Share

Chapter 123

Author: Ethaniel Rein
last update Last Updated: 2025-06-22 16:45:21

Isang sulyap lamang sana ang gagawin ni Marco at aalis na nang muling maagaw ng kanyang atensyon ang paglitaw ng mga mensahe sa notification bar.

'Nahuli na ang dalawang lalaki at sila'y kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga pulisya. Ang pagkakahulog ng props ay...'

Tanging iyon lamang ang mababasa sa screen dahil ang kabuuan mababasa lamang kapag in-unlock ang telepono ng babae. Hindi niya maaaring gawin iyon dahil bukod sa hindi niya ito pag-aari, mukhang mahalaga ang pinag-uusapan ng mga ito.

Hindi mahirap intindihin na ang tinutukoy ng nagpadala ng mensahe ay tungkol sa insidenteng naganap kahapon.

May inutusan itong mag-imbestiga sa pangyayari, ibig sabihin ay alam ng babae na hindi lamang isang aksidente ang nangyari at may hinala itong may sinuman ang nasa likod nito?

Kung ganoon, ang pagbubuwis ng buhay ni Lukas Buena, ang usap-usapan sa internet patungkol sa kanila, pawang aksidente nga ba ang mga kaganapang ito o sadya?

Walang alam si Marco sa mga iyon dahil wala
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Marijean Del Socor
kpg hindi n maganda story delete nyo nlang po mga readers kz stress lng po...
goodnovel comment avatar
Joenita Apog
Di nalang tapusin Kung hirap magsulat
goodnovel comment avatar
Joenita Apog
Parang ang author nito same sa nabasa ko Mas marami ang sinusulat na walang Laman parang talinghaga. Parang poem o ano ba ang tawag no tapos 1 month ka mag hintay sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 124

    Wala sa sariling dumako ang tingin ni Sierra kay Marco, ang kanyang mga mata ay puno ng paghanga. Hindi kataka-takang ito ang naging pinuno ng Montezides corporation dahil sa taglay nitong tapang at husay. Wala pa mang ibang salitang lumalabas sa bibig nito subalit kitang-kita sa mga mata nito ang nagsusumigaw na awtoridad. Iyong tipong hindi na nito kailangang magtaas ng tinig para lang sundin. Isang mariing titig pa lamang ay nakakanginig na ng tuhod sa labis na takot. Nanginginig sa takot na tumango ng dalawang beses ang kawawang kasambahay at saka ito nagpaalam na umalis. "Stop staring and eat your food." Puna ni Marco nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Sierra. Nakagat naman ni Sierra ang kanyang pang-ibabang labi at pinamulahan ng mukha sa kahihiyan. Hindi na lamang siya umimik na bumalik sa pagkain. Sa kabilang banda, sa mansyon ng mag-asawang Ericka at Stevan Montezides, nagpupuyos sa galit si Stevan nang matanggap ang ulat mula sa kanyang kanang kamay.

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 123

    Isang sulyap lamang sana ang gagawin ni Marco at aalis na nang muling maagaw ng kanyang atensyon ang paglitaw ng mga mensahe sa notification bar. 'Nahuli na ang dalawang lalaki at sila'y kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga pulisya. Ang pagkakahulog ng props ay...' Tanging iyon lamang ang mababasa sa screen dahil ang kabuuan mababasa lamang kapag in-unlock ang telepono ng babae. Hindi niya maaaring gawin iyon dahil bukod sa hindi niya ito pag-aari, mukhang mahalaga ang pinag-uusapan ng mga ito. Hindi mahirap intindihin na ang tinutukoy ng nagpadala ng mensahe ay tungkol sa insidenteng naganap kahapon. May inutusan itong mag-imbestiga sa pangyayari, ibig sabihin ay alam ng babae na hindi lamang isang aksidente ang nangyari at may hinala itong may sinuman ang nasa likod nito? Kung ganoon, ang pagbubuwis ng buhay ni Lukas Buena, ang usap-usapan sa internet patungkol sa kanila, pawang aksidente nga ba ang mga kaganapang ito o sadya? Walang alam si Marco sa mga iyon dahil wala

