas ang nararamdaman ay kumalma siya at umupo nang maayos sa kama. “Fúck! Bakit ganito ang nangyayari sa akin? Dapat ko nang kalimutan kung anuman ang nangyari sa amin ni Garret kanina pero bakit paulit-ulit iyong sumasagi sa isip ko? Hindi p'wede ito. Kapag hinayaan kong magpatuloy ito, masisira ang lahat ng aming mga plano." Muling sumigaw si Avva habang nakatakip sa mukha niya ang unan. “Muntik nang may mangyari sa amin kanina. Hindi ko dapat paabutin sa puntong gano'n. Baka magkaroon pa ako ng koneksyon kay Garret maliban sa anak namin. Hindi p'wede. Kailangan ko siyang paikutin at paibigin pero hindi na dapat aabot sa séx." Binitiwan ni Avva ang unan at saka muling nahiga. Napatitig siya sa kisame habang patuloy na sumasagi sa kaniya ang tagpo sa hospital b
Ilang oras lang ay nakarating na si Avva sa bahay ni Gavin. Bumungad sa kaniya si Gavin na nakaupo sa salas, habang nagkakape. Mukhang hinihintay yata nito ang pagdating niya. Imbes na dumiretso siya sa silid niya upang makaligo at makapagbihis ay naupo muna siya kaharap ni Gavin. “May problema ba, Gavin? Kung patungkol ito kay Garret, I handled him very well. For now, wala pa naman tayong problema sa kaniya. Iwasan na lang muna natin na bigyan siya ng dahilan para magduda siya.”“This isn’t about Garret. My grandparents are coming home, Avva. Nagkaroon ng aberya sa kompanya kaya uuwi na sila,” paliwanag ni Gavin. “Kasama ba sina Maya at ang mga bata?” tanong ni Avva.“Hindi. We can’t risk everything. Baka mabuko lang tayo kapag umuwi si Maya rito. Doon muna sila habang isinasagawa pa natin ang mga plano natin. But as I was saying, uuwi sina lolo at lola. Kaya makakasama rin natin sila rito dahil ayoko namang mag-isa sila sa napakaling villa nila. At kung maaari, iwasan mo muna si l
“Mrs. Thompson, based on the results, ay negative naman halos lahat maliban lang sa iyong hemoglobin level. Masyadong mababa ang iyong hemoglobin level. Ibig sabihin, mayroon kang anemia,” paliwanag ng doktor. Mataman naman na nakikinig si Garret sa lahat ng sinasabi ng doktor, lalo pa’t patungkol ito kay Maya. Kailangan niyang makasigurado na ayos lang ito. At walang ibang sakit. “Life threatening po ba ang anemia?” paniniguro ni Garret. “Depende sa sanhi, pero madalas, dahil lang ito sa kakulangan sa iron o bitamina. Bibigyan kita ng iron supplements at iminumungkahi kong kumain ka ng pagkaing mayaman sa iron—tulad ng atay, berdeng gulay, at beans.”“Iyan lang ba ang rason kung bakit nahimatay si Maya?” seryosong tanong ni Garret, nainigurado. “Actually, mataas ang stress level ni Mrs. Thompson. Isa rin iyon sa rason kung bakit siya nahimatay. Stress at over faitigue. Kailangang umiwas si Mrs. Thompson sa mga bagay na nakakapagstress sa kaniya. Mukhang hindi seryoso pakinggan an
Nagmulat ng mata si Avva. Bumungad sa kaniya ang puting kisame. Nakatulog pala siya matapos turukan ng IV fluid. Iginiya niya ang mata niya at nakita niya si Garret. Nang magtama ang mata nila ay agad na tumayo si Garret at nilapitan siya. “How are you feeling, Maya?” nag-aalalang tanong ni Garret. “A-Ayos lang ako,” namamaos na sagot ni Avva at saka nginitian si Garret. Nakahinga naman ng maluwag si Garret. “Thank goodness. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa iyo.” “It’s fine, ano ka ba? Maayos na ang pakiramdam ko. P’wede na nga tayong umuwi agad–” “Hindi,” agap ni Garret. “We need to wait for the results para makasiguro tayo na wala kang ibang nararamdaman.” Ngumisi si Avva. Masyado nga pala talagang OA magmahal si Garret. Nagkunwari lang naman siyang nahihilo pero halos ipa general check up siya nito. Nais pa niya sanang makipag gigilan dito pero tinamad na siya. “Okay,” tanging naging tugon niya. Umusog si Avva mula sa hinihigaang
Matalim ang mga tingin ni Maya kay Hannah. Nasusuka siya sa pagmumukha nito dahil bigla itong nag transform bilang isang maamong tupa buhat sa pagiging tigre.“Anak, bakit gan'yan ang mga tingin mo sa Tita Hannah mo? May problema ba, anak?” nalilitong tanong ni Miguel kay Maya. Papalit-palit ang tingin niya kina Maya at Hannah. Palagay ang loob niya na magkasundo ang dalawa kaya nagtataka siya kung bakit iba ang tono ng anak niya, kung bakit taliwas ang kilos nito. Bumuntong hininga siya. “Mag-usap po tayong tatlo sa salas,” ani Maya. Mula sa kaniyang ama ay lumipat ang tingin niya kay Hannah. “I just need some of your time, papa. Mabilis lang po. Hindi ba, Hannah?” Gulat na napatingin si Hannah kay Maya at saka inosenteng ngumiti. “Sure, kung ‘yan ang gusto mo, Maya. Wala namang problema sa amin ng daddy mo. Ano ba ang dapat nating pag-usapan?”Pinigilan ni Maya ang sarili na mapairap sa inis. Hindi niya alam kung saan kumukuha ng kakapalan ng mukha si Hannah. Kung makaasta ito sa