로그인Agad na sumugod ang mga lalaki.Kahit marunong ng martial arts si Sierra, mahirap ipagtanggol ang sarili laban sa napakaraming kalaban, lalo na at kailangan pa niyang bantayan si Elliott na wala namang alam sa pakikipaglaban.Hindi nagtagal, pareho silang napiit at marahas na kinaladkad papasok sa isang itim na van na nakaparada sa gilid ng kalsada.Pagpasok sa loob, itinali nila ang mga kamay nina Sierra at Elliott sa likod.Dahil wala na silang magawa, kumalma na lang si Sierra at tinanong ang pinuno. "Hindi naman tayo magkakilala, bakit niyo kami dinampot?""Hindi nga rin namin kayo kilala, pero may kakilala kayo."Sino?Ilang beses pa siyang nagtanong pero hindi na sumagot ang mga ito. Inis na inis sa kadaldalan niya, pinalagyan na lang sila ng tape ang bibig para tumahimik.Bumyahe ang sasakyan mula sa sentro ng lungsod papunta sa liblib na lugar. Makalipas ang isang oras, huminto rin ito.Itinulak siya palabas ng sasakyan at nakita niya ang isang malaking villa.Pagpasok sa loob
Tapos na ang summer at nag-uumpisa na naman ang maulan o malamig na panahon.Paglabas ni Sierra ng venue, umihip ang malamig na hangin kaya napahawak siya sa braso niya. Sa isang iglap, may itim na manipis na damit na ibinalot sa balikat niya.Yung binigay ni Elliott kanina, sinuot niya para proteksyon sa araw. Malinis at bago pa."Salamat."Tumawa nang mahinhin si Elliott at lumabas ang dimples. "Gutom ka na ba? May kilala akong masarap na mami at rice noodles malapit lang dito."Nakakagaan ng loob si Elliott. Wala ang yabang ng mayaman. Marunong makisama, makipagkwentuhan, at kumain sa mga simpleng kainan.Hindi mo aakalaing isa pala itong prinsipe at anak ng mayaman.Kumpara kay Marco na laging seryoso at nakakatakot, mas komportable siya kasama si Elliott.Wait... bakit biglang sumulpot si Marco sa isip niya?"Sierra?""Ah, oo. Tara na."** Naglakad sila at pumasok sa isang eskinita hanggang sa makarating sa isang kainan. Malaki ang lugar at puno ng tao, siguradong masarap ang lu
Natigilan si Julian sa sarili niyang hinala, pero agad din itong pinabulaanan.Sobrang dami ng dugong nawala kay Audrey noong nanganak ito, at sobrang hina pa nito noon. Kung itatapon pa iyon sa maalon na dagat, imposibleng makaligtas.Pero kung hindi si Audrey, sino pa?Kinuha niya ang cellphone at dinayal ang isang numero. "Alamin niyo kung saan nagpunta si Adriana.""Opo.""At saka, imbestigahan niyo kung may sumusunod o nagmamanman sa akin nitong mga nakaraang araw. Lalo na yung mga taong malapit sa akin. Isa-isahin niyo, walang palalampasin."Ang mga taong alam na gusto na niyang makipaghiwalay at gustong makipag-alyansa sa mayayaman, ay mga taong lubos na nakakakilala sa kanya.Sisiguraduhin niyang malalaman niya kung sino ang nasa likod nito.Mahilig talaga si Sierra sa mga damit na may kinalaman sa sinaunang panahon, at minsan na rin siyang nakagawa ng disenyo tungkol dito.Pero sabi ng guro niya, uso ang modern fashion ngayon at maliit lang ang market para sa mga ganung klase
Halos kilala ng lahat sa Germany ang mga Lavarez kaya madali lang niyang nahanap ang tirahan nito sa kaunting pagtatanong.Natutulog si Vior nang dumating ang katulong at nagreport, "Miss, may lalaking ang naghahanap sa'yo sa baba. Montezides daw.""Sinong Montezides? Huwag mo akong istorbohin." Inis na gumalaw ito sa higaan.Dagdag pa ng katulong, "Sabi niya siya raw po ang Second Young Master ng pamilya Montezides at may importante raw pong pag-uusapan."Second Young Master ng pamilya Montezides?Hindi ba't 'yung sinasabi ni Sierra na manloloko?Biglang naningkit ang mata ni Vior at mabilis na umupo. Kaya pala excited siya, tumawag kasi si Sierra at sinabing oras na para tapusin ang laro.May palabas na, bakit pa matutulog?"Bigyan mo siya ng kape, bababa ako.""Opo."Mabilis na nag-ayos si Vior at bumaba. "Naku, hindi ba ito ang sikat na 'scumbag' sa internet? Buti ka pa naparito."Namutla nang bahagya si Julian pero pinigil lang. Tumayo ito at ngumiti. "Kwentong barbero lang iyon.