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 122

    "G-gusto mo bang samahan kitang magpahangin sa labas?" Pagbubukas ni Sierra ng usapan makalipas ang ilang sandali. Magkatabi na silang nakaupo ngayon sa isang sofa. Bagama't para pa ring nasa alapaap si Sierra dahil sa kakaibang pakiramdam na ipinaramdam ni Marco, kailangan niya pa ring umakto ng normal. Oo at inaamin niya sa lalaki na gusto niya ito ngunit hanggang doon lamang iyon. Hindi niya aakalaing ganoon ang magiging reaksyon nito nang sandaling lumuhod siya. Lalong-lalo nang hindi niya inasahan ang pagkintil ng halik nito sa kanyang noo. Medyo nakaka-overthink iyon para kay Sierra, hindi tuloy niya maiwasang isipin na kahit papaano ay may gusto sa kanya ang kanyang asawa. "No, I would like to go to the gym instead." Anito. Tumango si Sierra at nagpresintang siya na ang maghahatid dito sa personal nitong gym. medyo nag-alangan man noong una ay wala na ring nagawa pa si Marco nang kuhanin na ng babae ang kanyang wheelchair at iharap sa kanya. Palaging si Carlos ang ka

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 121

    Nang pumasok si Sierra sa banyo na nasa kanyang silid ay roon pa lamang niya napagtanto na nagpipigil pala siya ng hininga. Kaya nang tuluyang mapag-isa ay nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.Pinakatitigan niya ang sariling repleksyon sa harapan ng full body mirror. Ganoon na lamang ang pag-iinit ng kanyang mukha nang tuluyang makita ang kabuuan ng kanyang katawan. Maputi siya kaya bawat marka ay klarong-klaro. Sa kanyang leeg, sa kanyang mga dibdib, sa magkabilang gilid, sa puson at sa kanyang mga hita. At nang tumalikod siya at halos mag-apoy na ang kanyang mukha sa sobrang init nang makita ang hulma ng malaking palad at mahahabang daliri ni Marco sa kanyang pang-upo. Tangina, hindi naman niya akalaing ganoon kagigil ang taong iyon! Subalit mailap ang lalaki sa mga babae, hindi niya alam kung nagkaroon na ba ito ng babae simula't sapul ngunit kung ganoon pala ang epekto ng pagiging mailap nito ay hindi na alam ni Sierra kung ano pang aasahan niya sa mga susunod. Tek

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 120

    Parehong nalaglag ang panga ng dalawa.Mariing napalunok ng kanyang laway si Marco habang mariin ang mga matang sinuri ng tingin ang kahubdan ng babaeng nasa kanyang karapan. Ang maputi at makinis na balat nito ay makikitaan mo ng mga marka—markang siya ang may kagagawan. Nang maisip na siya ang may kagagawan sa mga iyon, nagningas ang apoy sa kanyang mga mata. Sa kabila ng lamig na nagmumula sa aircon, ramdam na ramdam niya ang namumuong pawis sa kanyang noo at ang pagkabuhay lalo ng demonyo sa kanyang katawan. 'Control your fucking libido, fucker! She's still sore and aching from the previous harsh activity!' Mariing paalala ni Marco sa sarili at saka nagtagis ang kanyang bagang. Hindi malaman ni Sierra ang gagawin. Kung kukunin ba niya ang kumot na bumagsak sa sahig o tatakpan ng kanyang mga kamay ang pribadong parte ng kanyang mga katawan nang sa ganoon ay hindi iyon lantarang nakikita ng lalaki. Oo at asawa na nga niya ito, they already consummated their wedding just awhile

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 119

    Bumukas-sara ang bibig ni Sierra, nais niyang pabulaanan ang pinagsasabi ng lalaki subalit walang ni isang salitang lumabas sa kanyang labi. What if aminin niya rito na kaya lang niya ibinigay ang kanyang sarili rito ay dahil gusto niyang manatili sa pamilya nito dahil sa kanyang paghihiganti? Paano kung aminin niya sa lalaki na pagpapanggap lang ang lahat? Na wala naman siyang ni katiting na nararamdaman para rito? At ngayong nalaman na niya ang sekreto nito, pwede niya itong gamitin laban dito upang huwag na siya nito tuluyang paalisin sa buhay nito!Ngunit sa kabilang banda, kung gagawin naman niya iyon ay maaaring balikan siya nito at paghigantihan ng mas higit pa kapag naging maayos na ang lahat sa banda nito. Sa madaling salita, wala pa rin siyang mapagpipilian. The best and the only choice that she must consider is that, let the man think that she likes him. Sa ganoong paraan ay malaya siyang makagagalaw nang hindi ito naghihinala sa kanya.Matapos mapagtanto ang mga bagay-

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status