NAPUNA NI AMELIA na nabago ang mood ni Justin nang nasa loob na sila ng restaurant. Para pa ngang wala itong ganang kumain. Gutom siya kaya di na muna niya pinansin ang kawalan nito ng gana. Nasa kalagitnaan siya ng pagkain nang matanawan niya si Pamela kasama ng nobyo nito. Parang nawalan na rin siya ng ganang kumain pagkakita sa mga ito.Kaya naman pala walang ganang kumain ang kumag na ito, nakita na naman ang ex-girlfriend. Sinita niya ito, "Hey, alam mo bang mukha kang kawawa sa itsura mong yan?" Mahinang sabi niya rito, "Bakit ka nagpapahalatang malungkot ka? Habang sila, hayan at ang saya-saya?"In denial pa si Justin nang kunot-nuong tumingin sa kanya, "Ano bang pinagsasabi mo dyan? Sinong malungkot? At saka sinong me sabi saiyong nakita ko ang exgirlfriend ko at exbestfriend dito?" Maang-maangan na tanong nito sa kanya.Natawa siya, "Sa bibig talaga nahuhuli ang isda eh, no?" Namula ang mukha nito."Come on, cheer up," sabi niya dito, "Kung tutuusin naman, mas magand
Magbasa pa