"May I come in...""Come." Putol ni Sierra sa sasabihin pa sana ni Marco.Tinitigan siya nang matagal ni Marco.Pakiramdam ni Sierra, parang may halo ring tampo at lungkot ang tingin nito, parang batang nasaktan.Nag-iwas siya ng tingin. "Matutulog na ako."Ang ibig sabihin lang, umalis ka na."Gawa mo ba 'yang mga balita sa internet?" tanong nito bigla.Alam naman niyang may kinalaman siya kay Janella, kaya normal lang na isipin niyang siya ang may pakana.Hindi naman siya magsisinungaling. "Oo.""Dapat hindi ka nagmamadali."Napakuyom ng bahagya ang daliri ni Sierra at humarap dito. "Galit ka ba dahil nasira ang pangalan ng pamilyang Montezides? O dito ka pumunta para sabihing ikaw na ang bahala?"“I told before, hindi ako makikialam sa mga gusot niyo ni Julian.”Nakahinga nang maluwag si Sierra. Akala niya ay sasalungat na naman ito sa kanya."Then what are you doing here?""Kailangan mong matutong maghintay ng tamang pagkakataon. Hangga't hindi ka sigurado, huwag kang basta-basta
Lalong humigpit ang hawak ni Julian, kitang-kita ang paglabas ng mga ugat sa likod ng kanyang kamay. Hinarang lang niya ito nang makita niyang mamumuti na ang mata ni Adriana at parang hihimatayin na.Nahulog si Adriana sa kama at umubo nang malakas.Lumapit si Julian at bumulong nang malamig, "Sa tingin mo matatakot ako sa'yo? Huwag mong kalimutan, ikaw ang nagtulak sa kanya sa hagdan noon. Ikaw ang may sala."Tiningnan siya ni Adriana. "Hindi ko sasabihin sa kahit sino ang nangyari noon. Alam ko kung ano ang makakabuti sa akin, gusto ko pang mabuhay.""Mabuti naman at alam mo." Aakmang aalis na sana si Julian.Bigla itong hinawakan ni Adriana sa damit. "Dumating na ang karma ko, at malapit na ring dumating ang sa'yo! Kahit hindi ako magsalita, hindi ka makakatakas!"Marahas na itinulak ni Julian palayo si Adriana at pinagpag ang damit na hinawakan nito, halatang nandidiri.Nakahiga lang si Adriana at biglang humagalpak ng tawa hanggang sa tumulo ang luha.Dahil sa sobrang tigas ng p
Napakabilis ng pagdaan ng mga araw, hindi mo namamalayang isang buwan na pala ang lumipas. At natapos na rin ni Sierra sa wakas ang kanyang disenyo. Nagpasalamat si Mr. Smith at tuwang-tuwa dahil nagustuhan niya ang pagtatapos ng disenyo. Sa tuwa ay inimbitan siya nito sa opening ng museum sa lalong
Nakaalis na papuntang paaralan ang mga bata nang makarating sila sa bahay. Si Marco ay agad nagpatulak kay Carlos sa kanyang study at ayaw raw magpastorbo. Hindi na rin nagpumilit pa di Sierra dahil baka mas magalit pa ito. Pumasok na lang siya guest room at doon ginawa ang kanyang trabaho. Ang bi
Masyadong malapad ang kalsada kaya naman dire-diretso lang ang paggulong ng wheelchair ni Marco. Kung susuwetehin ay makakakapit pa ito sa railing at hindi diretsong mahuhulog sa bangin na may malalim na tubig, subalit malabo iyon dahil ang lalaking lulan ng wheelchair ay parang wala sa sarili at gu
“Kasasabi mo lang na hindi na ito maganda, kaya dapat lang na tigilan na natin ito. Utang na loob, tama na ‘to.” Napasapo si Sierra sa sariling ulo sa inis. “Hmm…” kalmado lang na tumango si Sylvio. “Hindi nga iyon maganda para sa iyo. Hindi magandang gising na ang asawa mo tapos ikaw lumalabas par







