Nang pumasok si Sierra sa banyo na nasa kanyang silid ay roon pa lamang niya napagtanto na nagpipigil pala siya ng hininga. Kaya nang tuluyang mapag-isa ay nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.Pinakatitigan niya ang sariling repleksyon sa harapan ng full body mirror. Ganoon na lamang ang pag-iinit ng kanyang mukha nang tuluyang makita ang kabuuan ng kanyang katawan. Maputi siya kaya bawat marka ay klarong-klaro. Sa kanyang leeg, sa kanyang mga dibdib, sa magkabilang gilid, sa puson at sa kanyang mga hita. At nang tumalikod siya at halos mag-apoy na ang kanyang mukha sa sobrang init nang makita ang hulma ng malaking palad at mahahabang daliri ni Marco sa kanyang pang-upo. Tangina, hindi naman niya akalaing ganoon kagigil ang taong iyon! Subalit mailap ang lalaki sa mga babae, hindi niya alam kung nagkaroon na ba ito ng babae simula't sapul ngunit kung ganoon pala ang epekto ng pagiging mailap nito ay hindi na alam ni Sierra kung ano pang aasahan niya sa mga susunod. Tek
Huling Na-update : 2025-05-20 Magbasa pa